SlideShare a Scribd company logo
1 of 40
Download to read offline
1
photographed and written byphotographed and written by:: Fergus DucharmeFergus Ducharme,, assisted by:assisted by: JoemarieJoemarie AcallarAcallar andand NiloNilo JimenoJimeno..
©
proudly present:proudly present:
VisitaVisita IglesiaIglesia 20142014
Tagalog VersionTagalog Version..
Ang pagbisita sa pitong luma and makasaysayang mga simbahan,
kasama ang Via Crusis para sa Mahal na Araw
2
Sa taong ito, nag-aalok kami ng tatlong bersyon ng
aming mga Debosyon sa VISITA IGLESIA.
Ang una sa INGLES, ang ikalawa sa HILIGAYNON at
ang bersyon na ito ay sa TAGALOG.
3
Mabuhay!
May iba-ibang dahilan kung bakit marami sa atin ang hindi magawang mag-Bisita
Iglesia tuwing Mahal na Araw.
Ang iba maaring malayo sa kanilang pamilya dahil nasa America, Gitnang Silangan,
Europa, Asya o kahit saan mang bahagi ng mundo, samantala ang iba naman ay
nasa bahay lang dahil may sakit, at ang iba ay maaring maraming ginagawa.
Kaya may inihanda kami para sa inyo upang kayo ay matulungan sa pagninilay sa
Mahal na Araw. Ito na ang pagkakataong makapagdalaw sa makasaysayang mga
simbahan sa Panay at iba pang mga simbahan na may kasamang dalawang
estasyon sa Via Crusis sa bawat simbahan.
Ito ang una naming pagtatangka na maiparating sa inyo itong Tagalog na bersyon
ng Bisita Iglesia. Nawa ay nasiyahan kayo gawa ng kami ay nagalak din sa
paggawa nito.
4
Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa iisang Diyos, Amang makapangyayari sa lahat, na may
gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita.
At sa iisang Panginoong Hesukristo Bugtong na Anak ng Diyos. Nagmumula sa
Amabago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa
liwanag, Diyos na totoobuhat sa Diyos na totoo.
Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama: na sa pamamagitan niya ay
nilikha ang lahat.
Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasanay nanaog buhat sa
langit. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santokay Mariang Birhen at naging
tao.
Ipinako sa krus dahil sa atin, nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio
Pilato, namatay at inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon sa
Kasulatan. Umakyat sa langit: naluluklok sa kanan ng Ama.
5
At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mga
patay: na ang kaharian niya'y walang hanggan.Sumasampalataya ako sa Espiritu
Santo, Panginoon at nagbibigay buhay: na nanggagaling sa Ama at sa Anak: na
sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak: na nagsalita sa
pamamagitan ng mga Propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal, katolika at apostolika. At sa
iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At hinihintay ko ang muling
pagkabuhayng nangamatay at ang buhay na walang hanggan.
Amen.
6
Ama Namin
Ama Namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo, sundin
ang loob mo dito sa lupa para nang sa
langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw, at patawarin
mo kami sa aming mga sala, para
nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin at huwag mo
kaming ipahintulot sa tukso, at iadya
mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng
grasya,ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala naman
ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin
mo kaming makasalanan, ngayon at
kung kami y mamamatay.
Amen.
Luwalhati sa Ama
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa
Divos Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, Ngayon at
magpakailanman sa walang hanggan.
Amen.
7
Ang Unang Simbahan: Ang Katedral Metropolitano ng Jaro, Iloilo City
8
Ang Unang Simbahan: Ang Katedral Metropolitano ng Jaro, Iloilo City
9
UNANG ISTASYON: Hinatulan si Jesus ng kamatayan (1)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Si Jesus ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagiging matapat sa
kanyang MISYON; sapagkat ipinahayag niya ang paghahari ng Diyos na
walang nang-aapi at inaapi. Kinondena siya ng mga kinatawan ng
simbahan at pamunuan ng pamahalaan, sa pakiramdam na sila ay
hinusgahan ni Jesus. Nais ni Jesus na siya ang pinakahuling biktima ng
pagdudumina ng tao sa kanyang kapwa.
Alalahanin natin ang lahat ng mga taong hinatulan ng ating lipunan ng
kamatayan o sa isang di-makaturangang pamumuhay.
Ama, huwag po ninyong hayaan ang aming pamayanan sa
kapangyarihan na humatol sa iyong anak, at nagtataguyod ng pang-aapi
at paniniil sa mga anak mo. Ipagkaloob po ninyo sa amin ang isang
dakilang pananampalataya upang sundan namin si Jesus sa kanyang
minimithing daigdig na paghaharian ng iyong mahabaging pagmamahal.
Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
10
IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus (2)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Duguan si Jesus dulot ng mga matitinding hagupit at nadagdagan pa ang
tindi ng kanyang paghihirap sa koronang tinik na isinuot sa kanyang ulo.
Talagang walang hanggan ang nagagawa ng pagkabulag ng tao sa
katuwiran; hindi masukat ang naabot ng pang-aabuso ng kapangyarihan.
Subalit, sa krus, matatagpuan ang sagisag ng pakikiisa sa atin ng pag-
ibig ni Jesus.
Isipin natin ang mga taong lubhang nahihirapan sa mga mabibigat at di-
makatarungang pasanin sa kanilang buhay. Kasama nila si Jesus. Tayo
rin, dapat makiisa sa kanila.
11
Ama, alam po ninyo na napakaraming krus dito sa daigdig. Kaya lamang
hindi tama ang bahaginan. Ang mga dukha ang nagpapasan ng mga
mabibigat. Ibigay po ninyo sa amin ang karunungan upang di namin
talikuran at bigyan ng maling pakahulugan ang krus ni Jesus.
Pagkalooban ninyo kami ng lakas at katatagan sa pagbabata ng hirap sa
aming pakikibaka laban sa mga nagpapahirap sa tao. Sa pamamagitan
ni Kristo, Jesus, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI
IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus (2)
12
Ang Ikalawang Simbahan: The Ruins of Mater Dei, Macau
13
Ang Ikalawang Simbahan: The Ruins of Mater Dei, Macau
14
IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang pagkakataon (3)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Nakadama si Jesus ng takot, natigib ng kalungkutan at hapis nang
mapagtanto niya ang mangyayari sa kanya. Binigo siya ng kanyang
mga disipulo at nakatulog sila. Naramdaman niyang siya’y pinabayaan,
kasama ng mga napabayaan at mga biktima ng pang-aapi. Alalahanin
nating ang lahat ng mga taong napabayaan, kinalimutan, nag-iisa, at
walang magawa dahil wala silang matagpuang pagkakaisa o tulong
kahit saan. Hinihiling sa atin ni Jesus ngayon na manindigan para sa
mga nahihirapan.
Nilikha mo kaming magkakapatid subalit ang lungkot, pagpapabaya at
kawalan ng pagkakaisa ang naghahatid sa amin sa kamatayan. Dahil
sa inyong anak na naranasan ang hapis dulot ng pagtatakwil sa kanya,
hinihiling namin na puspusin mo ng pag-ibig ang aming mga puso. Sa
pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI
15
IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang Ina (4)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Jesus,
nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria
ang misterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Jesus. Sa
pamamagitan ng krus lamang, makikilala natin kung sino Siya. Isaisip
natin ang mga nanay at tatay na walang magawa habang
pinagmamasdan ang pagdurusa ng kanilang mga anak. Sana’y
matagpuan nila ang pag-asa kay Maria.
Ama,biyayaan ninyo kami ng grasyang masumpungan namin si Jesus
sa paanan ng krus kagaya ni Maria. Bigyan po ninyo ng kaluwagan at
tatag ng kalooban ang mga nagdaranas ng hirap para sa kanilang mga
anak at walang kayang gawin sa ikalulutas nito. Sa ngalan ni Jesukristo
na iyong anak.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
16
Ang Ikatlong Simbahan: San Isidro Labrador, Buenavista, Guimaras Island.
17
Ang Ikatlong Simbahan: San Isidro Labrador, Buenavista, Guimaras Island.
18
IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang krus (5)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Upang hindi bawian ng buhay si Jesus sa daan pa lamang, aatasan ng
mga kawal ang sinumang unang makita nila na pasanin ang krus. Si
Jesus at Simon ay sumisimbolo ng mga taong inalipin ng
kapangyarihan. Napilitan ba lamang si Simon sa kanyang pakikiisa sa
paghihirap Jesus o kusang loob na ginawa niya ito? Iniisip ni Simon na
sa pagpapasan niya ng krus ng isang hinatulan o kinondenang tao,
tumutulong siya sa Diyos. Balikan-tingin natin ang mga panahon na
hinihingi ng mga kapatid natin ang ating tulong na pasanin ang kanilang
krus. Ano ang naging tugon natin sa kanila?
Ama, ang nais mo para sa amin lahat ay maging malaya. Huwag po
ninyong tulutan na dominahan ng iilang tao ang kanilang kapwa sa
pamamagitan ng dahas. Palayain po ninyo kami sa kapangyarihan.
Gawin po ninyo kaming magkakaibigan at tagapaglingkod sa isa’t isa
sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaisa sa pamama-gitan ni JesuKristo,
aming panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
19
IKAANIM NA ISTASYON: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni Jesus (6)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Ang pagpapahid ng isang duguang mukha ng Diyos. At isang matapang na
babae ang siyang gumawa nito. Ang naiwang larawan ang siyang pinaka-
mabisang daan upang makita ang mukha ng Diyos dito sa mundo. Sa mga
mukhang napin-sala ng sobrang pighati, pagsasamantala at kawalan ng
katarungan, atin makikita ang pinakamagandang larawan ng Poong
Maykapal. Kaya ba natin, katulad ni Veronica na salungatin ang lahat ng
mga hadlang at mga baluktot na paniniwala upang pahiran ang mga
duguang mukha ng mga nagbabata ng hirap?
Ama, ipagkaloob ninyo sa amin ang isang pusong wagas upang
matuklasan at mapahiran ang iyong larawan sa mga mukha ng mga
nangingibang-bayan, mga manggagawa,mga itinakwil ng lipunan at ang
mga sugatan sa pakikibaka at kawalan ng katarungan. Gawin po ninyong
Veronica, ang inyong Simbahan, na kayang suungin ang mga panganib
mapahiran lamang ang mga napinsalang mukha ng mga bugbog ng
pagtitiis. Sa pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHAT
20
Ang Ikaapat Na Simbahan: Santo Niño de Arevalo, Arevalo, Iloilo
21
Ang Ikaapat Na Simbahan: Santo Niño de Arevalo, Arevalo, Iloilo
22
IKAPITONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa ikalawang pagkakataon (7)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Madama ni Jesus na pinabayaan na siya ng lahat at napapaligarin ng
kapangyarihan ng kasamaan, kaya dumulog siya sa Ama. Hindi niya
matanto ang kahihinatnan ng ipinahayag niyang Paghahari ng Diyos.
Ang pangitain ng kamatayan ang madalas na bumabagabag sa mga
taong malabo ang pagtingin sa kanilang kinabukasan. Kasama ni Jesus
ang mga taong nabigo at walang nakikitang katugunan sa kanilang
pagkagutom sa katarungan. Kailangan natin makiisa sa kanila kung ibig
nating makasama si Jesus. Patuloy natin ituon ang pag-asa sa Ama,
gaya ni Jesus, sa kanila.
Turuan po ninyo kami, Ama, na mana-langin katulad ni Jesus sa
halamanan ng Hetsemane upang matutunan namin makibahagi sa
mga pasakit at dalamhati ng lahat ng mga sugatan at nabuwal sa
daigdig na ito, hanggang matupad ang kalooban mo ng pag-ibig at
buhay. Sa pamamagitan ni Jesukristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
23
IKAWALONG ISTASYON: Nagsalita si Jesus sa mga kababaihan ng Jerusalem (8)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Umiiyak ang mga kababaihan ng Jesusalem sa harapan ng bilanggong
hinatulan ng kamatayan si Jesus. Subalit,hiniling ni Jesus na ibaling nila
ang pagtingin sa kanilang mga sarili. Ang kamatayan ni Jesus ay gawa ng
isang lipunang nakapinid ang pinto sa mga biyaya ng Diyos, itinakwil ang
salita ng kaligtasang dala ni Jesus. Ang kanyang mga salita sa mga
kababaihan ay minsang naging isang banta at panawagan ng pagbabalik-
loob. Banta, sapagkat ang sinumang tumanggi sa grasya ng Maykapal ay
naghahanap ng sariling kamatayan. Isang panawagan sa pagbabalik-loob
dahil hindi imposible ang pagbabago, ang pagtanggap sa salita ng Diyos,
pagsasabuhay nito at pakikiisa sa pagpupunyaging itatag ang paghahari ng
Diyos dito sa sandaigdigan.
Buksan po ninyo ang aming puso, O Ama,sa iyong mga salita upang
lumaya kami sa aming pagkamakasarili. Matutunan sana naming mamuhay
na palagiang nakikiisa sa lahat ng aming mga kapatid sa buong
sangkatauhan. Sa pamamagitan ni Jesuskristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
24
Ang Pitong Simbahan: St John’s Cathedral, Hong Kong
25
Ang Pitong Simbahan: St John’s Cathedral, Hong Kong
26
IKASIYAM NA ISTASYON: Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli si Jesus (9)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Nahalo ang dugo ni Jesus sa lupang napaka-raming dugong inihain ng
mga walang sala mula noon hanggang sa kasalukuyan. Mahalaga sa
Diyos ang dugong inihain ng mga walang sala. Ito ang dugo na likha ng
sala ng tao sa marubdob niyang pagnanasa na maging Diyos; alipin ng
pagkamakasarili at mamamatay-tao ng sariling kapatid. Huwag tayong
palinlang Nababahala ang Poong Maykapal sa mga inosenteng dugo.
Kaya ang isang anghel ang dumating upang kalingain si Jesus. Itong mga
duguan ay bubuhayin muli. Ang lupang dinilig ng dugo ay mamumukadkad
uli ng isang bagong buhay. Ang bawat nilalang na nag-alay ng dugo ay
pagkakalooban ng anghel at siya’ybubuhayin muli.
Sumisigaw, o Ama, ang dugong dumaloy mula kay Jesus at sa marami
naming mga kapatid. Isinasamo namin, harinawa’y walang sinuman ang
magpapadanak ng dugo ng kanyang kapatid at huwag mong hayaang
sinuman ang papatay sa mamamayan sa matin-ding kahirapan. Sangalan
ni Kristo, Jesus, aming Panginoon!
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
27
IKA SAMPUNG ISTASYON: Hinubaran si Jesus (10)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Paghinubaran mo ng damit ang isang tao sa harap ng publiko, katumbas ito
ng pagyurak ng kanyang pagkatao at pag-alis ng kanyang dangal bilang
tao. At ito ang ginawa nila kay Jesus. Patuloy pa rin itong ginagawa sa mga
taong pinagkakaitan ng lahat na nararapat sa kanila. Ang pag-asa ay hindi
nakasalalay sa mga sakim at kurakot kundi kay Jesus na pinagkaitan din ng
lahat. Buo ang pagtitiwala ni Jesus sa kanyang Ama. Nasa kanyang panig
ang Diyos. Kaya dapat magtiwala kay Jesus at sa mga pinagkaitan, yaong
walang mawawala sa kanila at may karapatang umasa sa Panginoon. Mula
sa kanila, itatatag ng Diyos ang isang Bagong Sambayanan.
Nakikita namin sa inyong anak na pinagkaitan, ang mahihirap o mga dukha
dito sa daigdig. Sa mga taong walang pagbabago, loobin po ninyong sila’y
magkaroon ng pusong mapagbahagi, mapagmahal na hindi nakatali sa
mga materyal na bagay. Turuan ninyo kaming magbahagi sa ngalan ng
pagkakaisa mula sa aming makakaya o ari-arian. Sa pamamagitan ni
JesuKristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
28
Ang Ikaanim Simbahan: St Michael the Archangel, San Miguel, Iloilo
29
Ang Ikaanim Simbahan: St Michael the Archangel, San Miguel, Iloilo
30
IKALABING-ISANG ISTASYON: Ipinako si Jesus sa krus (11)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Ipinako ang mga kamay at paa ni Jesus. Nais nilang dumaloy ang mas
maraming dugo upang madali siyang mamatay. Sadya nilang ginagawa
ang ganito; madali nilang maililigpit si Jesus na manunulsol. Subalit si
Jesus ay mas malakas sa kanyang kahinaan kaysa mga naghatol sa
kanya. Mula sa kanyang napapakuang krus, maipagdarasal niya ang mga
nagpahirap sa kanya. Hindi ibig sabihin na pinawawalang-sala sila kundi
idinidiin ang kanilang kahibangan at kasalanan. Kaya, ihinihingi sila ng
kapatawaran. Ito ang tagumpay ng isang pinahihirapan sa mga
nagpapahirap sa kanya. Tagumpay din ito ng pagmamahal at habag.
Ama, lubha ang pananakit na ginawa sa inyong anak. At marami din sa
inyong mga anak ang pinahihirapan sa iba’t ibang pamamaraan. Ang aming
pusong puspos ng pighati ay dumadalangin para sa mga biktima ng
matinding pasakit at sa mga gumawa nito. Pagkasunduin mo po sila at
nawa’y mahinto na sa mundong ito ang anumang pananakit sa kapwa. Sa
pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
31
IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus (12)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Si Jesus na taga-Nasareth, ang dakilang propeta na nagpahayag tungkol
sa bagong buhay at paghahari ng Diyos ay pinatay sa labas ng lungsod.
Siya ay itinakwil ng lipunan, ng relihiyon at ng buhay. Sa pagkakataong ito,
ipinakikilala ni Jesus ang kanyang ganap na katapatan, isinakripisyo niya
ang kanyang buhay para sa kanyang pinaniniwalaan at mga ipinahayag.
Namatay siyang lubos ang pag-titiwala sa kanyang Ama, ang Diyos ng
pag-ibig at mas makapangyarihan kaysa mga kumitil ng kanyang buhay.
Tayong mga tagasunod ni Jesus ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
Patuloy nating hanapin ang bukal ng pag-asa sa krus ni Jesus. Tayo’y
mga alagad ng isang taong napako sa krus. Katulad ni Jesus, sikapin natin
makilala siya sa ating paglilingkod kahit hanggang kamatayan tungo sa
pag-aangkin ng sanlibutan ng isang bagong buhay.
32
IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus (12)
Naniniwala po kami, o Ama, na si Jesus na pinako sa krus ay
iyong anak na tagapagligtas. Sa pamamagitan niya, alam namin
na ang inyong lakas ay ang pag-ibig na nagtitiis kasama ng mga
nagdurusa. Kasama ni Jesus, nais namin makipagtunggali laban
sa dalamhati na siyang dahilan ng pagdurusa. Sa pamamagitan
ni JesuKristo aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
33
Ang Ikapito Simbahan: San José de Placer, Iloilo City, Iloilo.
34
Ang Ikapito Simbahan: San José de Placer, Iloilo City, Iloilo.
35
IKALABINTATLONG ISTASYON: Si Jesus ay ibinaba mula sa Krus (13)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Tinanggap ng ina ni Jesus sa kanyang mga bisig ang walang buhay na
katawan ng kanyang anak. Inilagak niya ang buong pagtitiwala sa Diyos, na
mula sa patay na laman, ang Maykapal ay lilikha muli ng bagong buhay. Si
Maria ay magsisilang uli ng isang bagong buhay sa hirap at pag-asa. Ang
Sambayanan ni Kristo, kagaya ni Maria, kailangan tanggapin ang lahat ng
tao, lalo na yong mga nagdurusa dahil sa isang dakilang adhikain.
Inaanyayahan sila nitong Sambayanan sa isang bagong buhay. Ang
kanilang pagtitiis kapag nagsasabuhay ng pagkakaisa at pananampalataya
ay nagiging daan tungo sa isang bagong Sambayanan ng Diyos.
Binigyan ninyo o Ama ang simbahan ng bagong halimbawa o modelo sa
katauhan ni Maria. Basbasan po ninyo kami ng pananam-palatayang kagaya
kay Maria na handang tanggapin sa simbahan ang lahat ng mga nilalang na
nagtitiis ng hirap umusbong lamang ang isang bagong angkan kung saan
lahat ay magkakapatid sa iyong ngalan, aming Ama. Sa pamamagitan ni
Jesus aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
36
IKALABING-APAT NA ISTASYON: Inilibing si Jesus (14)
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Ang libingan ang pinakasukdulang kalung-kutan. Ang patay ay ganap na
nag-iisa. Ang paniniwala ng mga pumatay kay Jesus na kapag nailibing
na nila ang katawan nito, mabubura sa isipan ng madla ang alaala ni
Jesus. Subalit ang libingan ni Jesus na nasa halamanan ay dambana ng
buhay na siyang naging bukal ng bagong buhay ni Jesus. Si Jesus ang
magiging binhi na kapag ibinaon sa lupa, tutubo ito at mamumu-kadkad.
Ang buhay niya ay nasa kamay ng Diyos, ganoon din ang lakat ng mga
nangawalan ng buhay at mga pinatay. Hindi pababayaan ng Ama ang
kanyang mga anak.
Ama, ginawa mong pagdaraanan tungo sa bagong buhay ang libingan ni
Jesus. Hayaan ninyong tanggapin ng lupa, ng mapayapa, ang mga
yumao. Harinawa’y magbunga ito ng pag-asa at buhay para sa iyong
sangkatauhan. Sa pamamagitan ni JesuKristo aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
37
IKALABINLIMANG ISTASYON: Nabuhay na muli si Jesus.
Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Isang bagong kasaysayan at isang bagong buhay ang nagsimula sa unang araw ng linggo.
Wala na si Jesus sa kanyang libingan. Siya na ipinako sa krus ay nabuhay na muli. Ang lahat
ng kapangyarihan ay hinatulan ng pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang Diyos ay nasa panig ng
ipinako sa krus at hindi sa mga pumatay sa kanya. May mahalagang kahulugan ang
pagkamatay ni Jesus. May kahulugan din ang paglilingkod sa kapwa. Maaasahan natin na
tayo rin ay bubuhayin muli ng Diyos tungo sa isang bagong buhay at ganap na kalayaan.
Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyo o Ama, sa pagkabuhay na muli ng inyong Anak.
Sa kanyang ngalan, hinihiling namin sa inyo na pagibayuhin namin ang pagsasabuhay ng
pag-ibig at pananampalataya upang mai-alay namin ang aming sarili sa paglilingkod sa mga
naghihirap sa pag-asang mabubuhay kami muli tungo sa isang bagong buhay, sa
pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
38
Ama Namin
Ama Namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa
lahat ng masama.
Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.
Amen.
Luwalhati sa Ama
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Divos Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman sa
walang hanggan.
Amen.
39
Nais naming pasalamatan at kilalanin ang mga sumusunod:
• www.maryrosaries.com para sa Tagalog na pagsasalin ng mga panalangin
kaugnay sa Via Crusis
• Professor Francis Dimzon, University of the Philippines Visayas para sa
pagsalin ng ibang bahagi ng materyal na ito sa wikang Tagalog/Filipino at
Hiligaynon.
40
Umaasa kaming nasiyahan kayo sa 2014 Tagalog/Pilipino na bersyon ng Visita Iglesia.
Mayroon din kaming mga bersyon ng mga debosyon sa Ingles at Hiligaynon.
Kung mayroon kang mga mungkahi o mga rekomendasyon para mapapabuti ang serbisyong
ito, mangyaring huwag mag-atubiling ipadala ang iyong mga ideya sa sa:
info@historicphilippines.com

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

9 day novena to st.pio
9 day novena to st.pio9 day novena to st.pio
9 day novena to st.pio
 
CLOSING PRAYER.pptx
CLOSING PRAYER.pptxCLOSING PRAYER.pptx
CLOSING PRAYER.pptx
 
Sacramento
SacramentoSacramento
Sacramento
 
Cebuano Rosary (Luminous Mysteries)
Cebuano Rosary (Luminous Mysteries)Cebuano Rosary (Luminous Mysteries)
Cebuano Rosary (Luminous Mysteries)
 
Karen ppt2
Karen ppt2Karen ppt2
Karen ppt2
 
3 O'Clock Prayer Devotion.pptx
3 O'Clock Prayer Devotion.pptx3 O'Clock Prayer Devotion.pptx
3 O'Clock Prayer Devotion.pptx
 
Rosary Orientation
Rosary OrientationRosary Orientation
Rosary Orientation
 
Baptismal catechesis
Baptismal catechesisBaptismal catechesis
Baptismal catechesis
 
What is Lent?
What is Lent?What is Lent?
What is Lent?
 
Espiritu Santo.pptx
Espiritu Santo.pptxEspiritu Santo.pptx
Espiritu Santo.pptx
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
 
Advent recollection prayer points_Tagalog
Advent recollection prayer points_TagalogAdvent recollection prayer points_Tagalog
Advent recollection prayer points_Tagalog
 
Ash Wednesday
Ash WednesdayAsh Wednesday
Ash Wednesday
 
PRE CANA MODULE
PRE CANA MODULEPRE CANA MODULE
PRE CANA MODULE
 
1 day recollection module
1 day recollection module1 day recollection module
1 day recollection module
 
Liturgical Year
Liturgical Year Liturgical Year
Liturgical Year
 
NOVENA SA MAHAL NGA BIRHEN SA REGLA
NOVENA SA MAHAL NGA BIRHEN SA REGLA NOVENA SA MAHAL NGA BIRHEN SA REGLA
NOVENA SA MAHAL NGA BIRHEN SA REGLA
 
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASALKATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
 
Pre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarPre Confirmation Seminar
Pre Confirmation Seminar
 
Ang mga Bumubuo sa Komunidad
Ang mga Bumubuo sa KomunidadAng mga Bumubuo sa Komunidad
Ang mga Bumubuo sa Komunidad
 

Viewers also liked

Bisita Iglesya Prayer
Bisita Iglesya PrayerBisita Iglesya Prayer
Bisita Iglesya Prayerguestc7aa65a
 
Bisita Iglesia 2014, Hiligaynon Version
Bisita Iglesia 2014, Hiligaynon VersionBisita Iglesia 2014, Hiligaynon Version
Bisita Iglesia 2014, Hiligaynon VersionFergus Ducharme
 
Orientation for Youth Catechesis
Orientation for Youth CatechesisOrientation for Youth Catechesis
Orientation for Youth CatechesisJacq Ramos
 
Kredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 ArtikuloKredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 ArtikuloRic Eguia
 
Bisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/Hiligaynon
Bisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/HiligaynonBisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/Hiligaynon
Bisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/HiligaynonFergus Ducharme
 
Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1Jacq Ramos
 
Visit Iglesia 2015 English Language Edition
Visit Iglesia 2015 English Language EditionVisit Iglesia 2015 English Language Edition
Visit Iglesia 2015 English Language EditionFergus Ducharme
 
Vios 1.3 j base Presentation
Vios 1.3 j base PresentationVios 1.3 j base Presentation
Vios 1.3 j base PresentationAndy Abanilla
 
R E C R E A T I O N A L A C T I V I T I E S
R E C R E A T I O N A L  A C T I V I T I E SR E C R E A T I O N A L  A C T I V I T I E S
R E C R E A T I O N A L A C T I V I T I E SRodel Sinamban
 
CAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nn
CAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nnCAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nn
CAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nncapesociology
 
D.o. 36, s. 2016 ppt
D.o. 36, s. 2016 pptD.o. 36, s. 2016 ppt
D.o. 36, s. 2016 pptLu
 
6 aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média
6   aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média6   aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média
6 aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade médiaprofdu
 
Best buy-analysis
Best buy-analysisBest buy-analysis
Best buy-analysisTaposh Roy
 
1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva
1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva
1 british airways, stakeholder analysis, petya lalevaPetya Laleva
 
DepEd Order no. 36 s. 2016
DepEd Order no. 36 s. 2016DepEd Order no. 36 s. 2016
DepEd Order no. 36 s. 2016Vera Salamat
 

Viewers also liked (19)

Bisita Iglesya Prayer
Bisita Iglesya PrayerBisita Iglesya Prayer
Bisita Iglesya Prayer
 
Mitch ed.tech.
Mitch ed.tech.Mitch ed.tech.
Mitch ed.tech.
 
Bisita Iglesia 2014, Hiligaynon Version
Bisita Iglesia 2014, Hiligaynon VersionBisita Iglesia 2014, Hiligaynon Version
Bisita Iglesia 2014, Hiligaynon Version
 
Orientation for Youth Catechesis
Orientation for Youth CatechesisOrientation for Youth Catechesis
Orientation for Youth Catechesis
 
Kredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 ArtikuloKredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 Artikulo
 
2nd Sunday Of Advent Year C
2nd Sunday Of Advent Year C2nd Sunday Of Advent Year C
2nd Sunday Of Advent Year C
 
Bisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/Hiligaynon
Bisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/HiligaynonBisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/Hiligaynon
Bisita Iglesia 2015 - Bersyon Ilonggo/Hiligaynon
 
Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1Youth Catechesis Lesson 1
Youth Catechesis Lesson 1
 
Visit Iglesia 2015 English Language Edition
Visit Iglesia 2015 English Language EditionVisit Iglesia 2015 English Language Edition
Visit Iglesia 2015 English Language Edition
 
Vios 1.3 j base Presentation
Vios 1.3 j base PresentationVios 1.3 j base Presentation
Vios 1.3 j base Presentation
 
R E C R E A T I O N A L A C T I V I T I E S
R E C R E A T I O N A L  A C T I V I T I E SR E C R E A T I O N A L  A C T I V I T I E S
R E C R E A T I O N A L A C T I V I T I E S
 
1st Sunday Of Lent
1st Sunday Of Lent1st Sunday Of Lent
1st Sunday Of Lent
 
CAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nn
CAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nnCAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nn
CAPE HISTORY UNIT ONE Final dismantlement of slave systems, 1807 1886 nn
 
Estilo AMA
Estilo AMAEstilo AMA
Estilo AMA
 
D.o. 36, s. 2016 ppt
D.o. 36, s. 2016 pptD.o. 36, s. 2016 ppt
D.o. 36, s. 2016 ppt
 
6 aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média
6   aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média6   aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média
6 aula 4 religiosidade, cultura e arte na idade média
 
Best buy-analysis
Best buy-analysisBest buy-analysis
Best buy-analysis
 
1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva
1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva
1 british airways, stakeholder analysis, petya laleva
 
DepEd Order no. 36 s. 2016
DepEd Order no. 36 s. 2016DepEd Order no. 36 s. 2016
DepEd Order no. 36 s. 2016
 

Similar to Visita Iglesia 2014 Tagalog version

Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxDarellLanuza1
 
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNanetteMSitjar
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Ric Eguia
 
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdfWORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdfJohnKirbyPerez
 
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorioPanalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorioCatherine Vargas
 
Jesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & MissionJesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & MissionRic Eguia
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxDarellLanuza1
 
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019Rodel Sinamban
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Melvin Angeles
 
The Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - TagalogThe Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - TagalogSheryl Coronel
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Truth
 
DOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEFaithworks Christian Church
 
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxJan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxCarlosTorralba4
 
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 

Similar to Visita Iglesia 2014 Tagalog version (20)

Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
 
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
ROSARY 22'.pptx
ROSARY 22'.pptxROSARY 22'.pptx
ROSARY 22'.pptx
 
ppt-for-first-communion.pptx
ppt-for-first-communion.pptxppt-for-first-communion.pptx
ppt-for-first-communion.pptx
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
 
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdfWORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
 
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorioPanalangin sa kaluluwa ni san gregorio
Panalangin sa kaluluwa ni san gregorio
 
Jesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & MissionJesus Christ, His Person & Mission
Jesus Christ, His Person & Mission
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
 
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
Cfc clp talk 3 what it means to be a christian 2019
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version
 
The Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - TagalogThe Joyful Mysteries - Tagalog
The Joyful Mysteries - Tagalog
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
 
DOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 9 - RESURRECTION - PS. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxJan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
 
Bihilya
BihilyaBihilya
Bihilya
 
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS WK2 - PTR. VETTY GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 
sakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptxsakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptx
 

More from Fergus Ducharme

2015 saint george's cathedral, kingston
2015 saint george's cathedral, kingston2015 saint george's cathedral, kingston
2015 saint george's cathedral, kingstonFergus Ducharme
 
2015 1000 islands cruise
2015 1000 islands cruise2015 1000 islands cruise
2015 1000 islands cruiseFergus Ducharme
 
The Long and Winding Road
The Long and Winding RoadThe Long and Winding Road
The Long and Winding RoadFergus Ducharme
 
Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5
Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5
Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5Fergus Ducharme
 
St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5
St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5
St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5Fergus Ducharme
 
The churches of 2014 & early 2015
The churches of 2014 & early 2015The churches of 2014 & early 2015
The churches of 2014 & early 2015Fergus Ducharme
 
St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2
St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2
St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2Fergus Ducharme
 
On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1
On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1
On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1Fergus Ducharme
 
An Abandoned Mansion in Oton
An Abandoned Mansion in OtonAn Abandoned Mansion in Oton
An Abandoned Mansion in OtonFergus Ducharme
 
Another Basang Basa Coral Beach Resort Episode
Another Basang Basa Coral Beach Resort EpisodeAnother Basang Basa Coral Beach Resort Episode
Another Basang Basa Coral Beach Resort EpisodeFergus Ducharme
 
Filipino Traditional Homes
Filipino Traditional HomesFilipino Traditional Homes
Filipino Traditional HomesFergus Ducharme
 
Some of the Lopez Family Mansions
Some of the Lopez Family MansionsSome of the Lopez Family Mansions
Some of the Lopez Family MansionsFergus Ducharme
 
Sanson y Montinola Mansion in Jaro
Sanson y Montinola Mansion in JaroSanson y Montinola Mansion in Jaro
Sanson y Montinola Mansion in JaroFergus Ducharme
 
Eusebio Villanueva Mansion
Eusebio Villanueva MansionEusebio Villanueva Mansion
Eusebio Villanueva MansionFergus Ducharme
 
Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²
Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²
Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²Fergus Ducharme
 

More from Fergus Ducharme (20)

2015 saint george's cathedral, kingston
2015 saint george's cathedral, kingston2015 saint george's cathedral, kingston
2015 saint george's cathedral, kingston
 
Our Churches Episode 5
Our Churches Episode 5Our Churches Episode 5
Our Churches Episode 5
 
Churches 4
Churches  4Churches  4
Churches 4
 
2015 old fort hernry
2015 old fort hernry2015 old fort hernry
2015 old fort hernry
 
2015 old kingston
2015 old kingston2015 old kingston
2015 old kingston
 
2015 1000 islands cruise
2015 1000 islands cruise2015 1000 islands cruise
2015 1000 islands cruise
 
2015 merrickville perth
2015 merrickville perth2015 merrickville perth
2015 merrickville perth
 
The Long and Winding Road
The Long and Winding RoadThe Long and Winding Road
The Long and Winding Road
 
Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5
Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5
Family Homestead, Pontevedra, Capiz. Episode 4 of 5
 
St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5
St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5
St Isidore the Farmer Church, Pontevedra, Capiz. Episode 3 of 5
 
The churches of 2014 & early 2015
The churches of 2014 & early 2015The churches of 2014 & early 2015
The churches of 2014 & early 2015
 
St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2
St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2
St Lawrence the Deacon Church, Panitan, Capiz, Episode 2
 
On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1
On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1
On the Road Again. We discover Capiz Province, Episode 1
 
An Abandoned Mansion in Oton
An Abandoned Mansion in OtonAn Abandoned Mansion in Oton
An Abandoned Mansion in Oton
 
Another Basang Basa Coral Beach Resort Episode
Another Basang Basa Coral Beach Resort EpisodeAnother Basang Basa Coral Beach Resort Episode
Another Basang Basa Coral Beach Resort Episode
 
Filipino Traditional Homes
Filipino Traditional HomesFilipino Traditional Homes
Filipino Traditional Homes
 
Some of the Lopez Family Mansions
Some of the Lopez Family MansionsSome of the Lopez Family Mansions
Some of the Lopez Family Mansions
 
Sanson y Montinola Mansion in Jaro
Sanson y Montinola Mansion in JaroSanson y Montinola Mansion in Jaro
Sanson y Montinola Mansion in Jaro
 
Eusebio Villanueva Mansion
Eusebio Villanueva MansionEusebio Villanueva Mansion
Eusebio Villanueva Mansion
 
Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²
Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²
Aduanna & the Inner Harbour, Sights & Sounds of Ilo²
 

Visita Iglesia 2014 Tagalog version

  • 1. 1 photographed and written byphotographed and written by:: Fergus DucharmeFergus Ducharme,, assisted by:assisted by: JoemarieJoemarie AcallarAcallar andand NiloNilo JimenoJimeno.. © proudly present:proudly present: VisitaVisita IglesiaIglesia 20142014 Tagalog VersionTagalog Version.. Ang pagbisita sa pitong luma and makasaysayang mga simbahan, kasama ang Via Crusis para sa Mahal na Araw
  • 2. 2 Sa taong ito, nag-aalok kami ng tatlong bersyon ng aming mga Debosyon sa VISITA IGLESIA. Ang una sa INGLES, ang ikalawa sa HILIGAYNON at ang bersyon na ito ay sa TAGALOG.
  • 3. 3 Mabuhay! May iba-ibang dahilan kung bakit marami sa atin ang hindi magawang mag-Bisita Iglesia tuwing Mahal na Araw. Ang iba maaring malayo sa kanilang pamilya dahil nasa America, Gitnang Silangan, Europa, Asya o kahit saan mang bahagi ng mundo, samantala ang iba naman ay nasa bahay lang dahil may sakit, at ang iba ay maaring maraming ginagawa. Kaya may inihanda kami para sa inyo upang kayo ay matulungan sa pagninilay sa Mahal na Araw. Ito na ang pagkakataong makapagdalaw sa makasaysayang mga simbahan sa Panay at iba pang mga simbahan na may kasamang dalawang estasyon sa Via Crusis sa bawat simbahan. Ito ang una naming pagtatangka na maiparating sa inyo itong Tagalog na bersyon ng Bisita Iglesia. Nawa ay nasiyahan kayo gawa ng kami ay nagalak din sa paggawa nito.
  • 4. 4 Sumasampalataya Sumasampalataya ako sa iisang Diyos, Amang makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita. At sa iisang Panginoong Hesukristo Bugtong na Anak ng Diyos. Nagmumula sa Amabago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoobuhat sa Diyos na totoo. Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama: na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat. Na dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasanay nanaog buhat sa langit. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santokay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin, nagpakasakit sa ilalim ng kapangyarihan ni Poncio Pilato, namatay at inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon sa Kasulatan. Umakyat sa langit: naluluklok sa kanan ng Ama.
  • 5. 5 At pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mga patay: na ang kaharian niya'y walang hanggan.Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay buhay: na nanggagaling sa Ama at sa Anak: na sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak: na nagsalita sa pamamagitan ng mga Propeta. Sumasampalataya ako sa iisang Iglesyang banal, katolika at apostolika. At sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At hinihintay ko ang muling pagkabuhayng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.
  • 6. 6 Ama Namin Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. Aba Ginoong Maria Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay. Amen. Luwalhati sa Ama Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Divos Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman sa walang hanggan. Amen.
  • 7. 7 Ang Unang Simbahan: Ang Katedral Metropolitano ng Jaro, Iloilo City
  • 8. 8 Ang Unang Simbahan: Ang Katedral Metropolitano ng Jaro, Iloilo City
  • 9. 9 UNANG ISTASYON: Hinatulan si Jesus ng kamatayan (1) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Si Jesus ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagiging matapat sa kanyang MISYON; sapagkat ipinahayag niya ang paghahari ng Diyos na walang nang-aapi at inaapi. Kinondena siya ng mga kinatawan ng simbahan at pamunuan ng pamahalaan, sa pakiramdam na sila ay hinusgahan ni Jesus. Nais ni Jesus na siya ang pinakahuling biktima ng pagdudumina ng tao sa kanyang kapwa. Alalahanin natin ang lahat ng mga taong hinatulan ng ating lipunan ng kamatayan o sa isang di-makaturangang pamumuhay. Ama, huwag po ninyong hayaan ang aming pamayanan sa kapangyarihan na humatol sa iyong anak, at nagtataguyod ng pang-aapi at paniniil sa mga anak mo. Ipagkaloob po ninyo sa amin ang isang dakilang pananampalataya upang sundan namin si Jesus sa kanyang minimithing daigdig na paghaharian ng iyong mahabaging pagmamahal. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 10. 10 IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus (2) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Duguan si Jesus dulot ng mga matitinding hagupit at nadagdagan pa ang tindi ng kanyang paghihirap sa koronang tinik na isinuot sa kanyang ulo. Talagang walang hanggan ang nagagawa ng pagkabulag ng tao sa katuwiran; hindi masukat ang naabot ng pang-aabuso ng kapangyarihan. Subalit, sa krus, matatagpuan ang sagisag ng pakikiisa sa atin ng pag- ibig ni Jesus. Isipin natin ang mga taong lubhang nahihirapan sa mga mabibigat at di- makatarungang pasanin sa kanilang buhay. Kasama nila si Jesus. Tayo rin, dapat makiisa sa kanila.
  • 11. 11 Ama, alam po ninyo na napakaraming krus dito sa daigdig. Kaya lamang hindi tama ang bahaginan. Ang mga dukha ang nagpapasan ng mga mabibigat. Ibigay po ninyo sa amin ang karunungan upang di namin talikuran at bigyan ng maling pakahulugan ang krus ni Jesus. Pagkalooban ninyo kami ng lakas at katatagan sa pagbabata ng hirap sa aming pakikibaka laban sa mga nagpapahirap sa tao. Sa pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus (2)
  • 12. 12 Ang Ikalawang Simbahan: The Ruins of Mater Dei, Macau
  • 13. 13 Ang Ikalawang Simbahan: The Ruins of Mater Dei, Macau
  • 14. 14 IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang pagkakataon (3) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Nakadama si Jesus ng takot, natigib ng kalungkutan at hapis nang mapagtanto niya ang mangyayari sa kanya. Binigo siya ng kanyang mga disipulo at nakatulog sila. Naramdaman niyang siya’y pinabayaan, kasama ng mga napabayaan at mga biktima ng pang-aapi. Alalahanin nating ang lahat ng mga taong napabayaan, kinalimutan, nag-iisa, at walang magawa dahil wala silang matagpuang pagkakaisa o tulong kahit saan. Hinihiling sa atin ni Jesus ngayon na manindigan para sa mga nahihirapan. Nilikha mo kaming magkakapatid subalit ang lungkot, pagpapabaya at kawalan ng pagkakaisa ang naghahatid sa amin sa kamatayan. Dahil sa inyong anak na naranasan ang hapis dulot ng pagtatakwil sa kanya, hinihiling namin na puspusin mo ng pag-ibig ang aming mga puso. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI
  • 15. 15 IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang Ina (4) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Jesus, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria ang misterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Jesus. Sa pamamagitan ng krus lamang, makikilala natin kung sino Siya. Isaisip natin ang mga nanay at tatay na walang magawa habang pinagmamasdan ang pagdurusa ng kanilang mga anak. Sana’y matagpuan nila ang pag-asa kay Maria. Ama,biyayaan ninyo kami ng grasyang masumpungan namin si Jesus sa paanan ng krus kagaya ni Maria. Bigyan po ninyo ng kaluwagan at tatag ng kalooban ang mga nagdaranas ng hirap para sa kanilang mga anak at walang kayang gawin sa ikalulutas nito. Sa ngalan ni Jesukristo na iyong anak. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 16. 16 Ang Ikatlong Simbahan: San Isidro Labrador, Buenavista, Guimaras Island.
  • 17. 17 Ang Ikatlong Simbahan: San Isidro Labrador, Buenavista, Guimaras Island.
  • 18. 18 IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang krus (5) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Upang hindi bawian ng buhay si Jesus sa daan pa lamang, aatasan ng mga kawal ang sinumang unang makita nila na pasanin ang krus. Si Jesus at Simon ay sumisimbolo ng mga taong inalipin ng kapangyarihan. Napilitan ba lamang si Simon sa kanyang pakikiisa sa paghihirap Jesus o kusang loob na ginawa niya ito? Iniisip ni Simon na sa pagpapasan niya ng krus ng isang hinatulan o kinondenang tao, tumutulong siya sa Diyos. Balikan-tingin natin ang mga panahon na hinihingi ng mga kapatid natin ang ating tulong na pasanin ang kanilang krus. Ano ang naging tugon natin sa kanila? Ama, ang nais mo para sa amin lahat ay maging malaya. Huwag po ninyong tulutan na dominahan ng iilang tao ang kanilang kapwa sa pamamagitan ng dahas. Palayain po ninyo kami sa kapangyarihan. Gawin po ninyo kaming magkakaibigan at tagapaglingkod sa isa’t isa sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaisa sa pamama-gitan ni JesuKristo, aming panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 19. 19 IKAANIM NA ISTASYON: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni Jesus (6) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Ang pagpapahid ng isang duguang mukha ng Diyos. At isang matapang na babae ang siyang gumawa nito. Ang naiwang larawan ang siyang pinaka- mabisang daan upang makita ang mukha ng Diyos dito sa mundo. Sa mga mukhang napin-sala ng sobrang pighati, pagsasamantala at kawalan ng katarungan, atin makikita ang pinakamagandang larawan ng Poong Maykapal. Kaya ba natin, katulad ni Veronica na salungatin ang lahat ng mga hadlang at mga baluktot na paniniwala upang pahiran ang mga duguang mukha ng mga nagbabata ng hirap? Ama, ipagkaloob ninyo sa amin ang isang pusong wagas upang matuklasan at mapahiran ang iyong larawan sa mga mukha ng mga nangingibang-bayan, mga manggagawa,mga itinakwil ng lipunan at ang mga sugatan sa pakikibaka at kawalan ng katarungan. Gawin po ninyong Veronica, ang inyong Simbahan, na kayang suungin ang mga panganib mapahiran lamang ang mga napinsalang mukha ng mga bugbog ng pagtitiis. Sa pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHAT
  • 20. 20 Ang Ikaapat Na Simbahan: Santo Niño de Arevalo, Arevalo, Iloilo
  • 21. 21 Ang Ikaapat Na Simbahan: Santo Niño de Arevalo, Arevalo, Iloilo
  • 22. 22 IKAPITONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa ikalawang pagkakataon (7) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Madama ni Jesus na pinabayaan na siya ng lahat at napapaligarin ng kapangyarihan ng kasamaan, kaya dumulog siya sa Ama. Hindi niya matanto ang kahihinatnan ng ipinahayag niyang Paghahari ng Diyos. Ang pangitain ng kamatayan ang madalas na bumabagabag sa mga taong malabo ang pagtingin sa kanilang kinabukasan. Kasama ni Jesus ang mga taong nabigo at walang nakikitang katugunan sa kanilang pagkagutom sa katarungan. Kailangan natin makiisa sa kanila kung ibig nating makasama si Jesus. Patuloy natin ituon ang pag-asa sa Ama, gaya ni Jesus, sa kanila. Turuan po ninyo kami, Ama, na mana-langin katulad ni Jesus sa halamanan ng Hetsemane upang matutunan namin makibahagi sa mga pasakit at dalamhati ng lahat ng mga sugatan at nabuwal sa daigdig na ito, hanggang matupad ang kalooban mo ng pag-ibig at buhay. Sa pamamagitan ni Jesukristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 23. 23 IKAWALONG ISTASYON: Nagsalita si Jesus sa mga kababaihan ng Jerusalem (8) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Umiiyak ang mga kababaihan ng Jesusalem sa harapan ng bilanggong hinatulan ng kamatayan si Jesus. Subalit,hiniling ni Jesus na ibaling nila ang pagtingin sa kanilang mga sarili. Ang kamatayan ni Jesus ay gawa ng isang lipunang nakapinid ang pinto sa mga biyaya ng Diyos, itinakwil ang salita ng kaligtasang dala ni Jesus. Ang kanyang mga salita sa mga kababaihan ay minsang naging isang banta at panawagan ng pagbabalik- loob. Banta, sapagkat ang sinumang tumanggi sa grasya ng Maykapal ay naghahanap ng sariling kamatayan. Isang panawagan sa pagbabalik-loob dahil hindi imposible ang pagbabago, ang pagtanggap sa salita ng Diyos, pagsasabuhay nito at pakikiisa sa pagpupunyaging itatag ang paghahari ng Diyos dito sa sandaigdigan. Buksan po ninyo ang aming puso, O Ama,sa iyong mga salita upang lumaya kami sa aming pagkamakasarili. Matutunan sana naming mamuhay na palagiang nakikiisa sa lahat ng aming mga kapatid sa buong sangkatauhan. Sa pamamagitan ni Jesuskristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 24. 24 Ang Pitong Simbahan: St John’s Cathedral, Hong Kong
  • 25. 25 Ang Pitong Simbahan: St John’s Cathedral, Hong Kong
  • 26. 26 IKASIYAM NA ISTASYON: Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli si Jesus (9) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Nahalo ang dugo ni Jesus sa lupang napaka-raming dugong inihain ng mga walang sala mula noon hanggang sa kasalukuyan. Mahalaga sa Diyos ang dugong inihain ng mga walang sala. Ito ang dugo na likha ng sala ng tao sa marubdob niyang pagnanasa na maging Diyos; alipin ng pagkamakasarili at mamamatay-tao ng sariling kapatid. Huwag tayong palinlang Nababahala ang Poong Maykapal sa mga inosenteng dugo. Kaya ang isang anghel ang dumating upang kalingain si Jesus. Itong mga duguan ay bubuhayin muli. Ang lupang dinilig ng dugo ay mamumukadkad uli ng isang bagong buhay. Ang bawat nilalang na nag-alay ng dugo ay pagkakalooban ng anghel at siya’ybubuhayin muli. Sumisigaw, o Ama, ang dugong dumaloy mula kay Jesus at sa marami naming mga kapatid. Isinasamo namin, harinawa’y walang sinuman ang magpapadanak ng dugo ng kanyang kapatid at huwag mong hayaang sinuman ang papatay sa mamamayan sa matin-ding kahirapan. Sangalan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon! AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 27. 27 IKA SAMPUNG ISTASYON: Hinubaran si Jesus (10) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Paghinubaran mo ng damit ang isang tao sa harap ng publiko, katumbas ito ng pagyurak ng kanyang pagkatao at pag-alis ng kanyang dangal bilang tao. At ito ang ginawa nila kay Jesus. Patuloy pa rin itong ginagawa sa mga taong pinagkakaitan ng lahat na nararapat sa kanila. Ang pag-asa ay hindi nakasalalay sa mga sakim at kurakot kundi kay Jesus na pinagkaitan din ng lahat. Buo ang pagtitiwala ni Jesus sa kanyang Ama. Nasa kanyang panig ang Diyos. Kaya dapat magtiwala kay Jesus at sa mga pinagkaitan, yaong walang mawawala sa kanila at may karapatang umasa sa Panginoon. Mula sa kanila, itatatag ng Diyos ang isang Bagong Sambayanan. Nakikita namin sa inyong anak na pinagkaitan, ang mahihirap o mga dukha dito sa daigdig. Sa mga taong walang pagbabago, loobin po ninyong sila’y magkaroon ng pusong mapagbahagi, mapagmahal na hindi nakatali sa mga materyal na bagay. Turuan ninyo kaming magbahagi sa ngalan ng pagkakaisa mula sa aming makakaya o ari-arian. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 28. 28 Ang Ikaanim Simbahan: St Michael the Archangel, San Miguel, Iloilo
  • 29. 29 Ang Ikaanim Simbahan: St Michael the Archangel, San Miguel, Iloilo
  • 30. 30 IKALABING-ISANG ISTASYON: Ipinako si Jesus sa krus (11) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Ipinako ang mga kamay at paa ni Jesus. Nais nilang dumaloy ang mas maraming dugo upang madali siyang mamatay. Sadya nilang ginagawa ang ganito; madali nilang maililigpit si Jesus na manunulsol. Subalit si Jesus ay mas malakas sa kanyang kahinaan kaysa mga naghatol sa kanya. Mula sa kanyang napapakuang krus, maipagdarasal niya ang mga nagpahirap sa kanya. Hindi ibig sabihin na pinawawalang-sala sila kundi idinidiin ang kanilang kahibangan at kasalanan. Kaya, ihinihingi sila ng kapatawaran. Ito ang tagumpay ng isang pinahihirapan sa mga nagpapahirap sa kanya. Tagumpay din ito ng pagmamahal at habag. Ama, lubha ang pananakit na ginawa sa inyong anak. At marami din sa inyong mga anak ang pinahihirapan sa iba’t ibang pamamaraan. Ang aming pusong puspos ng pighati ay dumadalangin para sa mga biktima ng matinding pasakit at sa mga gumawa nito. Pagkasunduin mo po sila at nawa’y mahinto na sa mundong ito ang anumang pananakit sa kapwa. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 31. 31 IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus (12) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Si Jesus na taga-Nasareth, ang dakilang propeta na nagpahayag tungkol sa bagong buhay at paghahari ng Diyos ay pinatay sa labas ng lungsod. Siya ay itinakwil ng lipunan, ng relihiyon at ng buhay. Sa pagkakataong ito, ipinakikilala ni Jesus ang kanyang ganap na katapatan, isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kanyang pinaniniwalaan at mga ipinahayag. Namatay siyang lubos ang pag-titiwala sa kanyang Ama, ang Diyos ng pag-ibig at mas makapangyarihan kaysa mga kumitil ng kanyang buhay. Tayong mga tagasunod ni Jesus ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Patuloy nating hanapin ang bukal ng pag-asa sa krus ni Jesus. Tayo’y mga alagad ng isang taong napako sa krus. Katulad ni Jesus, sikapin natin makilala siya sa ating paglilingkod kahit hanggang kamatayan tungo sa pag-aangkin ng sanlibutan ng isang bagong buhay.
  • 32. 32 IKALABINDALAWANG ISTASYON: Namatay si Jesus sa krus (12) Naniniwala po kami, o Ama, na si Jesus na pinako sa krus ay iyong anak na tagapagligtas. Sa pamamagitan niya, alam namin na ang inyong lakas ay ang pag-ibig na nagtitiis kasama ng mga nagdurusa. Kasama ni Jesus, nais namin makipagtunggali laban sa dalamhati na siyang dahilan ng pagdurusa. Sa pamamagitan ni JesuKristo aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 33. 33 Ang Ikapito Simbahan: San José de Placer, Iloilo City, Iloilo.
  • 34. 34 Ang Ikapito Simbahan: San José de Placer, Iloilo City, Iloilo.
  • 35. 35 IKALABINTATLONG ISTASYON: Si Jesus ay ibinaba mula sa Krus (13) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Tinanggap ng ina ni Jesus sa kanyang mga bisig ang walang buhay na katawan ng kanyang anak. Inilagak niya ang buong pagtitiwala sa Diyos, na mula sa patay na laman, ang Maykapal ay lilikha muli ng bagong buhay. Si Maria ay magsisilang uli ng isang bagong buhay sa hirap at pag-asa. Ang Sambayanan ni Kristo, kagaya ni Maria, kailangan tanggapin ang lahat ng tao, lalo na yong mga nagdurusa dahil sa isang dakilang adhikain. Inaanyayahan sila nitong Sambayanan sa isang bagong buhay. Ang kanilang pagtitiis kapag nagsasabuhay ng pagkakaisa at pananampalataya ay nagiging daan tungo sa isang bagong Sambayanan ng Diyos. Binigyan ninyo o Ama ang simbahan ng bagong halimbawa o modelo sa katauhan ni Maria. Basbasan po ninyo kami ng pananam-palatayang kagaya kay Maria na handang tanggapin sa simbahan ang lahat ng mga nilalang na nagtitiis ng hirap umusbong lamang ang isang bagong angkan kung saan lahat ay magkakapatid sa iyong ngalan, aming Ama. Sa pamamagitan ni Jesus aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 36. 36 IKALABING-APAT NA ISTASYON: Inilibing si Jesus (14) Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Ang libingan ang pinakasukdulang kalung-kutan. Ang patay ay ganap na nag-iisa. Ang paniniwala ng mga pumatay kay Jesus na kapag nailibing na nila ang katawan nito, mabubura sa isipan ng madla ang alaala ni Jesus. Subalit ang libingan ni Jesus na nasa halamanan ay dambana ng buhay na siyang naging bukal ng bagong buhay ni Jesus. Si Jesus ang magiging binhi na kapag ibinaon sa lupa, tutubo ito at mamumu-kadkad. Ang buhay niya ay nasa kamay ng Diyos, ganoon din ang lakat ng mga nangawalan ng buhay at mga pinatay. Hindi pababayaan ng Ama ang kanyang mga anak. Ama, ginawa mong pagdaraanan tungo sa bagong buhay ang libingan ni Jesus. Hayaan ninyong tanggapin ng lupa, ng mapayapa, ang mga yumao. Harinawa’y magbunga ito ng pag-asa at buhay para sa iyong sangkatauhan. Sa pamamagitan ni JesuKristo aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 37. 37 IKALABINLIMANG ISTASYON: Nabuhay na muli si Jesus. Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan. Isang bagong kasaysayan at isang bagong buhay ang nagsimula sa unang araw ng linggo. Wala na si Jesus sa kanyang libingan. Siya na ipinako sa krus ay nabuhay na muli. Ang lahat ng kapangyarihan ay hinatulan ng pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang Diyos ay nasa panig ng ipinako sa krus at hindi sa mga pumatay sa kanya. May mahalagang kahulugan ang pagkamatay ni Jesus. May kahulugan din ang paglilingkod sa kapwa. Maaasahan natin na tayo rin ay bubuhayin muli ng Diyos tungo sa isang bagong buhay at ganap na kalayaan. Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyo o Ama, sa pagkabuhay na muli ng inyong Anak. Sa kanyang ngalan, hinihiling namin sa inyo na pagibayuhin namin ang pagsasabuhay ng pag-ibig at pananampalataya upang mai-alay namin ang aming sarili sa paglilingkod sa mga naghihirap sa pag-asang mabubuhay kami muli tungo sa isang bagong buhay, sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon. AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
  • 38. 38 Ama Namin Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. Aba Ginoong Maria Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay. Amen. Luwalhati sa Ama Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Divos Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman sa walang hanggan. Amen.
  • 39. 39 Nais naming pasalamatan at kilalanin ang mga sumusunod: • www.maryrosaries.com para sa Tagalog na pagsasalin ng mga panalangin kaugnay sa Via Crusis • Professor Francis Dimzon, University of the Philippines Visayas para sa pagsalin ng ibang bahagi ng materyal na ito sa wikang Tagalog/Filipino at Hiligaynon.
  • 40. 40 Umaasa kaming nasiyahan kayo sa 2014 Tagalog/Pilipino na bersyon ng Visita Iglesia. Mayroon din kaming mga bersyon ng mga debosyon sa Ingles at Hiligaynon. Kung mayroon kang mga mungkahi o mga rekomendasyon para mapapabuti ang serbisyong ito, mangyaring huwag mag-atubiling ipadala ang iyong mga ideya sa sa: info@historicphilippines.com