1. ANO
Ang “ SINASABI ” Nila
T u n g k o l s a B IB L IA ?
Tinipon at sinulat ni : Isa Abdullah Biago
1
2. Sa Ngalan ng Allah,
Ang Higit na Maawain, ang Higit na Mahabagin
ANO? Ang “SINASABI” Nila
Tungkol sa BIBLIA ?
Tinipon at sinulat ni : Isa Abdullah Biago
A n g P a s im u la n g C r is t ia n o b a t a y
s a m g a m a n a n a lik s ik a t d a lu b h a s a 1
Dahil sa natuklasan ng arkeyolohiya (Archeological discovery) na
ginamitan ng makabagong Panlipunang Agham ( social science) , ang mga
dalubhasa ay ipinako ang kanilang pagsisiyasat sa naunang generasyon ng mga
Cristiano. Datapwat, sa halip na matagpuan nila ang pagkakaisa ng
pananampalataya at mga kaugalian, ang kasalukuyang pag-sasaliksik sa Biblia
ay nahalungkat na ang mga naunang kilusan ng mga Cristiano ay may iba’t-
ibang pangkat katulad ng sekta ng Cristiano ngayon. Ang mga naunang Cristiano
ay hindi nagpanukala na sila ay magtatag ng bagong relihiyon ngunit bilang
Tagapagbago (reformers) lamang ng Judaismo. Hindi nila iniwan ang Judaismo,
ngunit para lamang pasariwain. Ang aral ng mga naunang Cristiano ay hindi
magkakapareho ang mga credo o pananampalataya; Ang mga pamamaraan ng
disiplina at karapatan, ay hindi gaanong maliwanag. Ang panukala o desisyon ng
naunang Konseho ay hindi tinatanggap ng iba’t-ibang mga pangkat. Sa
Jerusalem, ang Banal na Bayan ng mga Judio, ay nananatiling pinakahimpilan
ng mga gawain sa naunang Kapulungan o Iglesia, at karamihan sa mga naunang
mananampalataya ay nananatili doon, bilang isang masugid at masunurin sa
Judaismo. Hindi nila inisip na sila ay may bagong relihiyon, ngunit katuparan
lamang ng mga pangako sa Israel. Sila ay patuloy na sumasamba sa loob ng mga
Templo at tumutupad sa mga Kautusan ni Moises. Ang pagiging Cristiano noon
ay isang uri lamang ng Kilusan (Movement), o kaya’y isang anyo ng Jewish
Messianism (Judiong Messianista), ngunit hindi isang bagong relihiyon.
Ang Pasimula ng Pagbabago ng Pananampalataya
Sa pasimula pa lamang ng paglaganap ng pananampalataya na
ipinangaral ni Jesucristo sa Palestina, ay agad na nagkaroon ng pagkakahati-
hati. Sinasabi sa atin sa aklat ng mga Gawa sa loob ng Biblia na ang mga
disipulo ni Jesus ay nagkatipon–tipon upang pagkaisahin ang lahat na
mananampalataya ukol sa mga doktrina at patakaran (Mga Gawa 15). Ngunit sa
dakong huli ay nagkanya-kanya sila, si Pablo laban sa mga Apostol at mga
Apostol laban sa mga Judio. (I Corinto 1:10-17; 3:4-5).
Ang hidwaang ito’y lalong pang naging talamak nang ang ilang mga Obispo
ng Simbahan ay bumalangkas ng mga aral na kailan man ay hindi itinuro ni
Jesucristo ukol sa kanyang kalagayan. Sinasabi ng ilan sa kanila na si Jesus ay
Kapantay ng Dios at Kapamilya o Kauri ng Dios na Makapangyarihan sa lahat,
ang namumuno rito ay si Athanasius. Sinalungat ito ng magigiting at may
1
The First Christians, Jeffery L. Sheler ,U.S. News & World Report, April 20, 1992 p.59,62-71
2
3. paninindigan katulad ni Arius. Nabahala si Constantino na baka mahati ang
kanyang Emperyo dahil sa matinding alitan ng mga Cristiano. Nais niyang pag-
isahin ang mga Cristiano dahil lamang sa kanyang personal na mithiin- ang
Politika. Ipinatawag niya ang lahat ng Obispo upang talakayin ang mga bagay na
ito. Si Constantino ang naging Tagapamuno sa usaping ito. Ano ang nangyari?
Dahil sa mga banta ng Kalipunan ni Athanasius at kinatigan ni Constantino ang
Hidwang aral tungkol sa pagka-Dios ni Jesucristo ang siyang nanaig. At ang
sinomang sumalungat dito ay makakatanggap ng
mabigat na parusa. Sa pamamagitan ng butohan, at
dahil sa takot ng karamihan, nagwagi ang pangkat ni
Athanasius. Sa bahaging ito, ay nagpasimula rin na
tipunin ang ang Kasulatan na pumapanig sa katuruang
Athanasius at ni Constantino2. Ganito ang sinabi sa
Halleys’ Bible Handbook: “ Constantine3 … He ordered,
for the churches of Constantinople, 50 Bible, to be
prepared under the direction of
Eusebius, on the finest vellum…”4
Sa ganitong kalagayan, ay natatag
ang Pamunuan sa Simbahan at
nagkaroon ng panunupil sa
sinomang hindi kikilala sa
Pamumuno nito. Ang kalayaan
Emperor Constantine
sa pananampalataya ay
nawala at ang mga iba’t-ibang kasulatan ng mga Cristiano
ay pinili lamang ang umaaayon sa pananampalataya na
nais ng nasa pamumuno. Dito nagpasimula ang dahilan
kung bakit tayo ay may tinatawag na Biblia, na pinili
lamang ng taong walang karapatan. Athanasius
Ang pasimula ng Canon ng mga Cristiano ay naganap paunti-unti bilang
tugon sa tinatawag na “Marcionite crisis” (Panganib ng Marcionista) noong CE
140 at ang lumaganap na banta ng Gnostic sa loob ng Simbahan. Si Marcion ay
nabighani sa mga aral ni Pablo na ang pagdating ni Jesucristo ay ang pasimula
ng katapusan ng Batas ng Judio. Itinakwil niya ang Kautusan at ang mga
Propeta sa Lumang Tipan. Kaya nga, kinakailangan na palitan niya ang Biblia ng
mga Hebreo sa pamamagitan ng Kasulatan Cristiano. Siya ang nagpanukala na
maging Batayan (Canon) ang 10 Sulat ni Pablo at ang binago niyang Evangelio
ayon kay Lucas. Tinuligsa ng Simbahan ang ginawa ni Marcion bilang erehe at
2
How We Got The Bible, Ralph Earle pp. 31,38
3
Talamak na kaalaman na siya ay Cristiano, ngunit hindi gayon ang tunay na kalagayan. Siya ay hindi Cristiano ngunit
isang debotong pagano. Sa Katunayan ang tanyag na pangitain niya: In hoc Signo Vinces” ( Sa Tandang ito ikaw ay
magtatagumpay) ay pangitain niya sa Dios-Araw na si Sol Invctus, na ang simbolo ay Cross. Ang kanyang tagumpay sa
digmaan sa Tulay na Milvian (Battle of the Milvian Bridge) ay ipinarangal niya kay Sol Invictus. Siya ay isang
sumasamba sa paganong Dios-Araw at siya rin ang pinakapunong Pari nito.Pinagsama niya ang Cristiano at
paganismong aral, rituwal, pananampalataya at kaugalian. Ideneklara ang Cristianismo sa buong Emperyo ng Roma
bilang opisyal na religion at Linggo ang banal na Araw (SUN-day) bilang araw ng kapahingahan at Disyembre 25 ang
kapistahan (Christmas) ni Natalis Invictus. Pagkatapos ng Konseho, kinatigan niya na maging Dios si Jesus bilang
nagkatawang –tao na si Sol Invictus. (Tignan ang The Messianic Legacy, Michael Baigent, Richard Leigh at Harry
Lincoln, 1986 pahina 39-43)
4
ang ibang dalubhasa ay ipinagpapalagay na ang Kopya ng Sinaticus at Vaticanus ay kabilang ang dalawang ito sa 50
kopya na ipinagawa ni Bishop Eusebius para gamitin sa mga simbahan.
3
4. itiniwalag siya. Ang bagay na ito ay nagpakilos sa Simbahan na magtipon din ng
mga Kasulatang at itinuring na mga sagrado o banal.
Dahilan sa alitan noong ika dalawang siglo, ang simbahan ay binigyan ng
halaga ang kasulatan ng mga Apostol at aral. Kaya ang mga aklat katulad ng
Unang Sulat ni Clemente ( I Clement) at ang Shepherd of Hermas ay inalis sa
Cannon, bagaman ang mga ito ay mas higit pang nauna kaysa sa mga Canonical
na aklat. Noong ika-apat lamang na siglo binuo ang patakaran at ang Simbahan
ang nagpanukala nito batay sa nabuo nilang pananampalataya laban sa ibang
grupo na ayaw magpasakop sa kanila. Anomang aklat na laban sa simbahan ay
ibinibilang na walang kasi ( inspired) at hindi banal.
A n o a n g B ib lia ?
Ang salitang Biblia ay nagmula sa salitang Griyego na biblion na ang
kahulugan ay “ balumbon o scroll ”. Ang salitang biblion ay mula sa salitang
biblios na ang tinutukoy ay ang balat ng halamang
papyrus, isang uri ng tambo na tumutubo sa mainit na
lugar, lalo na sa Egipto, at mula dito ay nangaling ang mga
sinaunang gamit sa pagsusulat.
Ang Biblia ay pangmaramihang anyo (plural form) ng
Biblios. Sa paglipas ng panahon ang Biblia ay naging salita
upang ilarawan ang mga iba’t-ibang uri ng panulat,
balumbon, at mga aklat at lalong higit ay ang mga tinipong
maliliit na pangrelihiyong kasulatan na sa ngayon ay
tinatawag nang Biblia. Si Jerome, isang kinikilalang Ama
ng simbahan ay tinawag niya itong “ Bibliotheca Divina” o “
The Divine Library (Ang Banal na Aklatan).
The Sefer Torah o Torah Scrolls
A n g P a n g k a t n g B ib lia
Ang Biblia ay nahahati sa dalawang (2 ) pangkat , ang Lumang Tipan, na
naglalaman ng kasaysayan sa pasimula ng Paglikha ng Daigdig ( 4,004 BCE ayon
sa tantiya ng isang Irish na Obispo si Bishop James Usher noong 17th siglo)
hanggang sa Propetang si Malachi ( 443 o kaya’y 450 BCE ). Ang ikalawang
pangkat ng Biblia ay ang tinatawag na Bagong Tipan,
ito’y naglalaman ng kapanganakan ni Jesucristo
hanggang sa Kanyang Pagbabalik sa langit at kamatayan
ng ilang mga disipulo.
Ang mga Judio ay tinanggap lamang ang 39 mga
aklat sa Lumang Tipan na binubuo ng tatlong pangkat,
ito ang Torah, Nevi’im, at Ketuvim. Ang Torah5 ay
naglalaman ng limang aklat: Genesis, Exodo, Levitico,
and Bilang at Deutronomio. Ang Nevi’im ay naglalaman
ng mga aklat na : Josue, Mga Hukom, I& II Samuel, I& II
Hari, Isaias, Jeremias Ezekiel, Hoseas Joel, Amos,
Obadias, Jona, Mica, Nahum, Habaccuc, Zepanias, Hagai,
Zacharias at Malakias. Ang Ketuvim naman ay
naglalaman ng: Mga Awit, Kawikaan, Job, Awit ni
5
The Sefer Torah, o Balunbon ng Torah ay malimit na nilalagyan ng mga palamuting koronang Torah ( circa 1950) na
nanagbibigay ng kahulugan bilang banal at walang dungis na kalagayan.
4
5. Solomon, Ruth, Panaghoy, Ecclesiasticus, Ester, Daniel Ezra, Nehemiah at I & II
Cronica. Ang mga Cristiano naman ay nagsasalungatan, ang Roman Catholic at
mga grupo ng Protestante (kasama na ang lahat ng mga sekta at iba’t-ibang
pangkat (Denominations) ay tinatanggap ang 39 na aklat ng Lumang Tipan at ang
27 aklat ng Bagong Tipan. Datapwat sila’y hindi nagkakasundo sa tinatawag na
“Mga Kasulatang Apocryphal”. Ang Apocrypha ay naglalaman ng mga pangyayari
na umaaabot sa 450 taong. Ito’y sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Ang
Katolika ay tinanggap ang ilan sa mga ito at tinatawag nila itong Extra Canonical
Books, ngunit itinakwil ng mga Protestante at tinaguriang Pseudopigrapha
(hidwang mga Kasulatan)
Mga Aklat sa Lumang Tipan
a y o n s a p a g k a k a s u n o d -s u n o d
Genesis I Samuel Esther
Exodo II Samuel Job
Levitico I Mga Hari Mga Awit
Mga Bilang II Mga Hari
Ashkenasi Torah Scroll
Deuteronomio I Cronica
Josue II Cronica Mga Kawikaan
Mga Hukom Ezra
Ruth Nehemias
Ecclesiastes Daniel Nahum
Ang Awit ng Mga Oseas Habaccuc
Awit Joel Zefanias
Isaias Amos Hagai
Jeremias Obadias Zacharias
Mga Panahoy Jonas Malakias
Ezekiel Mikas
Mga Aklat sa Bagong Tipan
a y o n s a p a g k a k a s u n o d -s u n o d
Mateo Mga Taga Galacia Santaigo
Marcos Mga Taga Efeso I Pedro
Lucas Mga Taga Filipos II Pedro
Juan Mga Taga Colosas I Juan
Ang mga Gawa ITesalonica II Juan
Mga Taga Roma II Tesalonica III Juan
I Mga Taga I Timoteo Judas
Corinto II Timoteo Apocalipsis
IIMga Taga Filemon
Corinto Hebreo
5
6. Ang Mga Aklat ng Apocrypha
Sa Bagong Tipan
Sa Bagong Tipan ng Biblia ay may 27 aklat na pawang ang sentro ng
laman ay nakaturo kay Jesus -Anak ni Maria. Datapwat, may mga bagay muna
tayong dapat na malaman kung ano ang buod ng kasaysayan ng 27 aklat na ito.
Ang awtoridad ng simbahan (Roman Catholic at Protestante) ay sumasang-ayon
na ang Biblia ay may mga pagtatalo at alinlangan6 ukol sa 7 aklat ng Bagong
Tipan i.e., Hebreo, Santiago, 2 Pedro, 2 at 3 Juan, Judas at Apocalipsis7. Ang
pagtatalong ito ay umabot hanggang sa ika-apat na siglo. Ang unang kabuoan ng
talaan ng aklat sa Bagong Tipan ay matatagpuan sa binanggit ni Athanasius
noong 367 AD8. Sa ibang kalagayan, ang ilan sa mga aklat katulad ng Shepherd
of Hermas at Letter of Barnabbas ay kinikilala ng marami bilang kinasihang
kasulatan. Ngunit noong ika-3 siglo ay nagkaroon ng kabaligtaran, ang pitong
aklat na hindi kasama sa Caninokong aklat (Canonical Books)9 ay ibinilang nang
may kasi at lahat ng hindi kabilang sa 27 aklat ay idiniklarang Apocrypha at
huwad.
Ang Apocrypha sa Biblia ng Protestante
Si Martin Luther ang kauna-unahang nag-alis dito (apocrypha). Noong
1534, ay tinapos niya ang pagsasalin sa Biblia mula sa Griyegong Kasulatan at
Hebreo. Dahil ang Apocrypha ay wala sa Hebreong Biblia, isinalin din niya ito
ngunit sa bandang huli ay inilagay niya sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Sa
kasalukuyan ang lahat ng mga Protestante ay ganoon din ang ginawa kasama na
ang King James Version. Para sa kaalaman, na
hindi batid ng mga bumabasa ng King James
Version , mula sa pagkakalimbag ng King
James Version ay kabilang dito ang Apocrypha.
Sa katotohanan, ang isa sa mga nagpalimbag
nito (KJV) ay naging Archibishop ng
Canterbury at nagpatalastas na sinoman sa
magpapalimbag ng Bibliang English na hindi
isasama ang Apocrypha ay papatawan ng
pagkakulong sa loob ng isang taon.
Noong lamang ika 19th na siglo tuluyan
nang inalis ang Apocrypha. Ang “Great Bible”
(1539), sa Paunang Salita (Foreword) nito, ang
salita ni Jerome ay isinama at sinasabing ang
The Great Bible ( 1539 )
6
Ang alinlangan na tinutukoy dito ay Katiwalian (corruption), Pagbaluktot (distortion), Pagdaragdag (addition) at
Pagbabawas (Omission) ng mga nilalaman ng Biblia dahil sa pagtatagpi ng doktrina.
7
Noong ika-2 siglo ang mananampalataya ay kinikilala lamang ang 4 na evangelio, Mga Gawa, 13 sulat ni Pablo !
Pedro, 1 Juan,. Datapuwat ang pitong iba sa Bagong Tipan ay hindi kinikilala bilang Canoniko.
8
Si Martin Luther, nang isinalin niya ang Biblia (1534) ay isinama niya ang apocrypha at inilagay sa pagitan ng Luma
at Bagong Tipan at ganito rin ang nangyari sa iba pang mga salin sa English. Ang KJV ay may Apocrypha, datapuwat
sa ngayon ay inalis na rin ng mga Protestante. .Noong lamang ika- 19 na siglo ito tuluyan tinanggal sa Biblia.
9
Ang salitang Cannon ay salitang Griyego na hiniram mula sa ugat ng salitang Semitico (Semetic) na ang kahulugan ay
tangkay o kaya‘y tambo na ginagamit bilang panukat. Sa paglipas ito’y naging salita na ang ibig sabihin pamantayan, o
talaan ng dalisay na aklat.
6
7. mga Apocrypha ay mabuting huwaran sa buhay (edifying), datapwat hindi
batayan ng pananampalataya. Ang Bibliang Geneva (1560) ay nagdagdag pa ng
salita na sinasabing hindi ito maaaring pagbatayan ng mga doktrina, ngunit para
lamang sa kaalaman ukol sa kasaysayan at batayan sa mabuting buhay. Si Rev.
Vromant ay nagsabi ng ganito: “ During the two centuries before Christ and the early
centuries after Christ, a number of books were composed which claimed to be divinely inspired.
These so-called Apocryphal books contained pious and almost harmless legends, supposed saying
and doing of Christ and of those who were connected with him… They were held in high esteem by
some of the early Fathers of the Chruch but absolutely rejected by others.”10 Si H. Miller ay
nagsabi rin ng Ganito: “ Whether these writing were intended to deceive or not is not certainly
known, but the writers were doubtless men of piety.”11 Sa karagdagan pa, si Fritz Ridenour
ay nagsabi rin : “ Although some of the books appeared to have value and were read in the churches
( for example, the shepherd of Hermas), they were excluded in the course of time.”12
1 4 n a A p o c ry p h a s a L u m a n g T ip a n
Sa Septuagint13 at sa kasalukuyang Latina Vulgata (Latin Vulgate)14 ay
matatagpuan ang Apocrypha sa Lumang Tipan na nakasulat sa wikang Griyego,
ngunit wala sa tinatawag na Canonized na mga
aklat ng Hebreo. Narito ang mga sumusunod: 1
& 2 Esdras, Tobit Judith, Esther, Karunungan ni
Solomon, Ecclesiasticus, Baruch kasama ang
sulat ni Jeremias, Ang Awit ng Tatlong Banal na
Kabataan, Ang Kasaysayn ni Susanna, si Bel at
ang Dragon, Ang Panalangin ni Manasses 1 & 2
Maccabees.
Iba Pang Kasulatan na Wala sa Biblia
Ang mga Saksi ni Jehovah ay nagpahayag
ng ganito : “ Ezra also made ref erence to books
by previous inspired writers ( 1 Chron. 29:29; 2
Chron. 26:22; 32:32 ). Ezra notes that the other
prophets of Jehovah made written records that
are not preserved in the inspired Holy Scripture ( 2
Latin Vulgate by St. Jerome Chron. 9:29;12:15; 13:22).”15 Hindi lamang ang
mga Kasulatan ng Propeta ang nawala sa Lumang
Tipan. Mayroon pang ibang mga 15 aklat na umiiral sa panahon na ang Biblia
ay Pinagtibay sa dalawang Konseho na nabanggit, ngunit hindi na nila isinama.
Sa katotohanan, ang mga aklat na iyon ay batayan ng mga sumulat ng Biblia.
Ang isa sa batayan upang pagtibayin ang aklat bilang may kasi ( inspired ) ng
Dios ay dapat na kinikilala ni Jesus at ng mga Apostol at kanila itong ginagamit
10
Creed and Apologetics, George Vromant ( Roman Catholic ) p. 90
11
General Introduction to the Bible, The Word Bearer Press. 1956 p. 120
12
Who says God Created, G/L Regal Book 1967 pp. 63,64
13
Mula sa latin na Septuaginta ‘ 70’, ito’y Griyegong version ng Lumang Tipan at sinasabing isinalin ng Pitongpung
dalubahasa mula sa wikang Hebreo. Ito ay isinalin sa panahon ni ng Haring si Ptolemy Philadelphus, na naghari sa
Alexandria mula 285 hanggang 247 BC.
14
Ang Biblia na isinalin sa wikang Latin na ginawa ni San Jerome sa pagitan ng 384 at 405 AD
15
Aid to Bible Understanding p. 252
7
8. o sinisipi bilang pagbabatay ng mga katuruan. Sa katotohanan, marami sa mga
nasabing aklat na hindi isinama sa Biblia ay pinagbatayan ng mga apostol at ni
Jesus. Halimbawa, ang Evangelio ayon Kay Mateo ay makikita natin na
karamihan ng mga aral ni Jesus ay mula sa Akat ni Enoch (wala ito sa Biblia);
ang Sulat ni Judas ay pinagbatayan at kinikilala niya ang Apocrypha na
kasulatan, halimabawa nito ay ang The Assumption of Moses (talata 9),
Testament of the Twelve Patriarch (mga talata 6-7) at Book of Enoch (mga
talata 14-15). Sa karagdagan pa, si Pablo ay pinagbatayan niya ang Evangelio sa
mga Hebreo, ito’y makikita natin sa kanyang sulat sa 1 Corinto 15:3-7. Si Pablo
ay binanggit din ang isang sulat niya sa Laodiceans na sinasabi: “ At pagkabasa
ng sulat na ito (para sa mga taga Colosas),sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa
kapulungan ng mga taga Laodicea ; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa
Laodicea. » ( Colosas 4 :16) Nasaan na ngayon itong sulat ni Pablo na mula sa
Laodicea na nais niyang ipabasa para sa mga taga Colosas ? Sa Lost Books of
The Bible, na tinipon ng mga dalubhasa ang mga aklat na hindi isinama sa
Biblia,16 ay kabilang dito ang Sulat ni Pablo sa mga Taga Laodicea na sinasabi: “
Cause this epistle to be read to the Colosians, and the epistle of the Colosians to be
read among you.” Inspired ba si Pablo? Bakit hindi isinama sa Biblia ang sulat na
ito? Sapagkat ang Panahon ng Pagpapatibay (Cannonization) ay tapos na. Kahit
ano pa yan totoo o hindi basta tapos na ang Biblia.
Sa karagdagan pa, paanong naging salita ng Dios ang isang aklat sa Biblia
katulad ng Esther. Kapag binasa ang mga nilalaman nito ay hindi mababasa o
nabanggit man lamang ang salitang Dios
at ang laman ay tanging kasaysayan
lamang. Ang mga Apostol at si Jesucristo
ay hindi man lamang ito nabanggit o
sumipi dito. Ang mga manunulat ng
Bagong Tipan ay hindi man lamang
nabanggit ito o kilala. Kaya nga ang aklat
na ito ay hindi kinikilala bilang may kasi
ng Dios , datapwat nakapagtataka,
isinama sa mga Canonized na aklat sa
Lumang Tipan. Sa pahina 603 ng Oxford Annotated Bible ay ganito ang sinabi: “
It reception into Scripture was long disputed by the Rabbis, for it contains no
reference to the most precious things in Jewish religion and does not even mention
the name of God … It is not history, but a legend, set back early in the Persian
period, intended to explain the origin and significance of Purim. Though
embellished with numerous fictional devices, it may well rest on an historical
account of some local deliverence of the Jews in Persia, for there is external
evidence of a ceratin Marduka holding an official post at Susa under Xerxes I.”
16
Sinasabi ng mga dalubhasa na ang mga kasultang ito ay mas higit pang dalisay kaysa sa mga canonized Bible.
8
9. B a k it tin a w a g n a A p o c ry p h a o P s u e d o p ig ra p h a
a n g m g a a k la t n a h in d i k a b ila n g s a B ib lia n g C a n o n ik o ?
Ano ang pamantayan na ang isang aklat ay ibilang sa tinatawag na
Apocrypha o Pseudopigrapha? Sa aklat ni H. Miller, General Biblical Introduction
pahina 117-119 ay tinalakay ang mga pamantayan ng mga patnugot upang piliin
ang mga aklat. Ngunit kung ating susuriin ang pamantayan at igagawad sa
kasalukuyang 66 o 72 aklat ng Biblia ay maraming mga aklat dito ang
maituturing ding Apocrypha at Pseudopigrapha. Tignan natin ang mga
sumusunod na pamantayan at habang patuloy na binabasa nyo ito ay ihambing
ninyo sa mga natuklasan ng mga dalubhasa. Ang mga dahilan daw kung bakit
hindi isinama ang ibang mga aklat sa Biblia.
1. Ito’y hindi kinilala ng pangkalahatan at hindi kabilang sa Hebrew Cannon.
2. Ang mga aklat ay hindi sinipi o binanggit sa Bagong Tipan, ni Cristo at ng mga Apostol o
sinomang manunulat sa Bagong Tipan.
3. Si Josephus ay hindi ito ibinilang na Canonized.
4. Ang sumulat ng aklat ay hindi nag-aangkin na sila ay kinasihan..
5. Ang aklat ay naglalaman ng mali kasaysayan, lugar at pagkakasunod-sunod ng kasaysayan,
at binabago ang mga ulat sa Lumang Tipan at sumalsalungat sa Biblia.
6. Ang aral ng pagsisinungaling ay pinapayagan, ang pagpapakamatay at pagpatay ay
pinapayagan, ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng mga gawa, at pagbibigay ng kaloob, ang
mahikang dasal, pananalangin sa patay.
7. Ang aklat ay naglalaman ng mga alamat at ang kasaysayan ay sagana sa kamalian. Ito rin ay
naglalaman ng mga tanda o milagro na hindi kapani-paniwala.
8. Ang laman ng aklat ay pawang mga kinopya o ginaya lamang sa mga Canonized na aklat
9. Ang mga aklat ay kinilala lamang ng mga ilang tao hindi ng Konseho.
Talaan ng mga Aklat na Nabanggit sa Biblia
a t P in a g b a ta y a n n g m g a M a n u n u la t s a B ib lia
Aklat ng Pakikipagdigma ng Dios (Mga Bilang 21:14); Aklat ni Jasher (Josue 10:13; 2
Samuel 1:18); Aklat ng mga Gawa ni Solomon ( I Hari 11 :41); Kasaysayan ni Nathan ang
Propeta ( I Cronica 29 :29); Kasaysayan ni Gad ang Tagakita ( I Cronica 29:29); Ang Hula
ni Ahijah ang Shilonita ( 2 Cronica 9 :29); Ang Pangitain ni Iddo ang Tagakita ( 2 Cronica
9 :29); Ang Kasaysayan ni Iddo Ang Tagakita ( 2 Cronica 12 :15); Ang Paliwanag ng
Propetang si Iddo ( 2 Cro. 13 :22); Ang Kasaysayan ng Propetang si Shamaiah ( 2 Cronica
12 :15); Ang Kasaysayan ni Jehu, anak ni Hanani ( 2 Cronica 20 :34); Ang Paliwanag ng
mga Aklat ng Hari ( 2 Cronica 24:27); Ang Aklat ng mga Hari sa Israel ( 1 Cronica 9:1);
Ang Kasaysayan ni Huzai ( 2 Cronica33:19); Ang Aklat na Cronica ng Hari ng Israel ( I
Hari 14:17); Ang Aklat ng Cronica ng mga Hari ng Judah ( I Hari 14:29)
T a la a n n g m g a n a P s u e d o p ig r a p h a n g L u m a n g T ip a n
Ang Aklat ni Enoch ; Ang Lihim ni Enoch ; Ang Pahayag ni Baruch; Ang Iba pang mga Wika
ni Baruch; Ang Pag-akyat ni Moises; Ang Pahayag ni Moises; Ang Hula ni Jeremias; Ang Pag-
akyat ni Isaias;Apocalipsis ni Elijah; Apocalipsis ni Zapahniah; Apocalipsis ni Esdras; Mga
Orakulo ni Sibylline; Ang Tipan ni Adan ; Ang Aklat ng Jubille ; Ang Tipan ni Abraham, Isaac
at Jacob ; Tipan ng 12; Patriarka ; Buhay ni Asenath ( asawa ni Jose); Tipan ni Jacob; Tipan
9
10. ni Solomon; Ang Aklat ni Noah; Ang Pagsisisi ni Jannes at Jamres; Awit ni Solomon; 18 Awit
sa Wikang Griyego; Dagdag sa mang-aawit; Awit 151 sa wiang Griyego; 3 Awit sa Siryako;
Aklat ng Mahika ni Moises; Ang Kasaysayan ni Achiacharus.
A n g D a g d a g n a K a n o n ik o s a B a g o n g T ip a n
Ang Aral ng 12 Apostol; Ang Sulat ni Bernabe; Ang Uang Sulat ni Clemente; Ang Ikalawang
Sulat ni Clemente; Ang Pastol ni Hermas; Ang Apocalipsis ni Pedro; Ang Gaw ni Pablo at
Tecla; Ang Sulat ni Polycarp sa Pilipos; Ang Pitong Sulat ni Ignatius; Ang Evangelio ni Mateo;
Ang Evangelio ni Santiago; Ang Evangelio ng Pagkapanganak ni Maria; Ang Evangelio ni
Nicodemus ; Ang Evangelio ng Tagapagligtas na Sanmggol; Ang Kasaysayan ni Jose ang
Aluwagi
A n g Ila n s a P s e u d o p ig r a p h a s a B a g o n g T ip a n
Ang Evangelio ni Andres ; Ang Evangelio ni Bartolomeo ; Ang Evangelio ni Matthias; Ang
Evangelio ni Bernabe; Ang Evangelio ni Tomas; Ang Evangelio ni Pedro; Ang Evangelio ni
Felipe; Ang Gawa ni ni Juan; Ang Gawa ni Pablo; Ang Gawa ni Pedro; Ang Gawa ni Andres;
Ang Gawa ni Tomas; Ang Gawa ni Mattias; Ang Gawa ni Felipe; And Gawa ni Thaddeus; Ang
Sulat ni Pablo sa mga Taga Laodicea; Ang Apocalipsis ni Pedro; Ang Apocalipsis ni Pablo;
Ang Apocalispsis ni Tomas; Ang Apocalispsis ni Juan ang Teolohiyan,
Iba pang aklat na Canonized sa Bagong Tipan
ngunit hindi isinamasa Biblia
Mayroon pang ibang mga aklat sa panahong yaon na ibinibilang na
Canonized, ngunit hindi isinama sa tinatawag ngayon na Bagong Tipan. Ang isa
sa halos buong kopya ng Bagong Tipan na tinatawag na Codex Sinaiticus, na sa
ngayon ay nasa pangangalaga ng British
Museum at tinataya sa taong 350 AD ay kabilang
ang Sulat ni Barnabas o Bernabe, ang Shepherd of
Hermas. Ang isa pang kopya ng Bagong Tipan na
tinatawag na Codex Alexandria ay kabilang dito ang
kilalang-kilalang 1 & 2 Sulat ni Clemente (Clement).
Itoy ipinalalagay na isinulat noong ika 5 siglo na sa
ngayon ay hawak din ng British Museum.
Bagong Natuklasan
Noong 1945 ay may natuklasang 52-teksto o kasulatan ng mga naunang
mananampalataya sa bahaging Norte ng Ehipto malapit sa bayan ng Nag
Hammadi. Ngayon ito’y tinaguriang
Kasulatan Nag- Hammadi. Ang
ilang mga dalubhasa ay tinataya na
ito na nasa panahong 350-400 AD,
ngunit ang iba naman ay mas maaga
pa sa 120-150 AD. Noong 1966 ito’y
ipinaubaya sa mga dalubhasa upang
isalin at ipalimbag. Noong 1977, ang
Dead Sea
10
11. buong Kasulatan na Nag Hammadi ay
naipalimbag sa wikang English.
Sa isa pang pagkakatuklas, ang
tinatawag na Dead Sea Scrolls (Balumbon sa
Patay na Dagat ) noong 1947 sa isang kuweba
sa bahagi ng burol ng Dead Sea na ang pook
ay kilala sa tawag na Qumran. Hindi talaga
alam kung ilan ang natagpuang kasulatan
sapagkat ang mga sipi ay dumaan na sa maraming kamay. Ang iba ay hindi
sinasadyang sinunog at ang iba ay ipinagbili sa black market (labag na
pamilihan). Ang lahat na sipi ay umaabot ng 7 balumbon kasama na ang ilang
maliliit na sipi. Dahil sa pagkakatuklas na ito ay naganap pa ang pagsasaliksik
sa kalapit na pook at nakatagpo ng mahigit na 800 balumbon. Ito’y naglalaman
ng mga bagay ukol sa Lumang Tipan at ang mga kauna-unahang
mananampalataya pagkatapos ni Jesus.
Nakalulungkot, ang mga dalubhasa (scholars), mananalaysay (historians) at
nais na makaalam (researchers) ukol sa natuklasang ito ay nabigo na malaman
ang katotohanan ng nilalaman ukol dito. Ang pagsasalin ng Dead Sea Scrolls ay
sinasadyang hindi tapusin o bagalan, hindi katulad ng Nag Hammadi. Sa
ngayon ay mahigit nang 40 taon ang nakalilipas pagkatapos na ito ay natuklasan
ay wala pa ring kinalabasan. Mayroon lamang ilang grupo ng mga mananaliksik
ang mahigpit na pinapayagan na nagkaroon ng pagkakataon na makita ang
balumbon. Ang paghingi ng pahintulot ng mga dalubhasa ay totoong ipinagkait.
Ang mahigpit na pagbibigay ng pahintulot sa mga dalubhasa ay hawak ng
Pontifical Biblical Commision sa ilalim ng patnugot ng Vatican.
Ang Pontifical Biblical Commision ay patuloy na siyang nagmamasid at
pinangungunahan ang lahat na pag-aaral sa Biblia sa ilalim ng pamamahala ng
Iglesia Katolika Romana. Tanging
sila lamang ang may karapatan na
magbigay ng panukala at
pagpapaliwag kung ano ang laman
ng balumbon at ang mga
kinalabasan ng pagsasaliksik ay
dapat nakapanalig sa katuruan ng
Simbahan.
Ang ilang mga dalubhasa ukol
Book of Isaiah sa Dead Sea Scrolls ay nagpahayag
ng kanilang mga natuklasan. Ang
nabanggit natin kanina kung bakit nagkaroon ng labis na kahigpitan at pagsupil
ng sariling panukala at paliwanag ng mga nagsasaliksik ay dahilan sa ang laman
ng Dea Sea Scrolls ay salungat sa opisyal na paniniwala ng Simbahan, at ang
Buong Sandigan ng Cristianismo ay babagsak17.
Ilan sa mga Kasulatan sa Nag Hammadi
at Dead Sea (Patay na Dagat)
Ang mga sumusunod na talaan ay ilan lamang sa mga natagpuang
balumbon sa Nag Hammadi at Dead Sea.
17
The Dead Sea Scrolls Deception, Baigent and Leigh
11
12. 1. Ang Karunungan ni Jesucristo 13. Ang Patotoo ng Katotohanan
2. Ang Evangelio ni Tomas 14. Ang Evangelio ni Maria
3. Ang Ikalawang Apocalipsis ni ( Magdalena )
Santiago 15. Ang Talakayan ng Tagapagligtas
4. Ang Evangelio ng mga Nazareno 16. Ang Kapahayagan ng
5. Ang Evangelio ng mga Ehipto Pagkabuhay na Maguli
6. Ang Evangelio ni Felipe 17. Ang Paliwanag ni Habaccuc
7. Ang Lihim na aklat ni Juan 18. Ang Balumbon ng Digmaan
8. Ang Evangelio ng Katotohanan 19. Ang Kasulatan Sa Damascus
9. Ang Lihim na Aklat ni Santiago 20. Ang Balumbon sa Templo
10. Ang Apocalipsis ni Pablo 21. Ang Aklat ni Tomas na
11. Ang Sulat ni Pedro kay Felipe Nakikipaglaban
12. Ang Apocalipsis ni Pedro 22. Ang Pasimula ng Daigdig
Bago pa natuklasan ang mga Kasulatan sa Nag Hammadi at Dead Sea ,
hindi natin pa lubos na alam kung ilan pa talaga ang mga kasulatan ng mga
naunang Cristiano sapagkat ang mga pinuno ng Simbahan ay nag-atas na
ipasira o ipasunog ang mga yaon. Sa panahon ng Emperor na si Flavius Theosius
(379-395 AD), ay ipinag-utos niya na lahat ng Kasulatan na hindi sumasang-
ayon sa Romanong Simbahan ay ipinasunog. Ito’y sinang-ayunan ng Emperor at
ng Simbahan. Muli nang ang Emperador na Cristianong si Valentinian III (425-
454 AD), ay ganoon din ang mga ipinag-utos.
Ang Mga Kopya ng Bagong Tipan
Ayon sa mga dalubhasa ay napakaraming sipi ng Bagong Tipan ang
natagpuan at 4000 nito ay siniyasat at pinili. Habang nagsisiyasat ay mas
marami pa ang natatagpuan at lalong
higit na mas marami ang nakikitang
pagkakaiba ng bawat sipi (variants).
Ang mga ito ay nahahati sa apat na
uri: Uncial Manuscripts, minicule
manuscript, papyrus fragments at
lectionaries.
Codex Sinaiticus
Sa ngayon ay may 170 sipi ng
Uncial Manuscript, kabilang dito ang
Sinaitic (340 CE), naglalaman ng
Lumang Tipan (Greek Version) at kabilang ang
Apocrypah at ang Bagong Tipan; kabilang din dito
ang Sulat ni Bernabe at Shepherd of Hermas. Sa
ngayon ito ay nasa British Museum, London, English
at nasa wikang Griyego. Ang nilalaman
ng sipi ay wala halos ang kalahati ng
Lumang Tipan at ng Apocrypha; Gayon
din ang Marcos 16:9-20; Juan 7:53-
8:11
Ito’y natagpuan sa monasteryo ng
St. Catherine sa Bundok ng Sinai noong 1844 ni Dr. Constantin
Tischendorf, isang Aleman (German) na Professor sa Biblia at dalubhasa. Sa
12
13. pagdalaw niya sa monasteryong ito ay nakita niya ang basket na puno ng mga
balumbon para sunugin. Napagalaman niya na dalawang basket ang nasunog
na.
Codex Vaticanus ( 350 CE)
Ang sipi na ito ay naglalaman ng Lumang Tipan (Greek Version), kasama
ang Apocrypha maliban sa mga aklat ni Maccabees at ang Dasal ni Manasses ;
Ang Bagong Tipan. Ito ngayon ay nasa Aklatan ng Vatican, Rome Italy. Ang
nilalaman ng sipi ay wala ang
mga sumusunod : Genesis 1:1-
46:28; 2 Hari 2:5-7,10-13; Mga
Awit 106:27-138:6; Marcos
16:9-20; Juan 7:53-8:11;
Hebreo 9:14 hanggang sa
huling bahagi ng Bagong Tipan
, kasama dito ang tinatawag na
Pastoral na sulat ni Pablo
ngunit hindi ang
Pangkalahatang sulat na
nakalagay pagkatapos ng Mga
Gawa, Filemon at Pahayag.
Ang Codex Vaticanus ay
hindi talaga alam kung saan
nanggaling, ngunit ipinagpapalagay na ito ay galing sa Ehipto at sa Caesarea
nagmula. Ang panukala, na ito ay isinulat mula sa Ehipto at napunta sa
Ceasarea. Unang nalaman ito sa aklatan ng Vaticano noong 1481. Sinabi ni Dr.
Price na ito ay dinala sa Roma ni Pope Nicholas V noong 1448 na sa panahon din
yaon ay natatag ang Aklatan ng Vaticano.
Codex Ephraemi Rescriptus18 ( 450 CE)
Ang sipi ay nasa wikang Griyego at naglalaman ng Luma at Bagong Tipan.
Ito ngayon ay nasa National Library, Paris, France. Ang laman ng sipi ay wala
ang malaking bahagi ng Lumang Tipan maliban sa Job, Proverbs, Ecclesiastes,
Song of Solomon, Wisdom of Solomon, Ecclesiasticus; wala rin ang 2
Thessalonians, 2 Juan at ilang bahagi ng Bagong Tipan.
Noong ika –12 siglo ang orihinal na sipi sa manuskritong ito ay may mga
bahagi na nabura, sa ibabaw nito; o kaya’y sa pagitan ng dalawang hanay ay may
dagdag na sulat, mga aral, ng Syrianong si Paring si Ephraem ( 299-378), kaya
ito’y tinawag na Ephraem Manuscript. Ito’y ipinagpapalagay na isinulat sa
Ehipto, at maaari sa Alexandria.. Ito’y dinala sa Italy ni John Lascarisnoong
1500. Sa kanyang kamatayan ang kaniyang aklatan ay binili ni Pietro Strozzi at
noong 1553 ito’y nasa pangangalaga ng isang babae na si Catherine de Medici
.Siya’y isang Italiana, ngunit naging asawa at ina ng Hari ng Fransiya. Sa
kaniyang kamatayan, ito’y inilagay sa National Library sa Paris, na kung saan
ito’y naroon ngayon.
18
written again
13
14. Codex Bezae (550 CE)
Ang sipi ay naglalaman ng mga Evangelio, 3 Juan 11-15, at Gawa. Ito ay
nasa wikang Griyego at Latin at sa kasalukuyan ay nasa Aklatan ng Cambridge
University, Cambridge England. Ang sipi ay wala ang mga sumusunod na talata :
Wikang Griyego , Mateo 1:1-20; 6:20-9:2;
27:2-12; Juan 1:16-3:26; Mga Gawa 8:29-
10:14; 21:2-10,15-18;22:10-20;22:29-28:31
(Latin): Mateo 1:1-11; 6:8-8:27;26:65-271;
Juan 1:1-3;16; Mga Gawa 8:20-10:4; 20:31:-
21:2; 21:7-10; 22:2-10; 22:20-28:31.
Marami pa ring mga maliliit na binawas o
hindi kabilang, mga dagdag, at pagkakaiba-
iba ng teksto.
Ang manuskrito ay ipinagpapalagay
na isinulat sa Timog ng Italia. Noong 1562,
ito’y natagpuan sa monasteryo ni Irenaeus
sa Lyons ni Beza, isang French Bible scholar. Siya ay nagpunta sa Switzerland at
naging repormador sa Geneva at naging kaagapay at naging kahalili ni John
Calvin sa Geneva. Noong 1581 si
Beza ay ipinagkaloob ito sa
University of Cambridge.
Codex Claromontanus (550 CE)
Ang pinagmulan ng
Claromontanus ay maaaring galing
sa Italia o kaya’y sa Sardinia. Ito’y
natagpuan din ni Beza sa
monasteryo sa Clermont, France, at
ginamit niya ito sa kaniyang
ikalawang edisyon ng Greek New
Testament ( 1582 ). Nang mamatay
na siya, ito’y nagpalipat-lipat sa
iba’t-ibang kamay hanggang noong
1656 ay binili ito ni King Louis XIV
para sa National Library sa Paris,
na sa hanggang sa ngayon ay naroon. Noong 1852 ay lubos na isinaayos
( edited ) ni Tischendorf.
Codex Washingtoniensis (4th o kaya’y 5th siglo)
Ang sipi ay naglalaman ng Apat na Evangelio ang bahagi ng lahat ng mga
sulat ni Pablo, mula I Corinto hanggang sa mga sumusunod, kabilang din dito
ang Hebreo, at ang Lumang tipan na Duetronomio, Josue at Mga Awit. Ito ngayon
ay nasa National Library, Washington D.C. Ang laman ay wala (omission) ang
mga sumusunod: Marcos 15:13-38; Juan 14:25-16:7; kabilang din dito ang ilang
bahagi ng sulat ni Pablo. Ang mga Gawa, Ang Pangkalahatang Sulat, at Roma ay
nawawala rin Gayon din ang Duetronomio 5:16-6:18; Josue 3:3-4:10 at ilang mga
Awit.
Ang manuskrito ay may apat na bahagi, ito’y nabili noong 1906, mula sa
isang mangangalakal sa Cairo ni Mr. C.L. Freer ng Detroit, Michigan. Kaya nga
14
15. minsan ay tinatawag din na Freer Manuscripts. Ang laman ng manuskrito ay
isinaayos ng iba’t-ibang dalubhasa.
Codex Koridethi ( 8th o kaya’y 9th siglo)
Ang sipi ay nasa aklatan ng Tiflis, ang kapitolyo ng Georgia, dating bahagi
ng Russian Soviet Republic. Ang manuskrito ay natagpuan sa monasteryo ng
Koridethi sa rehiyon ng Caucasus malapit sa huling hangganan ng silangan ng
Black Sea at nasa wikang Griyego. Ito’y maaaring isinulat noong 8th o 9th siglo.
Ang eskriba na sumulat ng sipi ay hindi maaaring marunong sa salitang Griyego,
ngunit maaaring marunong ng Coptic.
Ang Chester Beatty Papyri
Sinasabi ng mga dalubhasa na
ito ang isa sa mahalagang natuklasan.
Ang Chester Beatty Papyri ay “ ang
pinakamahalaga sa bagong
pagkatuklas ng mga manuskrito ng
Biblia, .Ang 12 pangkat na ito ng
papyri codex manuscripts mula sa
Ehipto ay nabili mula sa
mangangalakal ni Mr. Chester Beatty
ng London, England at ipinakilala
noong Nov. 19, 1931. Ang balumbon
na ito ay naglalaman ng 3 bahagi ng
Bagong Tipan, 8 sa Lumang Tipan, at
isang bahagi
mula sa Aklat ni Enoch at isang Homiliya (sermon tungkol sa evangelio). Ang
balumbon ay pawang gawa sa papyrus, di-kumpleto o may sira, at ang ilang mga
pahina ay putol-putol. At maraming kulang. Si Erasmus (isang dalubhasa sa
Biblia) noong 1533 ay may kaalaman sa pag-iral
ng balumbon na ito, ngunit siya at ang mga
sumunod sa kanya ay hindi nabigyan ng
pagkakataon na mapag-aralan ito. Noong 1809,
nang mahuli ni Napoleon ang Papa at ang
Estado nito sa Italia, ang balumbon na ito ay
dinala sa Paris, Fance. Nang maibalik ito sa
Roma (1815), ito’y binantayan ng mahigpit, at ang mga dalubhasa ay hindi
ipinahintulot na Makita ito. Si Tischendorf at Tregelles (dalubhasa sa teksto ng
Biblia) ay nagkaroon ng pagkakataon na makakuha
ng pahintulot na makita ito ng ilang oras at gayon
din ang iba pa ngunit may tanod na nakamasid sa
kanila. Ang mga dalubhasa ay nagkaroon ng
pagnanais na mapagaralan ang nilalalaman ng
balumbon na ito, ngunit silang lahat ay nangabigo at ang ilan ay nabigyan
lamang ng maliit na panahon upang magawa nila ang masusing pagsisiyasat.
Dahil sa malakas na kahilingan ng publikonoong 1889-90, sa pamamagitan ng
pangunguna ng Papa Leo XII, ang Pahayagan ng Vatikano ay nagbigay ng
photographic fascimile ng buong manuskrito, at ngayon ay hayag na para sa
lahat ng mga dalubhasa sa buong mundo.
15
16. Codex Alexandrianus (Ang Alexandrian)
Ang sipi ay naglalaman ng Lumang Tipan (Septuagent o Greek Version),
kasama ang Apocrypha at ang Bagong Tipan, 1 at 2 Clemente at Mga Awit ni
Solomon. Ang sipi ay nasa pangangalaga ng Pamahalaang Britanya at ng Iglesia
Protestante at nakalagak sa British Museum.
Bagama ang gulang ng sipi ay tinataya sa kalagitnaan ng ika limang siglo (
5 th Century), ngunit malaki ang katiyakan na ito ay mas nauna pa at maaaring
bago mag-ika apat na siglo ( 4th century). Ito ay naisulat sa Alexandria, Egypt.
Noong 1078 ito ay inihandog sa
Patriarka ng Alexandria, at dahil
dito ay pinasimulaang tawagin ito
na Codex Alexandrianus. Noong
1621, ito’y dinala sa
Constantinople ni Cyril Lucar nang
siya ay lumipat mula sa Alexandria
patungong Constantinople.. Noong
1624 ito’y ipinagkaloob ni Lucar
kay Ginoong Thomas Roe, isang
sugong English (Ambassador) sa
Turkey upang ipagkaloob kay King
James I ng Englatera (England). Si
James ay namatay bago pa man ito
nakarating sa Englatera, ngunit ipinagkaloob na lamang kay Charles I noong
1627 at huli na para pagbatayan ng King James Version noong 1611. Ito’y
inilagak sa Maharlikang Aklatan (Royal Library). Noong 1757 si George II
ipinagkalaoob ang aklatang ito sa mamamayan ng Englatera, at ang sipi ay
inilagak na sa Aklatan Pangmamamayan sa British Museum.
Ang Nilalalaman ng Kasalukuyang Biblia
Malaking Pera sa Biblia
Sa isang maliit na aklat na isinulat ni William R. Kimball (Christian
Equippers International) “How Did We Get The Bible?” sa kanyang pasimula ay
sinabi niya ang ganito: “ Christian maintain that the Bible is the inspired Word of
God. However, they often accept this fact without a basic understanding of how
w e r e c e iv e d th e B ib le .” .
Ganito ang tunay na kalagayan ng mga bumabasa ng Biblia. Paano nga ba
nagkaroon ng Biblia ? Paano ito tinipon ? Sino ang may karapatang magtipon at
pumili ng mga aklat at sasabihing ito’y mula sa Poong Maykapal?
Maraming taon na ang nakaraan, ay binanggit sa Qur’an ang ganito : “ So
woe to those who wrote the book with their own hands, and they say , this is from Allah, that they
may sell it for a little price. So woe to them for what their hands have written, and woe to them for
their earnings.” (2:79). Lingid sa ating kaalaman ang binanggit na ito sa Qur’an ay
tinutukoy ang Biblia. Sinabi ni Paul Kroll ang ganito : “ The Bible is the best-
16
17. selling and doled out of all time … The Bible is big business and a recession-proof
product. It makes up, some calculate, $200 million a year retail market in the
United States. By 1984 an estimated 15 million commercial copies were selling
annually.”19 Kapareho din ito ng sinabi ng mga saksi ni Jehovah na sinasabi : “
In recent years, Bible sales in the United States have reached an estimated $ 300
million annually… Protestants purchase 80 percent of the Bible sold. Catholics, on
the other hand, are the sleeping giant in the Bible Market.”20
Mga Alamat sa Loob ng Biblia
Sa katotohanan ang Qur’an ay sinabi na kinakailangan natin
sumampalataya kay Jesucristo ( Isa Al Masih), tanggapin siya bilang isa sa
Dakilang Sugo at Propeta ng Allah. May mga nagsasabi na ang Jesucristo-anak
ni Maria sa Qur’an ay magkaiba sa Biblia. Si Bassam M. Madany (isang
Cristiano) ay nagsabi : “ In the Arabic Bible our Lord is called Yeshua al Massih,
Jesus the Messiah. In the Qur’an, Muhammad refers to our Lord as Issa… The
Qur’anic Messiah is not the biblical Messiah.”21 Kung si Jesucristo sa Qur’an at
Biblia ay magkaiba, sino naman kaya ang Cristo ng Biblia? Ano ang sinasabi ng
ilang mga dalubhasa ukol kay Cristo na kinikilala ng Simbahan. Sa pasimula ng
Aklat ni Llyod Graham22 ay sinabi niya: “The Bible is not the word of God but
stolen from pagan sources … Its Messiah is derived from the Egyptian Madhi
Savior, certain verses are vervatim copied of Egyptian scriptures. Between Jesus
and Egyptian Horus, …. Found 137 similarities, and those between Christ and
Khrisna run into hundreds… The masses never read these other sources and the
churchmen who keep silent about them. Today these sources are few because Bible
inspired fanatics destroyed them … In 125 AD St. Ireneous said ‘There was a
multitude of gospel …Those that came down to us are but the ones the priesthood
needed for its purpose, the rest it destroyed… In spite of the Christians destruction
of their sources material commentary still exists that proves beyond a doubt that
Christianity did not spring from the gospel Christ… The gospels do not contain of
an actual man, but only the myth of the god-man Jesus, clothed in the historical
dress.” Datapwat sina R.A. Spivey at M. Smith23 ay nagpahayag ng ganito: “
Neither they (Mathhew, Mark, Luke and John) are myths, tales of gods, because
Jesus of Nazareth, the central figure of the gospel, was a historical person, yet
elements of both biography24 and myth25 are present in the gospels.”
Ang Qur’an ay binabanggit ng mahigit na 20 ulit ang pangalan ni
Jesucristo-anak ni Maria. Naniniwala tayo na ang Jesus na ito ay isang Sugo o
Propeta na umiral sa Palestina, ipinanganak ng isang malinis na babae ( Birhen),
nangaral, nagpakita ng tanda sa kapahintulutan ng Allah, pinagtangkaang
patayin ngunit iniligtas ng Allah, kinuha ng Allah at muling magbabalik bilang
hukom sa maling aral na itinuro sa pangalan niya. Ngunit hindi dito natatapos
ang lahat, ang Biblia ay naglalaman ng kanyang kasaysayan, ngunit ang mga
dalubhasa ay pinag-alinlanganan ang nilalaman nito dahil sa mga
19
Plain Truth Magazine, October 1988 p. 9
20
Awake –June 22, 1986
21
The Bible and Islam, Bassam M. Madany pahina 4,87
22
Deceptions and Myths of the Bible,
23
Anatomy of the New testament p.61
24
a story of a particular historical person ( Spivey and Smith)
25
a tale of divine action ( Spivey and Smith)
17
18. magkakaparehong ulat sa Paganismo at Misteryosong relihiyon (Mystery Religion)
noong sinaunang panahon. Ganito ang sinabi nina R.A. Spivey at M. Smith: “ In
the New Testament itself … early usage of euangelion ( gospel) implied the oral nature of such
news; however, with Mark, Matthew, Luke and John and the Apocryphal gospels, the gospel
became a distinctive, literary category. This literary type can be defined negatively. The gospels are
not biographies in the modern sense, for they lack the usual sense interest in the personal character
and in the Chronilogical order of Jesus life. Neither they are myths, tales of gods, because Jesus of
Nazareth, the central figure of the gospel, was a historical person, yet elements of both biography
(a story of a particular historical person) and myth ( a tale of the divine action ) are present in the
Gospels.”26
Sa panahon ng 20th siglo, ang pagpuna tungkol sa Biblia ay hindi lamang
nangagaling sa labas ng Simbahan kundi pati na rin sa loob nito. Sa ngayon ay
maraming mga Ministrong Liberal na binabayaran at Tagapagturo sa mga
Seminaryo ang matiyagang nananaliksik at sumusulat upang ilathala ang mga
natagpuang katibayan ukol sa tunay na kalagayan ng Biblia. Marami sa kanila
ang nagsasabi na ang Biblia ay isa lamang tinipong mga kasulatan ukol sa
kasaysayan at mga pamahiin o kathang kasaysayan na hinaluan ng tunay na
pangyayari. Si Fritz Ridenour27 ay nagsabi na ang Neo-Orthrodoxy ay
naniniwala na ang katuruang ukol sa pagka-Dios ni Cristo at ang kanyang
pagkabuhay na maguli sa mga patay ay isang uri ng pagtatagpi-tagpi na
idinagdag ng mga sumulat ng Bagong Tipan dahil sa lumalaganap na
misteryosong kulto at nais nila itong pantayan upang maging katangap-tanggap
sa kanila.
Si Apollonius ng Tyana 28
Ayon sa isang lumalaganap na pananaw, utang na loob natin sa taong ito
na si Apolonius ng Tyana ang kasaysayan ni Cristo. Ayon sa ulat, sa sinaunang
panahon sa India ay may isang Dakilang Pantas na tiantawag na Deva
Bodhisatoura. Siya ay sumulat ng isang mithologiyang pangyayari sa buhay ni
Khrisna o Chrisna. Noong taong 38 o 40 AD, si Appolonius habang naglalakbay
sa Silanganan ay natagpuan ang kinathang kasayasayang ito sa Singapore.
Ibinilang niya ito na napakahalaga at dahil dito ay kaniyang isinalin sa kaniyang
sariling wika, ang Samaritana. At gayon din, marami siyang pinalitan ayon sa
sarili niyang pang-unawa at batay sa kanyang pilosopiya. Sa panahon ng
kaniyang pagbabalik ay dinala niya ito sa Antioch, at doon siya ay namatay. Mga
30 taon ang makalipas, may isa pang Samaritano na nagngangalang Marcio ay
natagpuan ito. Siya rin ay gumawa ng sipi ay gayon din siya’y may mga binago.
Ito’y kaniyang dinala sa Roma noong 130 AD, na kung saan ay isinalin niya ito sa
wikang Griyego at Latin. Nang matuklasan ito ng mga gutom at walang karapang
mga pari ay pinaganda nila ito at ginawang Bagong Tipan. Si Apollonius ay
naging si Apollo, si Marcion ay naging Marcos at Khrisna ay Cristo. Kung ito man
ay totoo o hindi, maraming bagay ang makikita natin dito na ikinakapit kay
Khrisna na makikita rin natin sa kasaysayan ni Jesus. Halimabawa, Ang
pagkabuhay ng anak na babae ni Jairus ay kapareho ng kay Chrisna na binuhay
ang anak na babae ni Augashuna; Ang pagdalaw ng Mago (1200 BCE) na nagdala
at naghandog ng ginto, kamanyang at mira; Ang pag-awit ng mga angel ay
26
Anatomy of the New Testament, Spiveyt & Smith p. 61
27
Who says God Created pp. 38,47
28
Ibid, Llyod Graham p. 289
18
19. makikita din natin sa kasaysayan ng Hindu; Ang pagdalaw ng mga angel, pastol
ng tupa sa kanyang kapanganakan at marami pang iba.
S in o a n g S u m u la t n g B ib lia ?
Ayon sa palasak na kaalaman ng mga pangkaraniwang kaanib ng
simbahan, ang Biblia ay sinulat ng taong may kasi ng Banal na Espiritu kaya
ito’y salita ng Dios. Papaano natin matitiyak na ang tao nga ay may kasi
(inspired) ng espitu santo? Ano ang pamantayan upang masabi natin na ito ay
mula sa Dios o may kasi ng Dios. Ayon sa mga dalubhasa kinakailangan na ang
sumulat o may akda sa loob ng Biblia ay kilala at kabilang sa mga taong may
patnugot mula sa Dios. Tunghayan natin ang ilang bahagi ng Biblia kung sino o
kanino ang mga salita nito. Sa Exodo 20:2 ay mababasa natin na Dios ang
nagsasalita, sa Nehemiah 13:30 ay Propeta, I & II Pedro ay ang disipulo, sa I
Corinto 7:25 & II Corinto 11:6 ay Mangangaral. Ngunit sa Hebreo ay hindi kilala
ang sumulat? Paano naging salita ito ng Dios kung hindi natin alam ang
sumulat..
Ang Lumang Tipan ay binubuo ng 39 na aklat at may ibat-ibang nag-akda
nito. Ang iba ay kilala ngunit karamihan ay hindi kilala ang sumulat. Sinabi ni
Ralph Earle ang ganito: “ The book of Joshua was written in a later generation. We
do not know who wrote it… The same must be said of the Judges which f ills in the
time f rom Joshua to Samuel … The Psalms were a sort of Hymnal f or Israelites
about half the 150 Psalms are attributed to David, but most of the others are
anonymous”. Si James Moffatt ay nagsabi rin: “ The Old Testament is a collection
of religious literature thro wm up in the course of the story. None of the book in this
collection, in its present f orm, is earlier than the seventh or eight century BC, whilst
some items, like the oracles in Zechariah ix-xiv, several psalms, and the book of
Daniel were not composed until the second century BC. Nearly all have been more
or less edited, af ter their original composition; editorial manipulation of the text can
be traced in the Prophets as well as in the legal codes, and this applies to poetry as
well as to the prose.”29
Mga Awit ni David
Si David ay naging hari sa angkan ni Judah noong circa 1013 hanggang
1008 BCE30, at ng buong Israel (12 angkan) noong circa 1006 hanggang 1001
BCE. Ipinagpatuloy niya ang pamumuno bilang ikalawang hari sa Israel
hanggang siya ay mamatay noong circa 973-969 BCE. Ayon sa sabi-sabi ang
aklat ng Mga Awit ay ipinapalagay na kay David. Bagamat binabanggit sa Qur’an
na ang Zabur (Psalms) ay ibinigay kay David hindi ang mga Awit sa loob ng Biblia
ang tinutukoy, ngunit maaaring ilang bahagi lamang dito. Ang Qur’an ay
binanggit ang mga naunang kasulatan na ipinahayag ng Poong Maykapal, isa sa
mga ito ay ang tinatawag na Zabur o Awit ni David. Ngunit ayon sa Smith’s Bible
Dictionary sa pahina 539 ay ganito ang sinabi: “The present Hebrew name of the
book is Tehillim, praises but in the superscription of the Psalms the word Tehillah is
applied only to one Psalms 145, which is indeed emphatically a praise-hymn.”
29
The Bible by James Moffatt, Introduction p. ix
30
BCE ang kahulugan ay Before the Common Era; CE ang kahulugan ay Common Era. Ang mga makabagong
dalubhasa sa ngayon ay hindi na palasak ang paggamit ng BC ( Before Christ) at AD ( Anno Domini) sapagkat
ito’y hindi angkop sa pangkalahatang at diwa ng panahon, na kay Jesus ang sugpungan nito.
19
20. Tanging ang kapitulo 145 lamang ang may katangian bilang tinatawag na mga
papuring Awit.
Limang Aklat ng Mga Awit
Ang mga Awit sa Biblia ay nahahati sa limang aklat, ang unang bahagi ay
binubuo ng kapitulo 1-41. Ang ika 2 ay binubuo ng kapitulo 42 hanggang 72,
ang ikatlo ay 73-89, ika apat ay 90-106. At sa kahuli-hulihan ay 107 hanggang
150. Ang mga nilalaman ng aklat ay makikita natin bilang mga Awit ng
Pagpupuri, Awit ng Sion, Awit ng Pagluluklok ng Hari, Mga Panaghoy ng Bawat
isa, Panaghoy ng Kalipunan, Awit ng Pagtitiwala, Awit ng Pasasalamat,
Maharlikang Awit, Awit ng Karunungan, Mga Liturhiya ( liturgies) at Awit ng
Paglalakbay ( pilgrim) at marami pang iba.
Ang nilalaman ng aklat na ito sa pagsusuri ng mga dalubhasa ay hindi
maituturing na kay David ang may akda. Ang laman ay maliwanag na isinulat ng
iba’t-ibang manunulat. Si Jerald F. Dirk ay nagbigay ng pahayag ukol sa bagay
na ito, sinabi niya: “ The structural analysis of the Psalms indicates that the book
as a whole certainly cannot be attributed to Davidic authorahip… the two main
sections of Psalms that are attributed to David authorship are clearly written by
different people,… while isolated and individual hymns may actually have a
Davidic authorship31, the structural analysis of Psalms clearly ref utes Davidic
authorship f or the book as a whole. Further, there is a 570 to 770 year time lag
between the death of David and the initial compilation of the completed book. Still
further, different versions of Psalms, e.g., Masoretic vs. Alexandrian text, existed in
the centuries af ter the initial compilation of the complete book. If one takes the
Masoretic text of circa 895 CE as the f inal ‘authoritative’ version of Psalms, there is
a time lag of around 1,865 years between the death of David and the ‘f inal’ version
of Psalms. Clearly, the provenance of the book of Psalms, is largely unkno wn,
incomplete, and grossly broken.”32 May patotoo na ang ilan sa mga nasabing
aklat ng Mga Awit ay hinango sa ibang kasulatan katulad ng Awit 104:24.33 Ito’y
hinango sa mga Awit ng Haring si Akhenaton na dati’y si Amenhotep IV noong
1378 BC sa Ehipto. Si Akhenaton ay isa ring manunula at mangaawit. Kaya nga
ang mga dalubhasa ay ipinapalagay na ang pananampalataya sa isang Dios
(Monotheism) ni Akhenaton ay ang pinagmulan ng Monotheismo ng mga Judio na
ito ay kanilang tinanggap sa panahon ng pagkakabihag sa Ehipto. Ngunit
ipinapalagay din na ang pinakamalaking bahagi ng pananampalataya ng mga
Judio ay mula sa Mesopotamia at Babilonia34 dahil sa paggamit ng pangalan El35
bilang Dios, na makikita natin sa loob ng Biblia na ikinapit din sa mga dios-
diosan.
31
tignan din ang The Oxford Annotated Bible, edited ni Herbert G. May at Bruce M. Metzger ,1962 p.656
32
The Cross and the Crescent, An Interfaith Dialogue between Christianity and Islam, Jerald F. Dirks, amana
publications,2001 p.56
33
” Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat; Ang lupa ay puno ng
iyong kayamanan.”
34
Readers Digest, July 1975 pp. 96,97; ihambing din sa Mga Awit 82, El ang punong dios sa mga kapulungan ng dios.
History Unearth ni Sir Leonard Wooley, Fredirick A. Praeger, Pub. NY, 1962;
35
History Unearth ni Sir Leonard Wooley, Fredirick A. Praeger, Pub. NY, 1962; El-Elyon ang
pinakapunong dios sa kapulungan ng mga dios at ang ama ng mga dios. Sa Biblia ang Dios na kinikilala ng mga
Esraelita ay si El, ito’y ikinapit din sa mga idolo ng mga ibvang bansa ( Gentil) katulad nina Dagon ( I Samuel 5:7),
Ashotoreth ( I Hari 11:5) at Marduk ( Daniel 1:2) ; ihambing din sa Exodus 12:13; 20:23
20
21. Sino ang Sumulat ng Evangelio?
Ayon sa ibang dalubhasa, ang
aklat ni Lucas ay hindi naisulat
hanggang kumulang dalawang daan
taon pagkatapos ni Jesus. Ang
katibayan nito ay sinasabi na si
Theophilus, ang sinulatan ni Lucas ay
isang Obispo sa Antioch mula noong
169 hanggang 177 AD. Sinasabi pa rin ,
na si Pope Clement I ( circa 97 ), ay
hindi sumipi o binanggit ang isa man
sa apat na evangelio o mga sumulat
nito. Gayon din, walang sinoman sa
Papa o Ama ng Simbahan sa mga
sumusunod na siglo… walang evangelio
ang lumitaw hanggang bago dumating
ang 185 AD. Kaya nga si Justin Martyr,
(140 AD), ay hindi kailanman sumipi o
nabanggit ito o narinig niya. Gayon din
naman kahit na si Pablo ay wala siyang
nabasa sa mga evangelio, dapapwat ang
mga mistikong aklat na pagdakay sinira
na ang naging batayan niya36.
Ang aklat ni Lucas ay hindi naglalaman ng patotoo na ito ay kinasihan ng
Dios, datapwat nangako lamang na pinagsikapan niya itong maging dalisay, tama
sa pagkakasunod-sunod at makatotohanan,37 Katunayan, ginamit din niya ang
mga datus na sinulat ni Marcos.
Gayon din, ang evangelio o aklat ni Juan, sa kasalukuyang pagsusuri ng
mga dalubhasa ay nahihirapan silang matanggap na ang Apostol na si Juan
anak ni Zabedee ang may akda nito. Ang makabagong dalubhasa ay may
pananaw na ang aklat na ito ay hindi lamang isinulat ng isang tao. Ang Kabanata
21 ay idinagdag lamang pagkatapos na ang aklat ay ganap na (20:30+); Ang
paraan ng pagkakasulat sa wikang Griyego ay kakaiba sa ibang bahagi ng
manuskrito. Ang Panimula (1, 1-18) ay maliwanag na hindi kasama sa aklat, ito’y
isang himno (hymn), na di alam ang dahilan ay isinama bilang unang panimula
sa evangelio. Sa loob ng Evabgelio ay makikita natin na mayroon hindi tama sa
pagkakasunod-sunod, may dalawang pangwakas na bahagi sa panahon nang si
Jesus ay nagpaalam sa kanyang huling hapunan ( 14, 31; 18:1)38
Ang aklat ni Marcos ayon sa ibang dalubhasa ay naglalaman ng mga ulat
mula kay Pedro. Si James Moffatt ay iniwan at hindi sumangayon sa
panukalang ito, ganito ang kaniyang paliwanag: “ Mark’s gospel is a terse, vivid
account of Jesus, from the beginning of his public ministry to his death. It is not an
artless transcript of oral reminiscences preserved by Peter, but sho w signs of the
earlier written materials having been worked up by the author.” Sa karagdagan
sinabi pa rin niya ukol sa Synoptic Gospel “ Luke and Matthew … rearranged and
of ten rewrote’s Mark’s gospel, omitting a little, altering much and adding more,
36
Ibid. Lyod Graham p. 284
37
ibid James Moffatt p. xxxi
38
New American Bible, Introduction to the Gospel of John
21
22. from the special Palestinian sources…”39 Sa Jerusalem Bible ganito pa rin ang
sinabi: “… the f act that at times they copy or correct each other.”40
Mga Paglalarawan kung papaano natipon
a n g m g a U la t n g A p a t n a E v a n g e lio
1. Proto-Marcos- ipinapalagay o mga bagay na narinig ni Marcos ukol sa ulat
ng mga salita at buhay ni Jesus mula sa di kilalang pinangalingan. Ang iba
ay sinasabing ang balangkas ni Marcos ay mula kay Pedro at kaniyang
iniayos sa pagkakasunod –sunod na hanay ng kasaysayan.
2. Q ( ay kumakatawan sa salitang Aleman na Quelle na ang ibig sabihin ay
“pinagmulan” o “pinangalingan”). Ang mga dalubhasa sa ngayon ay
natuklasan na Q ay mula sa mga naisulat na Manuskrito mula noong 50
CE- 75 CE. Kaya marami sa mga ulat ng Apat na Evangelio ay sinipi mula
sa mga pseudopigraphical na kasulatan at mga hindi Canonized na mga
aklat ng mga Judio noong 2nd siglo bago pa si Jesucristo. Kaya hindi natin
maituturing na ang mga ulat sa kawikaan ni Jesus sa apat na evangelio ay
dalisay na mula sa kaniya.
39
Ibid James Moffatt p. xxxi
40
Jerusalem Bible, Introduction to the Synoptic Gospel pp. 5,6
22
23. Jesus
Mga Aral at buhay ni Jesus
30
AD
Ang mga salin-sabi tungkol sa buhay at aral ni Jesus
CE 50-------------------------------------------------------------------CE 50
Proto-
Marcos/
Quelle
Mga Sulat ni
Pablo Q
? Marcos
67AD
CE 70 -----------------------------------------------------------------CE70
L?
M?
Salin-sabi/
Quelle
CE 90------------------------------------------------------------------ CE 90
Mateo Lucas
Juan
Mga
Gawa
3. M?/L? - Kumakatawan sa mga nalikom ni Mateo (M?) at Lucas (L?) mula
sa sabi-sabi ng iba’t-ibang tao at pira-pirasong tala ng aral, kawikaan at
buhay ni Jesus.
4. Evangelio ayon kay Marcos- ito ang kauna-unahang sa mga Canonized
na aklat na ang sumulat ay gumamit ng pira-pirasong ulat mula sa sabi-
sabi at Quelle, na sa pamamgitan nito ay pinagtahi-tahi (cut and paste
method). Ang bunga ng masikap na pagtatahi ay tinatawag na proto-
23
24. Marcos. Sa ilan panahon ang makalipas, ay may hindi kilalang tao o grupo
na pinabuti ang laman at ngayon ay naging bunga ng evangelio (ayon
kay Marcos) noong circa 75 CE
5. Evangelio ayon kay Mateo- ito ang kinikilalang ika-2 sa mga aklat. Ang
nilalaman ng aklat ay sa pamamagitan din ng pira-pirasong ulat mula sa
proto-Marcos , Quelle at mga naitalang salin-sabi na tanging si Mateo
lamang ang nakakaalam, at tinatagurian na M(?). Ang aklat na ito ay
itinuturing na nagawa noong circa 85 CE.
6. Evangelio ayon kay Lucas- ang aklat na ito sa patotoo ng nilalaman ay
gumamit din ng pira-pirasong ulat sa pamamagitan ng oral (pasalita) at
kasulatan, mula sa proto-Marcos, Quelle at sarili niyang pagsusuri na
tinaguriang L? Ang panahon ng pagkakasulat nito ay tinataya noong circa
95 CE.
7. Evangelio ayon Juan- sa aklat na ito ay iba ang pagkakahanay ng ulat
ukol sa salita, gawa ni Jesus kung ihahambing sa aklat nina Mateo,
Marcos at Lucas. Ngunit naniniwala ang mga dalubhasa na ang
pinagkunan ng mga salaysay, ulat sa gawa at salita ni Jesus ay hindi kaiba
sa Synoptic41 Gospel (Marcos Mateo at Lucas). Ngunit sinasangayunan na
ang aklat na ito ay ang pinakahuli sa lahat ng evangelio, at tinataya noong
circa 110 CE. Sa pagsusuri, natuklasan na ang pinanggalingan ng laman
ng aklat na ito ay batay sa mga sabi-sabi at naisulat na ulat na kumakalat
sa panahon ni Juan. Si Clemete ng Alexandria (circa 190 CE) ay nagsabi na
ang sumulat ng aklat na ito ay alam na alam ang synoptic gospel at
maaaring siya’y kumuha ng ilan dito na inihalo sa aklat.
8. Ang Apat na Evangelio- ang nilalaman ng Apat na Evangelio ay hindi dito
nagtatapos, sa paglipas pa ng ilang panahon ay pinalawig (expanded) pa
rin ang mga ito sa pagpapabuti ng nilalaman (edited). Kaya dito lumitaw
ang pagdagdag sa mga aklat na ito , katulad ng kay Marcos 16 :9-20, ang
pagpapalit ng Lucas 3 :21-22 at pagdaragdag ng tinatawag na Lord’s Prayer
sa Mateo 6 :13 ; Mateo 16 :17-20 at ang pagbabago sa Juan 2 :21-22 at
4 :2 at pagdadalisay ng Juan 5 at 6 at marami pang ring iba na katulad
nito ang matatagpuan natin sa Biblia.
Ang Evangelio sa Salitang Aramaic
Sinabi sa isang babasahing Katolika, “Ave Maria Magazine” sa may pahina
12, Tomo V, blng 4 ay ganito ang pahayag: “Christ did not even give His disciples
an explicit command to write. In the beginning the Apostles only preached and
worked wonders in the name of Christ. They transmitted the Good News simply by
tradition.” Kung ipagpapalagay lang natin na ang mga aral ng mga apostol ay
naisulat bagamat hindi iniutos sa kanila na gawin iyon. Ayon din sa mga
mangangaral at dalubhasa sa Biblia, ang Bagong Tipan na binabasa natin
ngayon ay salin mula sa naisulat na salitang Griyego. Ang orihinal kayang Biblia
ng Bagong Tipan ay ipinasulat sa salitang hindi naiintindihan ng mga Israelita (
Judio) ? Ganito ang sinabi ni Rev. Richard Francis Weymouth sa kanyang
Appendix ng New Testament In Modern Speech sa pahina 653: “Aramaic was
the language spoken in Syria in the days of Christ… By the time of Christ
41
Dahil sa ang laman ng mgaa klat na ito ay magkakatulad ang hanay ng balangkas, salita at gawa ay tinaguriang
Synopic Gospels , mula sa salitang Griyego na Synopsis, na ang ibig sabihin ay nakikitang magkakatulad
24
25. Aramaic had long been the current speech in Palestine. It was the speech
of Jesus and His disciples and probably the earliest preaching of the
gospel was in Aramaic.” At ganito pa rin ang sinabi ni George Lamsa sa
kanyang Introduction sa Bibliang kanyang isinalin pahina ix: “ Greek was never
the language of Palestine. Josephus book on the Je wish Wars was written in
Aramaic. Josephus states that even though a number of Jews had tried to learn the
language of the Greeks hardly any of them succeeded.”
Ang Bagong Tipan ng Biblia ay nakasulat sa wikang Griyego, imposibleng
taglay nito ang tunay na diwa ng mensahe ni Jesus at mga apostol niya. Kung
gayon, ang tunay na Evangelio ni Jesus ay hindi ang Bagong Tipan, sapagkat sa
kapanahunan niya at ang mga apostol ay ginagamit ang salitang Aramaic at ang
Mabuting Balita ay ipinangaral sa wikang ito hindi ang salitang Griyego
Panahon ng pagkakasulat ng Bagong Tipan
Ang mga dalubhasa sa kanilang masusing pagsasaliksik at paghahambing
hambing ng pamamaraan ng literatura ay may mga kaunting pagkakaiba ng
panahon o taon kung kailan naisulat ang mga aklat na napapaloob sa Bagong
Tipan. Ngunit sa bahaging ito ay tanggapin natin ang lumang pananaw at
kinikilala ng karamihan at nasa awtoridad. Narito ang balangkas ng
pagkakasulat ng panahon.
Mga Aklat sa Bagong Tipan42 Panahon o Taon ng Pagkakasulat
Evangelio sa Bagong Tipan43
1. Evangelio ayon kay Mateo 8 5 -1 0 0 A D
2. Evangelio ayon kay Marcos 6 5 -7 0 A D / p a g k a ta p o s n g 7 0 A D *
3. Evangelio ayon kay Lucas 85/95 AD
4. Evangelio ayon kay Juan 9 0 -1 0 0 A D
Mga Gawa ng Apostol 6 5 -7 5 A D
Mga sulat ni Pablo
1. Roma 5 7 A D / s a p a g ita n n g 5 4 -5 8 A D
2. I Corinto 56 AD
3.2 Corinto 57 AD
4. Galacia 55 AD
5. Efeso 6 1 -6 3 A D
6. Filipos 6 1 -6 3 A D
7. Colosas 6 1 -6 3 A D
8. 1 Tesalonica 5 1 -5 2 A D
8. 2 Tesalonica 5 1 -5 2 A D
9. I Timoteo ( maaaring alagad ni 63 AD
Pablo ang sumulat)
10. 2 Timoteo 63 AD
42
R.F. Weymouth at Ralph Earle
43
From Jesus to Four Gospel, Herman Hendrickx CICM, Claretians Pub. Q.C, Phil.
25
26. 11. Tito 67 AD
12. Pilemon 6 1 -6 3 A D
Iba pang mga Sulat
13. Hebreo (hindi kilala) 96 AD
14. I Pedro 6 4 -6 7 A D
15. 2 Pedro 67 AD
16. I, II at III Juan 9 0 -1 0 0 A D
17. Judas 100 AD
18. Apocalipsis (Pahayag) 100 AD
A n g A k la t n g m g a G a w a a t m g a S u la t n i P a b lo
Ang mga galaw, gawa at sinabi ni Pablo ay mailalarawan natin batay sa
pagkakasalaysay ng sumulat ng Mga Gawa. Pinaniniwalaan na ang sumulat nito
ay si Lucas (balik aralan ang Sino si Pablo). Siya ay
nagpasimulang makilala pagkatapos ni Jesus bilang
Saul ng Tarsus. Ang mga disipulo ay nag-aalinlangan
sa kanyang pagiging matapat dahil sa mabilis na
pagpapalit ng pananampalataya.
Sa mga Gawa 9:27, ay sinasabing si Bernabe ang
kanyang kasama sa mga paglalakbay at tuwirang
ipinagtatanggol si Pablo. Noong ika-43 CE sa Mga Gawa
11:26 ay nalaman natin na ang mga disipulo ay unang
tinawag na mga Cristiano.44 Sa Jerusalem ang mga
Kapulungan ( Iglesia) ay lubos na matatag na roon at
pinamumunuan ni Santiago ang kapatid ni Jesus.
Pagkatapos ng mahigit na limang taon,
nagkaroon ng mga pagtatalo sa Antioch ukol sa mga
bagay na ipinapangaral ni Pablo. Sa Gawa 15 ay
inilarawan ang mahigpit na pangangailangan ng pagpupulong sa Jerusalem
upang siyasatin ang mga gawain ni Pablo. Siya at ang kaniyang kasama na si
Bernabe, ay inatasan na pumaroon sa Jerusalem, ang kauna-unahang Konseho
upang pag-usapan ang lumalaganap na kuro-kuro (idea) ni Pablo. Sila ay umalis
mula sa Antioch patungong Jerusalem sa ika-48-49 CE. Dahil sa pangyayaring
44
Mababasa natin sa Biblia na ang Cristiano ay pinasimulaang tawagin sa Antioquia (Mga Gawa 11:26) maraming taon
na ang nakalipas pagkaraan ni Jesus na umakyat sa langit. Kung gayon, walang kinalaman si Jesus sa katawagang ito.
Ayon mismo sa dalubhasang Cristiano, ito ay ikinapit ng mga pagano sa kanila. Sinabi ng isang dalubhasang si Wuest
sa kanyang aklat na Treasures From The Greek Testament, WM.B. Eerdmans Pub. Co. 1957 p. 67:" Sa Antioquia
dito unang tinawag ang mga disipulo na Cristiano (Mga Gawa 11:26) Ang pangalan ay ikinapit ng mga pagano
noong unang siglo … "Sa katunayan mababasa natin sa Biblia na kailanman si Jesus ay hindi nakarating at nangaral
sa dako ng Antioquia. Ang lugar na ito ay labas na sa bansang Palestina na sa ngayon ay tinatawag na Israel. At
tuwirang pa ngang sinabi ni Jesus na siya ay isinugo lamang sa mga Israelita ( Mateo 12:24), na kung saan dito lamang
niya isinugo ang kanyang mga alagad ( Mateo 10:6)Sa karagdagan sinabi pa rin sa aklat na Smith Bible Dictionary ni
William Smith pahina 116, ay ganito ang sinabi:" Ang mga disipulo ay unang tinawag na mga Cristiano saAntioquia
sa dako ng Orontes, tinataya noong CE 43. Ang pangalang Cristiano ay ginamit bilang panlalait, hindi kailanman
ikinapit ng mga naunang disipulo ito sa kanilang sarili, ngunit ibinansag sa kanila ng mga bansang Gentil
…"Kung gayon, ang titulong Cristiano na ikinapit sa mga mananampalataya ay walang kinalaman ang Dios o si
Jesucristo man. Alam ng mga dalubhasa ang nakapaligid na istorya sa kasaysayan kung bakit binanggit ang salitang
Cristiano sa Gawa 11:26. Ang mga Pagano ang nagbansag sa kanila na tawagin silang Cristiano
26
27. ito ay nagkaroon ng malawak na alitan sina Santiago at Pablo at ang sumulat ng
Mga Gawa, ay nagpapakita ng pangyayaring ito at ito’y nagsilbing talaan ng
pagtatanggol para kay Pablo.(Mga Gawa 21:18) Kung paniniwalaan natin ang
nilalaman ng Aklat ng Mga Gawa, si Santiago ay nakipagkasundo na madaling
makakapasok ang mga pagano sa kalipunan ng mananampalataya para
magkaroon ng kapayapaan. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi ang tunay na
nangyari. Dahil hindi lihitimo ang mga aral ni Pablo, nagpasiya siya na tumungo
na lamang sa ibang bansa at ipalaganap ang kaniyang sariling haka-haka.
Karamihan sa kaniyang mga sulat ay nagpasimula sa panahong ito, sa pagitan
ng 50-58 CE. Maliwanag sa kaniyang mga sulat na siya, sa panahong yaon, ay
naging humiwalay na sa pamumuno sa Jerusalem at sinasalungat ang kanilang
pagyakap sa kautusan. Siya’y sumulat ( Galacia ( 57 CE) at nagpahiwatig sa mga
namumuno ( Galacia 2 :6). At sa Galacia 2 :11-13), tinuligsa ni Pablo si Pedro, at
pinagbintangan niya si Santiago at ang kaniyang dating kasama sa paglalakbay
na si Bernabe ng pagkukunwari.
Ang mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan ni Pablo ukol sa
pananampalataya ay tuwirang salungat doon sa mga namumuno sa Jerusalem.
Ipinangaral niya na ang kaligtasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng
pananampalataya ( Roma 3 :28). Sa ganitong kadahilanan ay sinagot siya ni
Santiago ang pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem na “ Gayon din
naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili
O o , s a s a b i h i n n g i s a n g t a o , I k a w a y m a y r o o n g p a n a n a m p a l a t a y a , a t a k o ’y
mayroong mga gawa ; Ipakita mo sa akin ang iiyong pananampalatayang hiwalay
s a m g a g a w a , a t a k o s a p a m a m a g ita n n g a k in g m g a g a w a a y ip a k ita s a iy o a n g
aking pananampalataya…. Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh taong
w a la n g k a b u lu h a n , n a a n g p a n a n a m p a la ta y a n a w a la n g m g a g a w a a y b a o g . ? ” (
Santiago 2 : 17-18, 20). Kung susuriin ang mga kasulatan ni Pablo, ito’y
naglalaman ng mga salita na siya ay
humihiwalay na sa pamunuan ng Jerusalem
at nagpapahayag ng pagtaliwas sa Konseho.
Dahil dito ay maliwanag na si Pablo ang
kauna-unahang apostata ( apostate ).
Ngunit sa
kabaligtaran ay
pinagbintangan
niya sa 2 Corinto
11:3-4, na ang mga
kalipunan sa
Jerusalem ay
nagpapalaganap ng
“ ibang Jesus.”
Sinabi niya na ang
“ paparito” ay
tinatawag na
ministro ni Cristo maliban ang tinutukoy
ni Pablo ay ang mga apostol ( 2 Corinto
11:22-23). Sila ang tinutukoy ni Pablo na
kaniyang mga kaaway.
27
28. Binali wala niya ang dalisay na pananampalataya, dahil din dito lumikha
siya ng isang Cristo na ipapantay sa mga dios-diosang pagano katulad nina
Adonis, Tammuz, Attis at marami pang iba. Ang paglikha ng dios katulad ng
mga Romano sa kanilang emperador ay laganap sa Gitnang Silangan sa
panahong yaon. Hindi kilalang lubusan ni Pablo si Jesucristo na anak ni Maria,
katulad ng pagkakakilala nina Pedro at Santiago. Ang tanging alam lamang niya
ay ang mga mistiko at sophismo na laganap din sa lugar na yaon.
Nang si Pablo ay muling bumalik sa Jerusalem (58 CE) ay hinimok siya ng
kaniyang mga tagasunod na huwag bumalik sa pangangambang magkaroon ng
kaguluhan sa mga pinuno roon. Nakipagkita siya kay Santiago. Inakusahan siya
na nangangaral samga Judio sa ibang bayan na iwanan na ang Kautusan ni
Moises. Ang bintang na ito ay makatuwiran sapagkat ito rin ang laman ng
kaniyang mga sulat. Ang Aklat ng mga Gawa ay hindi itinala kung ano ang
kaniyang isinagot. Ang pakiwari sa mga naganap ay kaniyang ipinagkaila at
hiniling na maglinis siya sa loob ng pitong araw- na isang palatandaan na siya ay
patuloy na gumaganap sa Kautusan.
Makalipas ng ilang araw, si Pablo ay muling nasa panganib dahil sa
pangangaral laban sa Kautusan ( Mga Gawa 21:28+). Siya’y nangatuwiran at
ipinamanhik ang kaniyang karapatan bilang mamamayan ng Roma. Dahil sa
panganib na nagbabanta sa kaniyang buhay, inilisan siya mula sa Jerusalem
patungo sa Cesarea na may kasamang 470 pangkat- 200 kawal ( infantry) na
nasa ilalim ng pamumuno ng dalawang Senturion, 200 sibatan ( spearman) at 70
mangangabayo ( Mga Gawa 23 :23). Doon siya ay dumulog kay Haring Agrippa na
siya ay litisin sa Roma dahil sa karapatan niya bilang mamamayan ng Roma.
Naniniwala ang karamihan na si Pablo ay namatay doon noong sa pagitan ng 64
at 67 CE.
Ang aklat ng mga Gawa ay napapalooban ng tunggalian nina Pablo at
Santiago. Ang mga dalubhasa sa Dead Sea Scrolls katulad ni Eisenman ay
nagsasabi na si Santiago ay ang pinakapuno at nangangalaga ng dalisay na
katuruan ng kapulungan, ang tagapagturo ng dalisay na aral at pagpapatupad sa
mga kautusan. Kailanman, si Jesus o ang mga naunang mananampalataya ay
hindi nagkaroon ng panukala na magkaroon ng ibang ‘religion”. Sila’y patuloy na
gumaganap ng naunang kautusan at patakaran ng mga Judio. (Mateo 5:17-19)
Kay Santiago at mga mamamayan sa Jerusalem ay ipinagpapatuloy lamang
ang mga katuruan ni Jesus at ang kaniyang Pagka-Messias (Cristo). Hindi
layunin ni Jesus na ang sentro ng pananampalataya ay ipako sa kaniyang
katauhan, sa pagsamba sa kaniya o gawing dios o Dios.
Sa alitan ni Santiago at Pablo, ang paglitaw at unti-unting pagkatatag ng
relihiyong tinatawag natin ngayon na Cristiano ay nabubuo at lalo pang naging
matatag na nang si Constantino ay ipinahayag ito bilang opisyal na relihiyon ng
Emperyo ng Roma dahil sa kaniyang pang-politikal na layunin at pinalitan ng
maka-paganong pananampalataya, kultura at mga rituwal.
Ang Aklat ni Moises
Ang Qur’an ay maraming ulit na binanggit ang aklat o kautusan ni Moises
o tinatawag na Torah. Datapwat ang Torah na ito ay hindi ang Kautusan na nasa
Biblia, ito’y tinatawag nilang Pentateuch ( Limang Aklat- Ang Kautusan – Genesis,
Exodo, Levitico, Mga Bilang, at Deutronomio ) sa Lumang Tipan. Sinasabi rin nila
na ang Pentateuch na ito ay isinulat ni Moises, at siya ay bumatay ayon sa sabi-
28
29. sabi ng tao , na nagpalipat-lipat sa bawat lahi. May nagsasabi pa rin na ito’y
pinagsama-samang mga kasulatan na iningatan ng kanilang mga ninuno bilang
isang makasaysayang talaan. Papaanong nangyari na ang Pentateuch na ito ay
isinulat ni Moises, samantalang ang Limang aklat na ito ay may itinuturong
ibang aklat na kautusan ni Moises. Pansinin ninyo ang sinabi sa aklat na ito : “At
sinabi ng Panginoon Kay Moises, isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at
ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa
silong ng langit.” ( Exodo 17 : 14 ) ; “… at sinulat ni Moises ang lahat ng mga
salita ng Panginoon, …” (24:4) “… at sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo
ang mga salitang ito: sapagkat ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan
ako sa iyo sa Israel … At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng
tipan, ang sampung utos.” (34:27,28); “ at isinulat ni Moises ang kanilang mga
pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon…”
(Mga Bilang 33:2 ihambing din sa Duet. 10:1-4; 31:9,22-24). Maliwanag na may
ibang nagsasalaysay ukol sa mga isinulat na kautusan ni Moises at maliwanag
na hindi si Moises ang sumulat ng mga aklat na ito kundi ibang tao. Tignan pa
natin ang mga halimbawa: “ At sinabi ng Panginoon kay Moises” (Exodo 34:1)… “
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises na sinasabi “ ( Exodo 31:1) “ … at
sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel…” (Exodo 35:30) “… at sinalita ng
Panginoon kay Moises na sinasabi…” (Exodo 40:1) at marami pang iba. Ang mga
ito ay nagbibigay sa atin ng patotoo na ang kamay ng sumulat ay nasa ikatlong
persona (third person) hindi si Moises.
Ano ang nangyari sa Kautusan? Sa aklat na Jeremias, ay sinabi ang
ganito : “ Paano mo masasabing, kami’y matatalino pagkat nasa amin ang
kautusan ng Panginoon, ngunit ang totoo, ito’y pinalitan ng mga sinungaling na
panulat ng mga escriba” ( Jeremias 8:8) Kung gayon, ang Kautusan ay pinalitan
ng mga sinungaling na escriba. Nasira ba ang pangako ng Panginoon “ na walang
makapagbabago ng kaniyang salita”? ( Qur’an 6:115) Sinabi rin sa Biblia na ang
salita ng Dios ay matatag sa langit, sa salin ng RSV “ firmly fixed in the heavens “
( Psalms 119:89). Sa paano mang paraan mananatili ang kanyang salita, ito’y
matatag at matibay na nasa kalangitan. Ito ang dahilan kaya walang mababago
sa kanyang salita. Hindi kailan man ipinangako ng Poong Maykapal na ang mga
titik ng kanyang salita na isinulat ng mga kamay ng tao ay hindi maglalaho.
Hindi niya ipinangako na ang mga balumbon ng Kasulatan na kaniyang
ipinasulat ay hindi masisira o maglalaho. Ang salita ng Dios na matatag sa
kalangitan at hindi masisira ay matatanggap lang ng tao sa pamamagitan ng
pananatili nito sa puso.
Kung ating bibigyan ng pansin sa Bagong Tipan, si Moises ay ipinakikilala
bilang “ tinuruan ng lahat ng kaalaman ng mga Ehipto”. ( Mga Gawa 7 :22). Kaya
nga, ang Batas o Kautusan ni Moises ay tinitiyak natin na ito’y naisulat sa
wikang Ehipto. Ngunit sa salungat na kaalaman ang sinasabing Kautusan ni
Moises ay nakasulat sa wikang Hebreo, at gayon din kung ang Kautusan ay nasa
sinaunang Hebreo, wala tayong natagpuang Kasulatan ng Lumang Tipan na mas
nauna pa sa 916 AD. Ang Hebreo ay isa nang patay na wika at wala nang Judio
ang nagsasalita nito sa panahon bago at pagkatapos na sila ay dinalang bihag sa
Babilonia. Sa panahon ni Jesucristo ay ginagamit nila ang salitang Aramaic45.
45
Ang Aramaic ay wikang ginagamit sa Syria sa panahon ni Jesus, ito‘y katulad ng Hebreo. Sa panahon ni Jesus ang
Aramaic ay matagal nang ginagamit na wika sa Palestina, ito ang wikang ginagamit ni Jesus ang kanyang mga alagad
at ang kauna-unahang evangelio ay ito ang wika na ginamit.
29
30. Kung si Moises nga talaga ang sumulat ng Pentateuch (Genesis hanggang
Duetronomio), binanggit ni Ralph Earle ang ganito “ It should be noted , however,
that the last chapter of Duetronomy was obviously not written by him. Here we f ind
an account of Moses death and burial, with the added statement: But no man
knoweth of his sepulcher unto this day (Duet. 43:6) … To say that Moses himself
wrote these words beforehand by divine inspiration as some claimed- is unrealistic.
The whole tenor of terminology used here clearly points to a later generation, when
monumental work of Moses was edited in its f inal f orm.”46 Sa pagkakasunod-
sunod ng Pentateuch, ito’y naglalaman ng dalawang detalye ng paglikha,
kasaysayan na nagsasalungatan sa bawat isa (Genesis 1:1; 2:4; 2:5+) Ang
Kasaysayan nito ay hindi magkakapareho, kawawa naman si Moises kung siya
ang sumulat nito. Hindi alam ng sumulat kung ano ang lahi ipinagbili si Jose ng
kanyang mga kapatid na nagdala sa kanya sa Ehipto. Makikita natin sa bahaging
ito na si Jose ay ipinagbili sa mga Ismaelita (Genesis 37:25) ngunit sa iba bahagi
ay sa Medianita (Genesis 37:28). Hindi sila magkapareho, si Moises kaya ang
sumulat nito? Nalilito! Nalilito! Nalilito siya!
Sa karagdagan, may tatlong magkakaiba at hindi magkakaparehong ulat
ukol sa Sampung Kautusan o Torah (Exodus 20 at Exodus 30). Sa kasaysayan ng
Sodom at Gomorah, dito ay ipinapakita na ang Dios ay hindi alam kung ano ang
nangyayari sa dalawang bayan na ito, kaya nga Siya ay nagpadala ng Sugo
upang ibigay sa kaniya kung ano ang nangyayari. Hindi ito nagpapakita na ang
Dios ay nalalaman ang lahat ng bagay (Omniscience). Salungat ito sa kaniyang
katangian.
Kung ang isang tao ay hindi laging nagbabasa ng Biblia, maaaring ito’y
walang halaga sa kanya. Ngunit sa isang tao na mapanuri at mahigpit na
nagsisisyasat ay maaaring magululuhan at mawalan ng pananampalataya,
ngunit ang iba ay magpapatuloy na lamang kahit hindi tiyak ang
sinasampalatayanan. Huwag nawa!.47
A n g P agb u o P en tateu ch
Ang kilalang pananaw na pinaninindigan ng mga dalubhasa kung papaano
nabuo ang Pentateuch (sa literal na salita ay “ limang balumbon o aklat) ay
ipinanukala sa apat na pamantayan. Ito’y ipinanukala ng Paaralang
Pangdalubhasa sa Biblia ng Graf-Welhansen. Ang pananaw na ito ng mga
dalubhasa ay makikilala natin sa simbolo ng J (Y), E, D, at P. Ang simbolong ito
ay kumakatawan sa magkakaibang grupo sa hanay ng pagsasalaysay sa Biblia
(Yahwist, Elohist, Duetronomic at Priestly), ang bawat isang grupo ay may
kanya-kanyang ideya sa pangyayari at inihalo sa Biblia at nagkaroon ng isang
balangkas sa Kasaysayan.
Ganito ang buod na pangyayari. Si Moises ay mayroon lamang hawak na
Kautusan na inihayag sa kaniya ng Panginoon doon sa bundok ng Sinai, at ito
ang pinagbabatayan ng mga Israelita sa anumang usapin ukol sa mga karapatan
at paglabag. Sa paglipas ng panahon ang Kautusan ay nawaglit sa bayan ng
Israel at muling natuklasan ito ng Saserdoteng si Hilsias sa Templo nang ito ay
kanilang kukumpunihin (2 Cronica 34:14+). Ang kasaysayan ng Israel ay
nalalaman lamang sa Credo o Pagapapahayag ng Pananampalataya na naitala sa
46
How We Got the Bible, Ralph Earle p. 15; All Scripture is Inspired of God and Beneficial p. 13
47
Rescruing the Bible from Fundamentalsim, Bishop John Shelby Spong, Harper San Francisco 1991, NY p. 23,24
30
31. Deutronomio 26:5-10 (ihambing sa Josue 24). Ang Pentateuch ay pinalawak
lamang sa Credong ito na ibinatay sa kapakinabangan ng iba’t-ibang grupo sa
Israel. Sa kauna-unahang pagkakataon ng pagkakaroon ng Hari sa Israel,
tinataya noong 950 BCE, ang tradisyonal na grupo o tinaguring J (Y) mula sa
Judah ay binalangkas ang Kautusan sa estelo ng kasaysayan at pinalawak bilang
epiko (epic). Sa ibang panukala sila ay ang grupo sa hanay na naniniwala na ang
Dios ay tinatawag sa YHWH ( kilala sa tawag na tetragrammaton o apat na titik ).Sa
mga sumunod na panahon noong 900 – 750BCE, ang tradisyonal na grupo mula
naman sa Hilagang Israel o Ephraim (E) ay nagpanukala din ng iba pang
version o salaysay sa Kautusan ni Moises. Sa iba pa ring panukala ang grupo na
ito ay naniniwala na Elohim ang pangalan ng Dios-kilala sa taguring Elohist.
Noong naman ika 7th BCE, ang aklat na Deutronomio (D) ay ipinalimbag ( 2 Hari
22-23), ang pinagbatayan ng salaysay na ito ay kinuha sa Lumang salaysay na
pinalawak. Tinatawag nila ang grupo na ito na Deutronomic. At sa kahulu-
hulihan sa panahon na ang Israel ay nagsipangalat sa ibang lupain, ang mga
Saserdote o tinaguriang Priesly (P) ay dinagdagan at pinalawak mula sa Sali’t-
saling tradisyon na naitago ng mga Saserdote sa Jerusalem.
Ang Pentateuch ay mahabang panahon ang naigugol bago ito naging ganap
na limang aklat sa kasalukuyan. Ang aklat na ito ay bunga ng pagsusumikap ng
iba’t-ibang grupo (J [Y], E, D, P) na maitala ang makasaysayan ulat ng Israel
para sa kanilang mga susunod na henerasyon at batay sa Kautusan ni Moises na
idinagdag. Ang Pentateuch ay ipinarangal nila sa pangalan ni Moises bilang isa
sa dakila nilang pinuno at sugo ng Dios. Kaya nga, magpahanggang ngayon ang
Limang aklat na ito ay tinaguriang Book of Moises or Torah of Moises, hindi dahil
si Moises ang sumulat nito. Ang Pentateuch ay naglalaman lamang ng mga
Kautusan ni Moises at hindi si Moises ang sumulat nito.
A n g S u m u la t n g E v a n g e lio a y H in d i K ila la
Ang isa sa mga batayan upang ang isang Kasulatan ay maituturing na
kinasihan ng Dios ay dapat kilala ang sumulat.48 Matitiyak ba natin na ang
pangalan ng sumulat ay totoo. Ang nakalulungkot na kalagayan ay salungat sa
batayan ng pagsusuri.49 Ang mga dalubhasa ay inamin na ang Evangelio at iba
pang mga aklat sa Luma at Bagong Tipan ay hindi kilala ang mga sumulat. Sa
Pasimula ni Richard Weymouth sa kanyang New Testament In Modern Sppech
ay ganito ang kaniyang sinabi: “ Each gospel is anonymous for authorship we are
dependent upon early tradition, put to the test of a reasonable probability.” At
gayon din sa Oxford Annotated Bible (RSV) sa bawat Panimula (Prologue) nito
(Evangelio) ay sinasabing ito ay pawang Anonymous ang sumulat.. Ang Tradition
na ito, ayon sa Jerusalem Bible ay sinabi (Introduction to the Gospel) sa pahina
5: “ Tradition dating from the second century assigns them respectively to Saint
Mathhe w, Mark and Luke.” Sa Aklat na isinulat ni Herman Hendrickx “ From
One Jesus to Four Gospel50 ”, CICM Maryhill School of Theology, Claretian
Publications, Quezon City ay nagbigay ng mga patotoo ukol sa tunay na datus na
ang apat na Evangelio ( Mateo, Marcos, Lucas at Juan ) ay pawang mga hindi
kilala ang sumulat. Narito ang ilan sa kaniyang sinabi :
48
Tignan ang General Biblical Introduction ni H. Miller
49
Ibid, H. Miller p. 89
50
From One Jesus to Four Gospel, Herman Hendrickc pp. 59,79,80,105,133,134
31
32. Evangelio ayon kay Marcos
“ Until fairly recently it was generally held that Mark of the Gospel according to Mark was the
companion of Peter who wrote down the teaching of and stories about Jesus as told by Peter. But,
this is practically untenable on the ground of the internal evidence of the style and theology of the
book itself… The fact is that we do not with any certainty who the author of the gospel according to
Mark was. Internally it is anonymous, that is, the Gospel itself never refers to Mark as its author.”
Evangelio Ayon kay Mateo
“ There is no statement is the gospel that identifies it as having been written by Matthew, or anyone
else. However, by the end of the second century the apostle Matthew had been identified as the
author. Ireneous Bishop of Lyons in Gaul (now France ) wrote: ‘ Matthew published a written
Gospel among the Hebrews in their own language.’ Today this report is usually regarded as
erroneous on two counts: (1) it is now held that the Gospel was not written by the apostle Matthew;
and (2) it is believed to have been written in Greek, employing sources composed in Greek, and not
in the language of the Hebrew ( either Hebrew or Aramaic). The author was apparently a Greek-
speaking Jewish Christian … perhaps a convert who may have had some rabbinical training.
Possibly, he was even a Christian scribe.” Si V. Rieu ay tinalakay din ang nasabing
aklat at sinabi niya: “ The author of Matthe w is identif ied by various writers f rom
Papians to Jerome, as Levi, the custom-off icer and disciple, and stated to have
written the saying in. Here we depart from tradition. As we already, Matthew
closely f ollows the Greek of Mark, incorporating large portion of the Gospel through
adding materials f rom the other sources. T wo conclusion f oloows. First, the work
was not a translator but written in Greek. Secondly, it was not written by Matthe w
the apostle. Its author had been an eyewitness, would surely not have contented
himself with copying, of ten verbatim, the record of one who was not. At the moment
we can aff irm nothing, but it is at least a tenable opinion that Mathhe w was written
by an unkno wn author about AD 85, f or the use of a Je wish-Christian community
in one of the cities in Levant.”51
Evangelio ayon kay Lucas
“ We apeak of the author as Luke, but this is something of a convention. Although the apostle Paul
had a comapanion named Luke ( Philemon 24; Col. 4:4), the traditional attribution of this writing
to Paul’s companion represents only guesswork. The tradition that Luke was a physician, who
revelaed his trade by stylistic touches in his narrative, has even less basis.”
Evangelio ayon kay Juan
“ Ancient tradition had Jesus’ disciples John, the son of Zebedee, as author. The first explicit statement of
this authorship was made by Irenaus, bishop of Lyons, in about 190. Ireneous’ report seems plausible, but
there are problems. First, there is what is sometimes called the argument from silence.’ Second, in the
second century, some church leaders in Asia Minor rejected the apostolic authority of this gospel. The John
Zabedee, authorship has been questioned in modern times too. One attempt to identify this gospel with
apostolic authorship is to say that the authority of the gospel goes back to Apostle John, but the book itself
was written and dedacted by other persons. In this hypothesis, we have (1) the apostle John as his
eyewitness preaching as the original and basic ‘apostolic authority.’ (2) a disciple-evangelist who rendered
the apotle’s message in writing to deal with a developing theologyical situation in the developing Christian
church ; and (3) a disciple-redactor who edited the work and added other material to the original document.
This sort of answer is very speculative and probably the best to give to the question of authorship is to say
51
The Four Gospel by V. Rieu p. xxii
32