3. ANG EPIKO
Ang epiko ay isang tulang pasalaysay na ang paksa
ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng mga pangunahing tauhan. May
mga pangyayari sa tulang ito na hindi kapani-
paniwala ngunit nagbibigay ng aral.
5. ANG MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan ng
may layuning magsalaysay ng isang maselan at
nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Ito’y nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Pangunahing
layunin nito ang lumibang.
6. MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
1. PANIMULA
Ang panimula ay isang pondo na siyang guguhitan ng
mga pangyayari kaya’t s panimula ay hindi na kailangang
isama sa lahat ng bagay na maaaring maisip ng sumulat
tungkol sa mga tauhan at sa kuwento. Dapat na maging
kapansin-pansin ang panimula upang mabihag ang
pagkawili ng bumabasa.
7. MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
2. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Ang saglit na kasiglahan ay ang bahaging
naglalarawan ng simulang patungo sa paglalahad ng
unang suliraning inihahanap ng lunas. Sa bahaging ito
ay dapat maakit ang bumabasa at maramdaman
niyang namiminto na ang isang pangyayaring gigising
sa kanya ng isang tiyak na damdamin.
8. MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
3. MGA SULIRANING INIHAHANAP NG LUNAS
Karaniwang tatlo ang mga suliraning inihahanap ng lunas.
Kung minsan ay humihigit sa tatlo. Sa sandaling sumapit
ang mambabasa sa saglit na kasiglahan, siya ay
mapapagitna sa mga pangyayaring gigisig sa kanyang
damdamin. Ang mga pangyayaring ito ay bumubuo sa mga
suliraning inihahanap ng lunas na lumikha ng isang
pagkawiling pasidhi nang pasidhi.
9. 4. KASUKDULAN
Ang kasukdulan ang bahagi ng kuwento na nagsasaad
ng pinakamasidhing kawilihan o pananabik. Ito’y
dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak o malinaw at
maayos. Hindi nararapat magkaroon ng anumang
paliwanag sa bahaging ito sapagkat maaaring
mawalan ng bisa ang kasukdulan.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
10. MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
5. KAKALASAN
Ang kakalasan ang panghuling bahagi ng kuwento ng
kagyat na sumusunod sa kasukdulan. Ang kakalasan
ay di dapat pahabain at punuin ng mga paliwanag na
nagiging dahilan ng pagkasira ng bisa at kasukdulan
ng kuwento. Bayaang mag-isip ang mga mambabasa
at siyang tumapos ng kuwento.
12. 1.Salaysay- ang uring ito’y walang katangiaang
nangingibabaw, timbang na timbang ang mga
bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t
masaklaw, maluwag ang pagsasalaysay at hindi
apurahan.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
13. MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
2. Kuwento ng Kababalaghan- binibigyang
kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik sa
mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong
bait at kaisipan.
14. 3. Kuwento ng katutubong kulay- ang
binibigyang-diin sa uring ito’y kapaligiran ng
isang pook. Inilalarawan ang mga tao sa isang
pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga
kaugalian at nga paniniwala.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
15. 4. Kuwento ng Katatawanan- may kabagalan at
ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga
pangyayari sa kuwentong ito.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
16. 5. Kuwento ng tauhan- ang tauhan o mga
tauhan sa kuwento ang binibigyang diin.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
17. 6. Kuwento ng katatakutan- ang damdamin, sa
halip na ang kilos ang binibigyang diin sa uring
ito.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
18. 7. Kuwento ng pakikipagsapalaran- ang
kawilihan sa ganitong uri ng kuwento ay nasa
balangkas sa halip na sa tauhan ng kuwento.
Ang kawilihan ay nababatay sa pagsubaybay sa
mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan sa kuwento.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
19. 8. Kuwento ng madulang pangyayari- kapansin-
pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng
kuwento. Ang pangyayari’y lubhang mahalaga at
nagbubunga ng isang bigla at kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa
kuwento.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
20. 9. Kuwento ng talino- ang may-akda ay lumikha
ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-
alinlangan ang mambabasa hanggang sa
sumapit ang takdang oras ng paglalahad.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
21. 10. Kuwento ng Sikolohiko- inilalarawan ang
mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang
suliranin ng may-akda ay maipadama sa
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
23. MGA ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN
Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na
ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan
at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o
mga bagay. Ang kuwentong bayan naman ay mga
kuwentong walang may-akda at nagpapalipat-
lipat lamang sa bibig ng mga tao.
27. Tatlong Bahagi ng Dula
1. Yugto- ang bahaging ito ang ipinaghahati sa
dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapahinga ang mga
nagsiganap gayundin ang mga manonood.
28. 2. Tanghal- ang bahaging ito ang ipinaghahati sa
yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng
tanghalan.
Tatlong Bahagi ng Dula
29. 3. Tagpo- ito ang paglalabas-masok sa tanghalan
ng mga tauhang gumaganap sa dula.
Tatlong Bahagi ng Dula
31. Mga Uri ng Dula
1. Trahedya- sa dulang ito’y may mahigpit na
tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at
ginagamitan ng masidhing damdamin. Ito’y
nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga
pangunahing tauhan.
32. Mga Uri ng Dula
2. Komedya- ang uring ito’y nagtatapos na
masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga
manonood.
33. Mga Uri ng Dula
3. Melodrama- ang dula ay nagwawakas na
kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang
uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung
minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa
uring ito.
34. Mga Uri ng Dula
4. Parsa- ang layunin ng dulang ito’y magpatawa
sa pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at
mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
35. Mga Uri ng Dula
5. Saynete- ang pinakapakasa ng uring ito ay
may karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang
dulang ito ay may layuning magpatawa.
37. Walang tunay na dula bago dumating ang mga
Kastila ngunit may mga palabas na ginaganap noong
panahong yaon. Ang mga pagtatanghal noon ay
ipinalalabas na may kasamang tugtog, sayaw at tula.
Ang anumang pagdiriwang ay hindi ganap na makulay
kung wala ang tatlong nabanggit na sining upang
mapasigla ang pagdiriwang.
38. Ang mga pagtatanghal sa panahong iyon ay kulang sa mga
katangian ng isang tunay na dula. Walang entablado o tanghalan.
Ginaganap ang palabas sa mga liwasang bayan o sa mga tauhan ng
mga raha at lakan o kahit sa mga tauhan ng mga karaniwang
mamamayan. Hindi nagsusuot ng angkop na damit ang mga
tauhan. Ang karaniwang paksa ay digmaan, pag-iibigan, mga
alamat tungkol sa mga bathala at mga espiritung kanilang
sinasamba, pangangaso, papuri sa mga nabubuhay at pag-alaala
sa mga yumao.
40. Ang Mga Unang Panoorin
1. Doctrina Cristiana (1593) – ito ang kauna-unahang
aklat panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas. Ang mga
sumulat ay sina Padre Juan de Plasencia at Padre
Domingo de Nieva. Ito’y nasulat sa Tagalog at Kastila. Ang
mga paksa ay Pater Noster, Ave Maria, Credo, Regina
Coeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Santa Iglesia,
Pitong Kasalanang Mortal, Labing-apat na
Pagkakawanggawa, Pangungumpisal at Katesismo.
41. Ang Mga Unang Panoorin
2. Nuestra Señora del Rosario (1602)- ang aklat na
tio ang ikalawang nalimbag sa Pilipinas. Sinulat ito
ni Padre Blancas de San Jose at tinulungan sa
pagkakalimbag ng aklat ni Juan de Vera, isang
mistisong Intsik. Ang aklat ay nalimbag sa Limbagan
ng Pamantasan ng Santo Tomas.
42. Ang Mga Unang Panoorin
3. Barlaan at Josaphat (1708) – ito ay isang
salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja mula sa Griyego.
43. Ang Mga Unang Panoorin
4. Pasyon- ang awit na ito ay tungkol sa buhay ng ating
Panginoong Hesukristo. Ang pagpaparangal na ito ay
ginaganap kung Mahal na Araw. Apat ang nagsisulat ng
pasyon: Padre Gaspar Aquino de Belen (1704), Don Luis Guian
(1750), Padre Mariano Pilapil (1814) at Padre Aniceto dela
Merced (1856). Ang lalong naging malaganap ay ang pasyong
Pilapil na may walong pantig sa bawat taludtod at limang
taludtod sa bawat saknong.
44. Ang Mga Unang Panoorin
5. Urbana at Feliza - Isinulat sa Tagalog ni Modesto de Castro, ang Urbana at Felisa (1864) ay halimbawa
ng aklat ng mabuting asal na lumitaw sa Ewropa noong Renasimyento. Ginamit ni de Castro ang
epistolaryong estilo, at sa pamamagitan ng tatlumpu’t apat na liham, ang mga kaanak sa Paombong,
Bulakan ay nagpalitan ng payo kung paano magtaglay ng matwid na pamumuhay at mabuting asal na
inaasahan sa gitnang uri at Kristiyanong pamilya. Sa liham ni Urbana sa kaniyang mga kapatid na sina
Felisa at Honesto, isinaad niya ang pangangailangang sumunod sa halagahan at aral ng Kristiyanismo,
habang isinasaloob ang tumpak na asal sa pakikipagkapuwa. Ang serye ng paglilihaman, kabilang na ang
liham mula sa isang pari, ay tumutuon sa sari-saring antas ng buhay mulang pagsilang hanggang
kamatayan, at nagpapayo ukol sa responsabilidad ng pag-aasawa. Ang Urbana at Felisa ay dapat sipatin
hindi lamang bilang gabay sa mabuting pamumuhay bagkus bilang diskurso na lumilitis sa kalabisang
moral ng naturang panahon at pinagtitibay ang batayang doktrina ng Kristiyanismo.
45. Ang Mga Unang Panoorin
6. Tandang Basio Macunat- Ito ay kuwento ng isang pamilya na isinasalaysay naman
ni Gervasio Macunat (Tandang Bacio) na isang magsasakang piniling manatili sa
kanyang kinalakihan. Sa akda ay mula pa sa manuskrito ng kanyang ama ang
kanyang isinasalaysay na kuwento ng buhay ng pamilya nina Prospero na isang
Indiong nakipagsapalaran sa Maynila subalit napariwara. Ang kanyang ama na si
Don Andres Baticot o Cabesang Dales ang talagang may kagustuhan na siya ay
magkaroon ng edukasyon sa lungsod sapagkat siya’y naniniwalang hindi sapat ang
kinikita nila sa kanilang palayan para sa hinarap. Ang pasyang ito ay malabis na
tinutulan ng kura-paroko sa kanilang bayan subalit kanila itong sinuway. Sa huli, ang
buong pamilya ay isa-isang namatay dala ng labis na depresyon at paghihirap mula
ng mabaon sila sa utang nang dahil kay Prospero na napariwara.
46. Ang Mga Unang Panoorin
7. Mga Dalit kay Maria- ito’y akdang awitin na
inaawit tuwing Flores de Mayo bilang
pagpupugay kay Maria.