SlideShare a Scribd company logo
1 of 15
Acts 3:19

 Kaya nga mangagsisi kayo, at
 mangagbalik-loob, upang
 mangapawi ang inyong mga
 kasalanan, upang kung magkagayon
 ay magsidating ang mga panahon ng
 kaginhawahang mula sa harapan ng
 Panginoon;
Acts 2:38

 At sinabi sa kanila ni
 Pedro, Mangagsisi kayo, at
 mangagbautismo ang bawa't isa sa
 inyo sa pangalan ni Jesucristo sa
 ikapagpapatawad ng inyong mga
 kasalanan; at tatanggapin ninyo ang
 kaloob ng Espiritu Santo.
Isaiah 59:1-2
 1 Narito, ang kamay ng Panginoon
 ay hindi umiksi, na di makapagligtas;
 ni hindi man mahina ang kaniyang
 pakinig, na di makarinig.
2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong
mga kasamaan kayo at ang inyong
Dios, at ang inyong mga kasalanan
ay siyang nagpakubli ng kaniyang
mukha sa inyo, upang siya'y huwag
makinig.
Leviticus 26:14-17
 14 Nguni't kung hindi ninyo
 pakikinggan ako, at hindi ninyo
 tutuparin ang lahat ng mga utos na ito;
 15 At kung inyong tatanggihan ang
 aking mga palatuntunan, at
 kasusuklaman nga ninyo ang aking mga
 hatol, na anopa't hindi ninyo tutuparin
 ang lahat ng aking mga utos, kundi
 inyong sisirain ang aking tipan;
16 Ay gagawin ko naman ito sa
inyo; ilalagay ko sa gitna ninyo ang
sindak, at pagkatuyo, at ang lagnat
na uubos sa mga mata, at
magpapalupaypay sa kaluluwa: at
maghahasik kayo ng inyong binhi na
walang kabuluhan, sapagka't
kakanin ng inyong mga kaaway.
17 At itititig ko ang aking mukha
laban sa inyo, at kayo'y masasaktan
sa harap ng inyong mga kaaway:
kayo'y pagpupunuan ng mga
napopoot sa inyo; at kayo'y tatakas
nang walang humahabol sa inyo.
I SAMUEL 7:1-14
 1 At ang mga lalake sa Chiriath-jearim
 ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban
 ng Panginoon, at dinala sa bahay ni
 Abinadab sa burol, at pinapagbanal si
 Eleazar na kaniyang anak, upang
 ingatan ang kaban ng Panginoon.
 2 At nangyari, mula nang araw na
 itahan ang kaban sa Chiriath-jearim, na
 ang panahon ay nagtatagal; sapagka't
 naging dalawang pung taon; at ang
 buong sangbahayan ng Israel ay
 tumaghoy sa Panginoon.
3 At nagsalita si Samuel sa buong
sangbahayan ng Israel, na nagsasabi,
Kung kayo'y babalik sa Panginoon ng
buo ninyong puso ay inyo ngang alisin
sa inyo ang mga dios na iba, at ang mga
Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong
mga puso sa Panginoon, at sa kaniya
lamang kayo maglingkod; at ililigtas
niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.
4 Nang magkagayo'y inalis ng mga
anak ni Israel ang mga Baal at ang mga
Astaroth, at sa Panginoon lamang
naglingkod.
5 At sinabi ni Samuel, Pisanin ninyo
ang buong Israel sa Mizpa at
idadalangin ko kayo sa Panginoon.
6 At sila'y nagtitipon sa Mizpa, at
nagsiigib ng tubig, at ibinuhos sa
harap ng Panginoon, at
nagsipagayuno nang araw na yaon,
at nangagsabi, Kami ay nangagkasala
laban sa Panginoon. At naghukom si
Samuel sa mga anak ni Israel sa
Mizpa.
7 At nang mabalitaan ng mga
Filisteo na ang mga anak ni Israel ay
nagtitipon sa Mizpa, nagsiahon laban
sa Israel ang mga pangulo ng mga
Filisteo. At nang mabalitaan ng mga
anak ni Israel, ay nangatakot sa mga
Filisteo.
8 At sinabi ng mga anak ni Israel
kay Samuel, Huwag kang tumigil ng
kadadalangin sa Panginoon nating
Dios, ng dahil sa atin, upang iligtas
niya tayo sa kamay ng mga Filisteo.
9 At kumuha si Samuel ng isang
korderong pasusuhin, at inihandog na
pinaka buong handog na susunugin sa
Panginoon: at dumaing si Samuel sa
Panginoon dahil sa Israel; at ang
Panginoon ay sumagot sa kaniya.
10 At samantalang si Samuel ay
naghahandog ng handog na susunugin,
ay lumapit ang mga Filisteo upang
makipagbaka laban sa Israel; nguni't
ang Panginoon ay nagpakulog ng isang
malakas na kulog nang araw na yaon sa
mga Filisteo, at nilito sila; at sila'y
nangabuwal sa harap ng Israel.
11 At ang mga lalake sa Israel ay
nagsilabas sa Mizpa, at hinabol ang
mga Filisteo, at sinaktan sila,
hanggang sa nagsidating sila sa Beth-
car.
12 Nang magkagayo'y kumuha si
Samuel ng isang bato, at inilagay sa
pagitan ng Mizpa at ng Sen, at
tinawag ang pangalan niyaon na
Ebenezer, na sinasabi, Hanggang
dito'y tinulungan tayo ng
Panginoon.
13 Sa gayo'y nagsisuko ang mga
Filisteo, at hindi na sila pumasok pa sa
hangganan ng Israel: at ang kamay ng
Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng
mga araw ni Samuel.
14 At ang mga bayan na sinakop ng
mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa
Israel, mula sa Ecron hanggang sa Gath;
at ang mga hangganan niyaon ay
pinapaging laya ng Israel sa kamay ng
mga Filisteo. At nagkaroon ng
kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng
mga Amorrheo.

More Related Content

Similar to Repentance (tagalog) (15)

Silent Killer
Silent KillerSilent Killer
Silent Killer
 
Are you faithful
Are you faithfulAre you faithful
Are you faithful
 
Tawirin Ang Iyong Jordan
Tawirin Ang Iyong JordanTawirin Ang Iyong Jordan
Tawirin Ang Iyong Jordan
 
PRIDE (Tagalog)
PRIDE (Tagalog)PRIDE (Tagalog)
PRIDE (Tagalog)
 
Lest Ye Fall
Lest Ye FallLest Ye Fall
Lest Ye Fall
 
Root of bitterness
Root of bitternessRoot of bitterness
Root of bitterness
 
PAHAYAG2020.pdf
PAHAYAG2020.pdfPAHAYAG2020.pdf
PAHAYAG2020.pdf
 
Promise Keepers
Promise KeepersPromise Keepers
Promise Keepers
 
Tagalog - Testament of Simeon.pdf
Tagalog - Testament of Simeon.pdfTagalog - Testament of Simeon.pdf
Tagalog - Testament of Simeon.pdf
 
Lumaya Ka Na Ba?
Lumaya Ka Na Ba?Lumaya Ka Na Ba?
Lumaya Ka Na Ba?
 
Mans Excuses
Mans ExcusesMans Excuses
Mans Excuses
 
The praying mother
The praying motherThe praying mother
The praying mother
 
On Call
On CallOn Call
On Call
 
2005 Year Of Repentance
2005 Year Of Repentance2005 Year Of Repentance
2005 Year Of Repentance
 
God Is After You
God Is After YouGod Is After You
God Is After You
 

More from ACTS238 Believer (20)

Sackloth
SacklothSackloth
Sackloth
 
The power of influence
The power of influenceThe power of influence
The power of influence
 
My way
My wayMy way
My way
 
Comfort
ComfortComfort
Comfort
 
More than enough
More than enoughMore than enough
More than enough
 
Converted
ConvertedConverted
Converted
 
Crucify Him
Crucify HimCrucify Him
Crucify Him
 
The LORD is good
The LORD is goodThe LORD is good
The LORD is good
 
Broken walls
Broken wallsBroken walls
Broken walls
 
The choice is yours
The choice is yoursThe choice is yours
The choice is yours
 
The day of salvation
The day of salvationThe day of salvation
The day of salvation
 
Faint not
Faint notFaint not
Faint not
 
The Power of spoken words
The Power of spoken wordsThe Power of spoken words
The Power of spoken words
 
Prisoners
PrisonersPrisoners
Prisoners
 
Wipe away the tears
Wipe away the tearsWipe away the tears
Wipe away the tears
 
The greatest of these is love
The greatest of these is loveThe greatest of these is love
The greatest of these is love
 
Strength
StrengthStrength
Strength
 
Forgetting those things which are behind
Forgetting those things which are behindForgetting those things which are behind
Forgetting those things which are behind
 
The fear of the LORD
The fear of the LORDThe fear of the LORD
The fear of the LORD
 
Mud in your face
Mud in your faceMud in your face
Mud in your face
 

Repentance (tagalog)

  • 1.
  • 2. Acts 3:19 Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
  • 3. Acts 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
  • 4. Isaiah 59:1-2 1 Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.
  • 5. 2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
  • 6. Leviticus 26:14-17 14 Nguni't kung hindi ninyo pakikinggan ako, at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng mga utos na ito; 15 At kung inyong tatanggihan ang aking mga palatuntunan, at kasusuklaman nga ninyo ang aking mga hatol, na anopa't hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan;
  • 7. 16 Ay gagawin ko naman ito sa inyo; ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, at pagkatuyo, at ang lagnat na uubos sa mga mata, at magpapalupaypay sa kaluluwa: at maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagka't kakanin ng inyong mga kaaway.
  • 8. 17 At itititig ko ang aking mukha laban sa inyo, at kayo'y masasaktan sa harap ng inyong mga kaaway: kayo'y pagpupunuan ng mga napopoot sa inyo; at kayo'y tatakas nang walang humahabol sa inyo.
  • 9. I SAMUEL 7:1-14 1 At ang mga lalake sa Chiriath-jearim ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni Abinadab sa burol, at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak, upang ingatan ang kaban ng Panginoon. 2 At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim, na ang panahon ay nagtatagal; sapagka't naging dalawang pung taon; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon.
  • 10. 3 At nagsalita si Samuel sa buong sangbahayan ng Israel, na nagsasabi, Kung kayo'y babalik sa Panginoon ng buo ninyong puso ay inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba, at ang mga Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa kaniya lamang kayo maglingkod; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo. 4 Nang magkagayo'y inalis ng mga anak ni Israel ang mga Baal at ang mga Astaroth, at sa Panginoon lamang naglingkod.
  • 11. 5 At sinabi ni Samuel, Pisanin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at idadalangin ko kayo sa Panginoon. 6 At sila'y nagtitipon sa Mizpa, at nagsiigib ng tubig, at ibinuhos sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon, at nangagsabi, Kami ay nangagkasala laban sa Panginoon. At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa.
  • 12. 7 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na ang mga anak ni Israel ay nagtitipon sa Mizpa, nagsiahon laban sa Israel ang mga pangulo ng mga Filisteo. At nang mabalitaan ng mga anak ni Israel, ay nangatakot sa mga Filisteo. 8 At sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel, Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios, ng dahil sa atin, upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo.
  • 13. 9 At kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin, at inihandog na pinaka buong handog na susunugin sa Panginoon: at dumaing si Samuel sa Panginoon dahil sa Israel; at ang Panginoon ay sumagot sa kaniya. 10 At samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na susunugin, ay lumapit ang mga Filisteo upang makipagbaka laban sa Israel; nguni't ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na yaon sa mga Filisteo, at nilito sila; at sila'y nangabuwal sa harap ng Israel.
  • 14. 11 At ang mga lalake sa Israel ay nagsilabas sa Mizpa, at hinabol ang mga Filisteo, at sinaktan sila, hanggang sa nagsidating sila sa Beth- car. 12 Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer, na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.
  • 15. 13 Sa gayo'y nagsisuko ang mga Filisteo, at hindi na sila pumasok pa sa hangganan ng Israel: at ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng mga araw ni Samuel. 14 At ang mga bayan na sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa Israel, mula sa Ecron hanggang sa Gath; at ang mga hangganan niyaon ay pinapaging laya ng Israel sa kamay ng mga Filisteo. At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga Amorrheo.