2. KAHULUGAN NG PANDIWA
Salitang nagpapakilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon
ng mga salita(pansematika).
Nakikilala sa pamamagitan ng
mga impleksiyon nito sa iba’t-
ibang aspekto ayon sa uri ng kilos
na isinasaad nito (instruktural)
3. POKUS NG PANDIWA
Tawag sa relasyong pansematika
ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap.
Naipapakita ito sa pamamagitan
ng taglay na panlapi ng pandiwa.
4. PITONG POKUS NG PANDIWA
1. Pokus Tagaganap
ang paksa ng pangungusap
ang tagaganap ng kilos na
isinasaad sa pandiwa.
Mag- at um-/-um-.
Halimbawa:
Kumain ng suman at manggang
hinog ang bata.
5. 2. Pokus sa Layon
Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung
ang layon ang paksa/binibigyang-diin sa
pangngusap
i-, -an, ipa-, at in
Halimbawa:Kinain ng ata ang suman at
maggang hinog.
3. Pokus sa Tagatanggap
Ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang
simuno sa pangungusap.
Halimbawa: Ibinili ko ng ilaw na kapis ang
pinsan kong nagbalikbayan.
6. 4. Pokus saGanapan
Kung ang paksa ay lugar o ganapang
kilos.
Halimbawa: Pinagtamnan ng gulay ng aming
katulong ang bakuran.
5. Pokus sa kagamitan
Nagsasaad na ang kasangkapan o bagay
na ginagamit upang maisagawa ang kilos
ng pandiwa ay siyang simuno ng
pangungusap.
Halimbawa: Ipinampunas ko ng mga
kasangkapan ang basahang malinis.
7. 6. Pokus sa sanhi
Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan
o sanhi ng kilos.
i-, ika-, ikapang-,
Halimbawa: Ipinagkasakit niya ang labis na
paghitit ng opyo.
7. Pokus sa direksyunal
Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon
ng kilos ng pandiwa.
-an, -han
Halimbawa: Pinagpasyalan ko ng aking mga
panauhing kabilang sa Peace Coorps ang
Tagaytay.
8. ASPEKTO NG PANDIWA
Katangian ng pandiwa na
nagsasaad kung naganap na o
hindi pa nagaganap ang kilos, at
kung nasimulan na at kung
natapos nang ganapin o
ipinagpapatuloy pa ang
pagganap.
9. TATLONG ASPEKTO NG PANDIWA
1. Aspektong Pangnakaraan/
Perpektibo
TUNTUNIN
a. Kapag ang panlapi ng pandiwa ay
may inisyal na ponemang /m/,
ang /m/ ay nagiging /n/
11. b. Kapag ang pandiwa ay banghay sa –
um/-um-, ang panlaping ito ay
nananatili sa pangnakaraan.
Samakatwid, ang anyong pawatas at
ang anyong pangnakaraan ay walang
pagkakaiba.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo
Umunlad umunlad
Yumuko yumuko
12. c. Kapag ang pandiwa ay banghay
sa hulaping –an/-han, maging ito
man ay nag-iisa o my kasamang
ibang panlapi, ang –an/-han ay
nananatili ngunit nadaragdagan ng
unlaping –in kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa patinig at gitlaping –
in- naman kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa katinig
14. d. Kapag ang pandiwa ay banghay
sa hulaping –in/-hin, maging ito
man ay nag-iisa o may kasamang
iba pang uri na panlapi, ang
hulaping –in/-hin ay nagiging
unlaping in- kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa patinig at nagiging
gitlaping –in- kung ang pandiwa ay
nagsisimua sa katinig.
15. ASPEKTONG PERPEKTIBONG KATATAPOS
Nagsasaad ito ng kilos na kayayari
o katatapos lamang bago nagsimula
ang pananalita.
Nabubuo sa pamamagitan ng
paggamit ng unlaping ka- at pag-
uulit ng unang katinig-patinig o
patinig ng salitang-ugat
19. PANDIWANG DI-KARANIWAN
Mga pandiwang nagkakaroon ng mga
pagbababagong morpoponemikong
pagkakaltas ng ponema o mga
ponema, pagpapalit ng ponema o
metatesis.
22. PANDIWANG KATAWANIN AT PALIPAT
Hindi maaaring lagyan ng
kaganapang tuwirang layon.
Halimbawa:
1. Kumulo ang tubig.
2. Nagpagawa siya ng bag na
abakada sa Bikol.
3. Nagpagawa siya sa Bikol.