SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 23
Republika ng Pilipinas 
ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC 
V.V. Soliven Avenue II, Cainta, Rizal 
WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON 
Ang Pananaliksik ay ipriniprisinta kay 
Mrs. Anita Boral 
Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan 
Ng Asignaturang 
Filipino2 
(Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik) 
Ipriniprisinta nila: 
Joemar Baldon 
Crispin Joses A. Carolino 
Julie Ann C. Clitar 
Nick P. Felix 
Rochelle F. Gomez 
Lovely-Ann M. Infermo 
Armia P. Leonardo 
Benjie G. Ramos 
Melecio M. Vista Jr. 
E-3 
Petsa 
November 2014
PASASALAMAT 
Ang mga mananaliksik ng paksang “Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon” ay taos 
pusong ipininaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon 
at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito. 
Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod: 
 Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportanhan 
sa aming mga pangangailangan. 
 Kay Gng. Anita Boral, ang aming matyagang guro na sumusuporta at 
nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusang namin maintindihan ang aming 
asignatura. 
 Sa aming mga respondentes na nagbigay sa amin ng impormasyon na aming 
kinakailangan sa pananaliksik na ito. 
 sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol 
sa aming pananaliksik. 
 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa 
mga pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.
PAGHAHANDOG 
Lubos ang pagpapasalamat ng aming grupo sa mga sumuporta at naging bahagi ng 
pananaliksik na ito. Kaya ito ay aming inihahandog sa mga taong naging aming 
inspirasyon sa paggawa nito. 
Sa aming mga magulang 
Guro 
mga kaibigan 
mga kamag-aaral 
kaeskwela 
sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito 
at higit sa lahat sa 
Poong Maykapal.
TALAAN NG NILALAMAN 
Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i 
Paghahandog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii 
Kabanata 1 
Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 
Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 
Kahalagahan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 
Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 
Kabanata 2 
Lokal na Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 
Dayuhang Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6 
Kabanata 3 
Disenyo ng Pananaliksik 
Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 
Mga Pokus ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 
Mga Instrumentong Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 
Tritment ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 
Kabanata 4 
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . 11
Kabanata 5 
Lagom . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13 
Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14 
Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14 
Larawan ng Grupo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15 
Kurikulum Bitey . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16
KABANATA 1 
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL 
PANIMULA 
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng 
mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang 
bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang 
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang 
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o 
nagkakaintindihan. 
Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at 
nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang 
pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo 
ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang 
salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng 
mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang 
mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas 
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang 
paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na 
karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla. 
Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng 
bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at 
ekonomiya.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN 
Ang pa-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral 
sa kursong B.S. Education major in Filipino sa patuloy na pag-unlad ng wika sa 
paglipas ng panahon. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan: 
1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino? 
2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang 
Filipino? 
3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika? 
4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan? 
5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika? 
6.Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan? 
7.Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? 
8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika? 
9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? 
10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay? 
11.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan? 
12.Sang ayun ka bang tanggalin ang wilang filipino sa kurikulom ng kolehiyo? 
13.Ang pagpapalit ng mga salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon? 
14.Ang paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga 
salita? 
15.Sang ayon kaba sa paggamit ng mix-mix na lenguwahe sa paaralan?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK 
Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat 
ito ang ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan 
ng bawat mamamayan. Ito ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya 
ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. 
Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod: 
1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang 
kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita 
na kanilang kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang 
pag-aaral. 
2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman 
ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 
3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang 
balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa sinaunang panahon 
at kung paano ito nagbago. 
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL 
Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika noong 
sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng 
paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang, 
ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito. Inawa ito 
upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng B.S Education Major in Filipino ng 
mga mag-aaral sa unang baiting ng Institute of Creative Computer Technology, taong
panuruan 2014-2015. Ang pagtitipon namin ng mga impormasyon at iba pang mga 
kinakailangan na impormasyon ay ginawa sa Institute of Creative Computer 
Technology. 
DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO 
Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod 
na salita ay binigyang kahulugan: 
 Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga 
simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng 
kaisipan. 
 Arkayk – Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit 
ng Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog 
gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong 
ginagamit sa kasalukuyang panahon. 
 Ekonomiya – binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang 
area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at 
ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, 
at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito. 
 Balbal – o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa 
isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang 
kanto o salitang kalye.
KABANATA 2 
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 
LOKAL NA LITERATURA 
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng 
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin. 
Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga 
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti -unting paglilinang 
sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang 
panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na 
pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng 
pangkat o komunidad. 
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: 
Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon 
noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo 
ng Wikang Pambansa. 
Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay 
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang 
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi 
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan 
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang 
bansa.
DAYUHANG LITERATURA 
Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device 
(LAD. Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their 
brains------basic rules which are similar across all languages. 
Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang 
Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na 
naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok 
at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa 
wika. 
Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika 
raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. 
Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at 
isanasaayos sa ma klase at pattern nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na 
istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado 
ng lipunan. 
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang 
kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. 
Maari raw mawala ang matatandang hehnerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, 
naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang 
kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga 
sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa 
nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman
kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabikung gayon na 
sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, 
at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang 
kasaysayan ng ating wikang Filipino?
KABANATA 3 
METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK 
Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral, 
mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos 
DISENYO NG PANANALIKSIK 
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik 
napamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang Pag-unlad ng Wikang Filipino 
sa makabagong panahon., sa unang antas ng kursong B.S. Education major in Filipino sa taong 
panuruan 2014-2015 sa ICCT College ng pilipinas, lungsod ng Cainta, Rizal. 
PARAAAN NG PANANALIKSIK 
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik 
ay maghahanda ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang 
malaman ang mga salik sa pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon. 
Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyong ang mga mananaliksik sa iba·tibang 
hanguan, sa aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din 
ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
MGA POKUS NG PAG-AARAL 
Ang mga pipiliing mga respondentee sa pag-aaral na ito ay ang mga nasa unang antas ng 
kursong B.S. Education major in Filipino sa taong panuruan 2014-2015 sa ICCT College 
ng pilipinas, lungsod ng Cainta, Rizal. 
Sa kasalukuyan ay may limampung respondentee kaming kinuha na kung saan ang mga 
mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Sila ay magpapamahagi ng animnapung na sarbey 
kwenstyuner at ang unang limampung respondente na unang makakatapos ang siyang 
automatikong magiging respondente. 
MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK 
Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang maipakita ang mga datos na 
kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral sa 
unang baitang ng B.S. Education Major in Filipino. 
TRITMENT NG MGA DATOS 
ang pagtally at pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin ng mgamananaliksik 
upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.
ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC 
V.V. Soliven Avenue II, Cainta, Rizal 
Survey for Thesis 
Filipino-02 
Name:____________________________ Course:___________ Date:___________ 
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napiling sagot. 
1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino? 
Oo Hindi 
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang 
Filipino? 
Oo Hindi 
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino? 
Oo Hindi 
4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan? 
Oo Hindi 
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika? 
Oo Hindi 
6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan? 
Oo Hindi 
7. Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? 
Oo Hindi 
8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno? 
Oo Hindi 
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? 
Oo Hindi 
10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay? 
Oo Hindi 
11. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan? 
Oo Hindi 
12. Sang ayon ka bang tanggalin ang wikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo? 
Oo Hindi 
13. Ang pagpapapalit ng mga salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon? 
Oo Hindi 
14. Ang paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga 
salita? 
Oo Hindi 
15. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng Mix-mix na lengguwahe sa paaralan? 
Oo Hindi
KABANATA 4 
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS 
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral 
sa unang baitang ng B.S. Education Major in Filipino tungkol sa pagbabago at 
pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon at ang kahalagahan nito sa pa-unlad 
ng ekonomiya. 
1. Ano ang mga factor na nakakaapekto sa pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino? 
Table 1 
Mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wika Filipino 
Mga Factor Respondente Percentage % 
Teknolohiya 35 70 
Paglipas ng 
panahon 
10 20 
Pagsakop ng 
ibang bansa 
5 10 
Ipinapakita ng table 1 na Teknolohiya ang pangunahing factor na nakaapekto sa 
pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino para sa respondente sa unang antas ng 
kursong B.S. Education major in Filipino na may 35 respondente o 70% nang kabuuan ng 
respondente. Sinundan ito ng Paglipas ng panahon na may 10 respondente o 20% nang kabuuan 
ng respondente. At ang pangatlo ay pagsakop ng ibang bansa na may 5 respondente o 10% nang 
kabuuan ng respondente. 
2. Saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino?
Table 2 
Mga aspeto kung saan naging epektibo ang pag-unlad ng wikang Filipino 
Aspeto Respondente Percentage % 
Ekonomiya 23 46 
Pag-aaral 22 45 
Lipunan 5 10 
Ipinapakita ng table 2 na Ekonomiya ang pangunahing aspeto kung saan mas 
naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan 
ng 23 respondente o 46% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng Pag-aaral na may 22 
respondente o 45% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay lipunan na may 5 
respondente o 10% nang kabuuan ng respondente. 
3. Bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino? 
Table 3 
Mga Dahilan kung bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino 
Dahilan Respondente Percentage % 
Mas malinaw na 
Komunikasyon 
22 44 
Magamit sa pag-aaral 
17 34 
Mapaunlad ang 
ekonomiya 
11 22 
Ayon sa table 3 ang Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan 
kung bakit kailangan ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan 
ng 22 respondente o 44% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng dahilan na 
magagamit sa pag-aaral na may 17 respondente o 34% nang kabuuan ng respondente. At ang 
pangatlo ay upang mapaunlad a na may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente.
KABANATA 5 
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral at ang konklusyon at 
rekomendasyon para sa solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay 
maibibigay. 
LAGOM 
Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong 
panahon para sa mga BS Education major in Filipino ay naganap. Limampung 
respondente ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. At ang resulta ay 
ang mga sumusunod: 
1. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang 
pinakaunang factor sa pagbabago ng wika. Ito ay sinangayunan ng 70 
posyento. 
2. At para sa kanila sa Ekonomiya mas naging epektibo ang pag-unlad o 
pagbabago ng wikang Filipino na nakakuha ng 46 porsyento. 
3. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit 
kailangan umunlad ang wikang Filipino ayon ito sa 44 porsyento ng 
kabuuang respondente.
KONKLUSYON 
Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita. 
1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit 
kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino. 
2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika. 
3. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang 
pinakaunang factor sa pagbabago ng wika, sa pag-unlad ng panahon 
kasabay din ng pag-unlad ng wika. 
REKOMENDASYON 
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng 
mananaliksik ang mga rekomendasyong ito. 
1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, 
mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang 
makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon 
sa loob ng ating ekonomiya. 
2. Maaaring paunlarin ang wika ngunit dapat iwasan ang paggamit ng mga 
salitang gaya balbal upang mas maging pormal ito. 
3. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating 
sariling wika, dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang 
magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng 
sinami ni Gat Jose Rizal: ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa 
sa hayop at malansang isda.
LARAWAN NG GRUPO
KURIKULUM BITEY 
Name: Armia P. Leonardo 
Address: Taytay, Rizal 
Contact No.: 09056346386 
Email Address: armia_leonardo@yahoo.com 
Birthdate: September 27,1993 
Age: 21 
Gender: Female 
Course: B.S. Accountancy 
Name: Melecio M. Vista Jr. 
Address: Blk. 4, Lot 4, Carissa Homes East 2C, Brgy. Dalig, Teresa, Rizal 
Contact No.: 0943-728-7117 
Email Address: 
Birthdate: February 20, 1981 
Age: 33 
Gender: Male 
Course: B.S. Education 
Name: Lovely-Ann Infermo 
Address: Taytay, Rizal 
Contact No.: 09161545895 
Email Address: lhobly_20@yahoo.com 
Birthdate: Nov. 20,1990 
Age: 24 
Gender: Female 
Course: BSBA
Name: Julie Ann C. Clitar 
Address: Pasig City 
Contact No.: 09268648672 
Email Address: julieannclitar25@yahoo.com 
Birthdate: October 25,1996 
Age: 18 
Gender: Female 
Course: BS Accountancy 
Name: Benjie G. Ramos 
Address: Taytay, Rizal 
Contact No.: 09079417648 
Email Address: bhenjramos@gmail.com 
Birthdate: Feb. 9,1993 
Age: 21 
Gender: Male 
Course: BSC 
Name: Joemar C. Baldon 
Address: Quezon City 
Contact No.: - 
Email Address: joemar_baldon@yahoo.com 
Birthdate: August 9,1993 
Age: 21 
Gender: Male 
Course: BS Accountancy
Name: Crispin Joses A. Carolino 
Address: Antipolo City 
Contact No.: 09102976358 
Email Address: criscarolino11@gmail.com 
Birthdate: October 11,1986 
Birth place: 
Age: 28 
Gender: Male 
Course: BSIT 
Name: Rochelle F. Gomez 
Address: Cainta, Rizal 
Contact No.: 09109099290 
Email Address: chellleefries@yahoo.com 
Birthdate: December 19,1995 
Age: 19 
Gender: Female 
Course: A.C.T 
Name: Nick P. Felix 
Address: Angono, Rizal 
Contact No.: 09353620757 
Email Address: nickfelix99@yahoo.com 
Birthdate: July 16,1986 
Age: 28 
Gender: Male 
Course: BSBA

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoyhanjohn
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARochelle Nato
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoPRINTDESK by Dan
 
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang PambansaKasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang PambansaWENDELL TARAYA
 
Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2Camille Tan
 
Mga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMj Aspa
 
Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon
Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong KomunikasyonKomunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon
Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong KomunikasyonKarmina Gumpal
 

La actualidad más candente (20)

Pananaliksik 2
Pananaliksik 2Pananaliksik 2
Pananaliksik 2
 
Paksang pampananaliksik
Paksang  pampananaliksikPaksang  pampananaliksik
Paksang pampananaliksik
 
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
Wika
WikaWika
Wika
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
rehistro ng wika
rehistro ng wika rehistro ng wika
rehistro ng wika
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Uri ng komunikasyon
Uri ng komunikasyonUri ng komunikasyon
Uri ng komunikasyon
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
 
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang PambansaKasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
 
Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2
 
Mga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wikaMga tungkulin ng wika
Mga tungkulin ng wika
 
Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon
Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong KomunikasyonKomunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon
Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong Komunikasyon
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyon
 
Mga sitwasyong pangwika
Mga sitwasyong pangwikaMga sitwasyong pangwika
Mga sitwasyong pangwika
 
Konklusyon
KonklusyonKonklusyon
Konklusyon
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKAKasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 

Destacado

THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipinoSFYC
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Merland Mabait
 
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyanteEpekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyantealrich0325
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)NicoleGala
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 
Mga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng PananaliksikMga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng PananaliksikMckoi M
 
Mga bahagi ng pananaliksik
Mga bahagi ng pananaliksikMga bahagi ng pananaliksik
Mga bahagi ng pananaliksikMicah January
 
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa FilipinoPamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa FilipinoShem Ü
 
Mga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonMga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonnjoy1025
 

Destacado (20)

THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Research paper in filipino
Research paper in filipinoResearch paper in filipino
Research paper in filipino
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
 
wikang pambansa
wikang pambansawikang pambansa
wikang pambansa
 
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyanteEpekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
 
Pananaliksik 1
Pananaliksik 1Pananaliksik 1
Pananaliksik 1
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
Mga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng PananaliksikMga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng Pananaliksik
 
Mga bahagi ng pananaliksik
Mga bahagi ng pananaliksikMga bahagi ng pananaliksik
Mga bahagi ng pananaliksik
 
Chapter ii thesis
Chapter ii  thesisChapter ii  thesis
Chapter ii thesis
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa FilipinoPamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino
 
Adiksyon sa kompyuter games
Adiksyon sa kompyuter gamesAdiksyon sa kompyuter games
Adiksyon sa kompyuter games
 
Mga batas pangwika
Mga batas pangwikaMga batas pangwika
Mga batas pangwika
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11
 
Baylingwalismo
BaylingwalismoBaylingwalismo
Baylingwalismo
 
Case study
Case studyCase study
Case study
 
Mga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonMga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyon
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 

Similar a THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptxNicaHannah1
 
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang PanahonKalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang PanahonABC Company
 
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocPagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocCamille Ann Delbarrio
 
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)Paolo Dagaojes
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Mga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaMga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaKaren Fajardo
 
KPWKP Gamit ng Wika.pptx
KPWKP Gamit ng Wika.pptxKPWKP Gamit ng Wika.pptx
KPWKP Gamit ng Wika.pptxKaren Fajardo
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptxQ1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptxLeahMaePanahon1
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docxDLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docxMarivicFabro
 
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2RedmondTejada
 

Similar a THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON (20)

1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
 
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang PanahonKalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
Kalagayan o sitwasyon ng wikang filipino sa mga Kabataan sa Kaslukuyang Panahon
 
Konseptong papel
Konseptong papelKonseptong papel
Konseptong papel
 
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocPagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
 
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
Mga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaMga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong Pangwika
 
dll kom wk 3.docx
dll kom wk 3.docxdll kom wk 3.docx
dll kom wk 3.docx
 
SCRIPT FILILPINO.docx
SCRIPT FILILPINO.docxSCRIPT FILILPINO.docx
SCRIPT FILILPINO.docx
 
KPWKP Gamit ng Wika.pptx
KPWKP Gamit ng Wika.pptxKPWKP Gamit ng Wika.pptx
KPWKP Gamit ng Wika.pptx
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptxQ1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
Q1.MODYUL1.-WIKA-AT-KULTURA.pptx
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
07 komunikasyon
07 komunikasyon07 komunikasyon
07 komunikasyon
 
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docxDLL_ESP 4_Q3_W1.docx
DLL_ESP 4_Q3_W1.docx
 
FIL DRAFT.pptx
FIL DRAFT.pptxFIL DRAFT.pptx
FIL DRAFT.pptx
 
filipino 11.pptx
filipino 11.pptxfilipino 11.pptx
filipino 11.pptx
 
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
 
GEC KAF Silabus.docx
GEC KAF Silabus.docxGEC KAF Silabus.docx
GEC KAF Silabus.docx
 

Más de Mi L

Stock exchange
Stock exchangeStock exchange
Stock exchangeMi L
 
Japanese Model
Japanese ModelJapanese Model
Japanese ModelMi L
 
Elements of Short story
Elements of Short storyElements of Short story
Elements of Short storyMi L
 
Elements of Poetry
Elements of PoetryElements of Poetry
Elements of PoetryMi L
 
Philippines and japan literature
Philippines and japan literaturePhilippines and japan literature
Philippines and japan literatureMi L
 
Elements of Literature
Elements of  LiteratureElements of  Literature
Elements of LiteratureMi L
 
Elements of Novel
Elements of NovelElements of Novel
Elements of NovelMi L
 
Elements of Essay
Elements of EssayElements of Essay
Elements of EssayMi L
 
Elements of Drama
Elements of DramaElements of Drama
Elements of DramaMi L
 
Techniques for better classroom discipline
Techniques for better classroom discipline Techniques for better classroom discipline
Techniques for better classroom discipline Mi L
 
Katangian ng wika
Katangian ng wikaKatangian ng wika
Katangian ng wikaMi L
 
Special behavioral problems of Student
Special behavioral problems of StudentSpecial behavioral problems of Student
Special behavioral problems of StudentMi L
 
Financial Management report
Financial Management reportFinancial Management report
Financial Management reportMi L
 
Alamat ng langka
Alamat ng langkaAlamat ng langka
Alamat ng langkaMi L
 
Sun
SunSun
SunMi L
 
Biag ni lam
Biag ni lamBiag ni lam
Biag ni lamMi L
 
Business statistic survey sample
Business statistic survey sampleBusiness statistic survey sample
Business statistic survey sampleMi L
 
Business statistic
Business statisticBusiness statistic
Business statisticMi L
 
Case study management
Case study managementCase study management
Case study managementMi L
 
Comso c++
Comso c++Comso c++
Comso c++Mi L
 

Más de Mi L (20)

Stock exchange
Stock exchangeStock exchange
Stock exchange
 
Japanese Model
Japanese ModelJapanese Model
Japanese Model
 
Elements of Short story
Elements of Short storyElements of Short story
Elements of Short story
 
Elements of Poetry
Elements of PoetryElements of Poetry
Elements of Poetry
 
Philippines and japan literature
Philippines and japan literaturePhilippines and japan literature
Philippines and japan literature
 
Elements of Literature
Elements of  LiteratureElements of  Literature
Elements of Literature
 
Elements of Novel
Elements of NovelElements of Novel
Elements of Novel
 
Elements of Essay
Elements of EssayElements of Essay
Elements of Essay
 
Elements of Drama
Elements of DramaElements of Drama
Elements of Drama
 
Techniques for better classroom discipline
Techniques for better classroom discipline Techniques for better classroom discipline
Techniques for better classroom discipline
 
Katangian ng wika
Katangian ng wikaKatangian ng wika
Katangian ng wika
 
Special behavioral problems of Student
Special behavioral problems of StudentSpecial behavioral problems of Student
Special behavioral problems of Student
 
Financial Management report
Financial Management reportFinancial Management report
Financial Management report
 
Alamat ng langka
Alamat ng langkaAlamat ng langka
Alamat ng langka
 
Sun
SunSun
Sun
 
Biag ni lam
Biag ni lamBiag ni lam
Biag ni lam
 
Business statistic survey sample
Business statistic survey sampleBusiness statistic survey sample
Business statistic survey sample
 
Business statistic
Business statisticBusiness statistic
Business statistic
 
Case study management
Case study managementCase study management
Case study management
 
Comso c++
Comso c++Comso c++
Comso c++
 

THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

  • 1. Republika ng Pilipinas ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC V.V. Soliven Avenue II, Cainta, Rizal WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON Ang Pananaliksik ay ipriniprisinta kay Mrs. Anita Boral Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan Ng Asignaturang Filipino2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik) Ipriniprisinta nila: Joemar Baldon Crispin Joses A. Carolino Julie Ann C. Clitar Nick P. Felix Rochelle F. Gomez Lovely-Ann M. Infermo Armia P. Leonardo Benjie G. Ramos Melecio M. Vista Jr. E-3 Petsa November 2014
  • 2. PASASALAMAT Ang mga mananaliksik ng paksang “Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon” ay taos pusong ipininaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod:  Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportanhan sa aming mga pangangailangan.  Kay Gng. Anita Boral, ang aming matyagang guro na sumusuporta at nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusang namin maintindihan ang aming asignatura.  Sa aming mga respondentes na nagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito.  sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik.  At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa mga pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.
  • 3. PAGHAHANDOG Lubos ang pagpapasalamat ng aming grupo sa mga sumuporta at naging bahagi ng pananaliksik na ito. Kaya ito ay aming inihahandog sa mga taong naging aming inspirasyon sa paggawa nito. Sa aming mga magulang Guro mga kaibigan mga kamag-aaral kaeskwela sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito at higit sa lahat sa Poong Maykapal.
  • 4. TALAAN NG NILALAMAN Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i Paghahandog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii Kabanata 1 Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 Kahalagahan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 Kabanata 2 Lokal na Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 Dayuhang Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6 Kabanata 3 Disenyo ng Pananaliksik Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 Mga Pokus ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 Mga Instrumentong Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 Tritment ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 Kabanata 4 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . 11
  • 5. Kabanata 5 Lagom . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13 Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14 Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14 Larawan ng Grupo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15 Kurikulum Bitey . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16
  • 6. KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL PANIMULA Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.
  • 7. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pa-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral sa kursong B.S. Education major in Filipino sa patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng panahon. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan: 1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino? 2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang Filipino? 3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika? 4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan? 5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika? 6.Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan? 7.Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? 8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika? 9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? 10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay? 11.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan? 12.Sang ayun ka bang tanggalin ang wilang filipino sa kurikulom ng kolehiyo? 13.Ang pagpapalit ng mga salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon? 14.Ang paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga salita? 15.Sang ayon kaba sa paggamit ng mix-mix na lenguwahe sa paaralan?
  • 8. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod: 1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita na kanilang kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral. 2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika noong sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang, ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito. Inawa ito upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng B.S Education Major in Filipino ng mga mag-aaral sa unang baiting ng Institute of Creative Computer Technology, taong
  • 9. panuruan 2014-2015. Ang pagtitipon namin ng mga impormasyon at iba pang mga kinakailangan na impormasyon ay ginawa sa Institute of Creative Computer Technology. DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:  Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.  Arkayk – Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit ng Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.  Ekonomiya – binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.  Balbal – o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
  • 10. KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA LOKAL NA LITERATURA Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti -unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
  • 11. DAYUHANG LITERATURA Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device (LAD. Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their brains------basic rules which are similar across all languages. Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika. Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isanasaayos sa ma klase at pattern nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan. Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang hehnerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman
  • 12. kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabikung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang Filipino?
  • 13. KABANATA 3 METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral, mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik napamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang Pag-unlad ng Wikang Filipino sa makabagong panahon., sa unang antas ng kursong B.S. Education major in Filipino sa taong panuruan 2014-2015 sa ICCT College ng pilipinas, lungsod ng Cainta, Rizal. PARAAAN NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman ang mga salik sa pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyong ang mga mananaliksik sa iba·tibang hanguan, sa aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
  • 14. MGA POKUS NG PAG-AARAL Ang mga pipiliing mga respondentee sa pag-aaral na ito ay ang mga nasa unang antas ng kursong B.S. Education major in Filipino sa taong panuruan 2014-2015 sa ICCT College ng pilipinas, lungsod ng Cainta, Rizal. Sa kasalukuyan ay may limampung respondentee kaming kinuha na kung saan ang mga mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Sila ay magpapamahagi ng animnapung na sarbey kwenstyuner at ang unang limampung respondente na unang makakatapos ang siyang automatikong magiging respondente. MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral sa unang baitang ng B.S. Education Major in Filipino. TRITMENT NG MGA DATOS ang pagtally at pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin ng mgamananaliksik upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.
  • 15. ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC V.V. Soliven Avenue II, Cainta, Rizal Survey for Thesis Filipino-02 Name:____________________________ Course:___________ Date:___________ Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napiling sagot. 1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino? Oo Hindi 2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang Filipino? Oo Hindi 3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino? Oo Hindi 4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan? Oo Hindi 5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika? Oo Hindi 6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan? Oo Hindi 7. Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? Oo Hindi 8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno? Oo Hindi 9. Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? Oo Hindi 10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay? Oo Hindi 11. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan? Oo Hindi 12. Sang ayon ka bang tanggalin ang wikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo? Oo Hindi 13. Ang pagpapapalit ng mga salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon? Oo Hindi 14. Ang paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga salita? Oo Hindi 15. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng Mix-mix na lengguwahe sa paaralan? Oo Hindi
  • 16. KABANATA 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral sa unang baitang ng B.S. Education Major in Filipino tungkol sa pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon at ang kahalagahan nito sa pa-unlad ng ekonomiya. 1. Ano ang mga factor na nakakaapekto sa pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino? Table 1 Mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wika Filipino Mga Factor Respondente Percentage % Teknolohiya 35 70 Paglipas ng panahon 10 20 Pagsakop ng ibang bansa 5 10 Ipinapakita ng table 1 na Teknolohiya ang pangunahing factor na nakaapekto sa pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino para sa respondente sa unang antas ng kursong B.S. Education major in Filipino na may 35 respondente o 70% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng Paglipas ng panahon na may 10 respondente o 20% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay pagsakop ng ibang bansa na may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente. 2. Saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino?
  • 17. Table 2 Mga aspeto kung saan naging epektibo ang pag-unlad ng wikang Filipino Aspeto Respondente Percentage % Ekonomiya 23 46 Pag-aaral 22 45 Lipunan 5 10 Ipinapakita ng table 2 na Ekonomiya ang pangunahing aspeto kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng Pag-aaral na may 22 respondente o 45% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay lipunan na may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente. 3. Bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino? Table 3 Mga Dahilan kung bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino Dahilan Respondente Percentage % Mas malinaw na Komunikasyon 22 44 Magamit sa pag-aaral 17 34 Mapaunlad ang ekonomiya 11 22 Ayon sa table 3 ang Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan ng 22 respondente o 44% nang kabuuan ng respondente. Sinundan ito ng dahilan na magagamit sa pag-aaral na may 17 respondente o 34% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay upang mapaunlad a na may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente.
  • 18. KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral at ang konklusyon at rekomendasyon para sa solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay. LAGOM Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong panahon para sa mga BS Education major in Filipino ay naganap. Limampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod: 1. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang factor sa pagbabago ng wika. Ito ay sinangayunan ng 70 posyento. 2. At para sa kanila sa Ekonomiya mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino na nakakuha ng 46 porsyento. 3. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino ayon ito sa 44 porsyento ng kabuuang respondente.
  • 19. KONKLUSYON Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita. 1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino. 2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad ng ating wika. 3. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang factor sa pagbabago ng wika, sa pag-unlad ng panahon kasabay din ng pag-unlad ng wika. REKOMENDASYON Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito. 1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. 2. Maaaring paunlarin ang wika ngunit dapat iwasan ang paggamit ng mga salitang gaya balbal upang mas maging pormal ito. 3. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika, dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng sinami ni Gat Jose Rizal: ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.
  • 21. KURIKULUM BITEY Name: Armia P. Leonardo Address: Taytay, Rizal Contact No.: 09056346386 Email Address: armia_leonardo@yahoo.com Birthdate: September 27,1993 Age: 21 Gender: Female Course: B.S. Accountancy Name: Melecio M. Vista Jr. Address: Blk. 4, Lot 4, Carissa Homes East 2C, Brgy. Dalig, Teresa, Rizal Contact No.: 0943-728-7117 Email Address: Birthdate: February 20, 1981 Age: 33 Gender: Male Course: B.S. Education Name: Lovely-Ann Infermo Address: Taytay, Rizal Contact No.: 09161545895 Email Address: lhobly_20@yahoo.com Birthdate: Nov. 20,1990 Age: 24 Gender: Female Course: BSBA
  • 22. Name: Julie Ann C. Clitar Address: Pasig City Contact No.: 09268648672 Email Address: julieannclitar25@yahoo.com Birthdate: October 25,1996 Age: 18 Gender: Female Course: BS Accountancy Name: Benjie G. Ramos Address: Taytay, Rizal Contact No.: 09079417648 Email Address: bhenjramos@gmail.com Birthdate: Feb. 9,1993 Age: 21 Gender: Male Course: BSC Name: Joemar C. Baldon Address: Quezon City Contact No.: - Email Address: joemar_baldon@yahoo.com Birthdate: August 9,1993 Age: 21 Gender: Male Course: BS Accountancy
  • 23. Name: Crispin Joses A. Carolino Address: Antipolo City Contact No.: 09102976358 Email Address: criscarolino11@gmail.com Birthdate: October 11,1986 Birth place: Age: 28 Gender: Male Course: BSIT Name: Rochelle F. Gomez Address: Cainta, Rizal Contact No.: 09109099290 Email Address: chellleefries@yahoo.com Birthdate: December 19,1995 Age: 19 Gender: Female Course: A.C.T Name: Nick P. Felix Address: Angono, Rizal Contact No.: 09353620757 Email Address: nickfelix99@yahoo.com Birthdate: July 16,1986 Age: 28 Gender: Male Course: BSBA