SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 12
Descargar para leer sin conexión
PAMANTAYAN NG PAGKATUTO
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
PAMANTAYANG
PAGGANAP
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pagunawa sa mga pangunahing
konseptong Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad
na pang-arawaraw na
pamumuhay
Naisasabuhay ang pag-unawa sa
mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.
EKONOMIKS
YUNIT 1
MGA PANGUNAHING
KONSEPTO NG
EKONOMIKS
ARALING PANLIPUNAN 9
Page1
YUNIT 1
MGA KONSEPTO NG EKONOMIKS
ARALIN 2
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pangaraw-araw na pamumuhay.
2. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
3. Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan.
4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan..
PANIMULA
Mahalagang pag-aralan at maunawaan ang kakapusan sapagkat sa pamamagitan nito ay
maaaring makaisip ang tao ng mga paraan kung paano ito epektibong mapamamahalaan. Maaari
din itong maging daan upang maging responsable ang bawat isa sa pagkuha at paggamit ng
limitadong pinagkukunangyaman. Sa araling ito ay inaasahang maipakita ang ugnayan ng
kakapusan sa pangaraw-araw na buhay, matukoy ang mga palatandaan ng kakapusan, makabuo ng
kongklusyon na ang kakapusan ay isang suliraning panlipunan, at makapagmungkahi ng mga paraan
kung paano mapamamahalaan ang mga suliraning dulot ng kakapusan.
Basahin ang maikling balita. Sagutan ang pamprosesong tanong.
Ilan pang basic goods nilagyan ng
buying limitABS-CBN News Posted at Apr 03 2020 04:24 PM | Updated as of Apr 03 2020 06:43 PM
Dinagdagan ng Department of Trade and Industry ang listahan ng mga pangunahing bilihin na may limit ang
puwedeng bilhin sa mga supermarket.
Ayon sa DTI, ito ang mga nadagdag na basic goods at kung gaano karaming piraso lang ang puwedeng bilhin:
 Disinfectant wipes - 4 containers o pack
 Sabong panlaba - 2 bundle (sachet), 2 box, o 2 bareta
 Toothpaste - 4 tube
 Mouthwash - 4 bote
 Canned pork - 10 cans
 Canned beef - 10 cans
 Cooking oil - 4 bote o pakete
 Panimpla (condiments) - 2 bote o pakete
 Dried fish - 6 pakete
Nilimitahan din ng DTI sa 10 piraso ang dami na puwedeng mabiling de-latang sardinas.
GAWAIN 1: NEWS ANALYSIS
Page2
Nauna nang naglagay ang DTI ng limitasyon sa dami ng nabibiling alcohol, instant noodles, toilet paper, kape,
gatas, at tinapay sa mga grocery.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi ibig sabihin na kulang ang supply kaya nililimitahan ang
puwedeng bilhin.
Isa raw itong hakbang para maiwasan ang hoarding at mabigyan ang lahat ng konsumer ng tsansa na mabili ang
gusto nilang produkto.
Hindi pa rin kasi 100 porsiyentong nakabalik ang manufacturing sector dahil sa enhanced community
quarantine, na ipinatupad sa buong Luzon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon naman kay Trade Secretary Ramon Lopez, tuloy-tuloy lang ang produksiyon ng alcohol pero sobrang laki
ng demand o pangangailangan para rito.
May face masks na rin sa ilang supermarket na ibinebenta sa halagang P27 kada piraso.
Sa South Star Drug naman, may supply na rin ng surgical mask, na mabibili sa halagang P28 kada piraso.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga produkto ang nilimitahan ng DTI?
2. Sino ang Trade Undersecretary ng DTI?
3. Ayon sa kanya, ano ang iniiwasan kung kaya ginawa ang hakbang na paglilimita ng bilihin?
4. Sinong Trade Undersecretary ang nangako na tuloy-tuloy ang produksyon ng alcohol?
5. Magkano ang bentahan ng surgical mask?
6. Ano ang pwedeng mangyari kung hindi magkakaroon ng limit sa pagbibili?
Ipaliwanag ang nais ipabatid ng diagram. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
GAWAIN 2: TANUNGAN TAYO
WALANG HANGGANG
PANGANGAILANGAN
PAGPAPASYA
LIMITADONG
PINAGKUKUNANG
YAMAN
Page3
Ang layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kakapusan. Mula sa mga
inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka upang masagot ang
katanungang kung ano ang kakapusan, mga palatandaan nito, at ang
kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw ng buhay.
TALAKAYAN
Ang kakapusan o scarcity ay umiiral
dahil limitado ang pinagkukunang-
yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel,
chromite, natural gas, at iba pang non-
renewable resources dahilan sa likas na
kalagayan ng mga ito. Ang kakapusan sa
mga nabanggit na halimbawa ay itinakda
ng kalikasan. Ang kondisyong ito ay
nagtakda ng limitasyon sa lahat at
naging isang pangunahing suliraning
pang-ekonomiya.
Ang kakulangan o shortage ay nagaganap
kung may pansamantalang pagkukulang sa
supply ng isang produkto kagaya ng
kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan
dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba pang
kalamidad. Upang malunasan ang
kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay
maaaring umangkat ng bigas sa ibang
bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang
supply ng bigas sa sandaling bumuti ang
panahon at magkaroon ng saganang ani ng
palay. Ang kakulangan ay pansamantala
sapagkat may magagawa pa ang tao
upang masolusyunan ito.
Ang kakapusan bilang isang pamayanan na may
limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang
matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto
at kailangan ng tao. Ang katulad nito ay isang pamilya
na hindi kayang ibigay sa bawat miyembro nito ang
lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamilya,
hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat ng
pangangailangan ng lahat ng tao.
N. GREGORY MANKIW
Page4
Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng
gagawing desisyon. Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito? Alin
ang higit na kailangan? Paano ito lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili? Saang alternatibo
higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang
oportunidad? Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. (Case, Fair at Oster, 2012)
Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag-
aaral kung saan higit na makikinabang. Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong produkto o serbisyo at
timbangin ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magiging episyente ang plano ng
produksiyon at ilalagay ito sa graph, maaaring makalikha ng isang kurba katulad ng inilalarawan sa Production
Possibilities Frontier (PPF). Ito ang paraan upang mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng
pinagkukunang-yaman.
Inatasan ka ng iyong guro na magtinda. Mag isip ng dalawang produkto
na maaari mong itinda. Sunda ang halimbawa sa baba.
Option
Maruya
( PIRASO )
Tabog-Tabog
( PIRASO )
A 50 0
B 45 35
C 35 45
D 0 50
PAANO ITO
GAGAWIN?
ANO ANG
GAGAWIN?
PARA KANINO ANG
GAGAWIN?
PAANO
IPAMAMAHAGI ANG
PRODUKTO?
GAANO
KARAMI ANG
GAGAWIN?
GAWAIN 3: ANG PLANO KO
HALIMBAWA
350 45 50
35
45
50
A
B
C
D
M
A
R
U
Y
A
TABOG TABODTALAHANAYAN
GRAPH
Page5
ANO ANG PPF O
PRODUCTION
POSSIBILITIES
FRONTIER?
Pamprosesong Tanong:
1. Anong dalawang produkto ang iyong napili? Bakit?
2. Sa pag gawa mo ng talahanayan, ilan ang binawas mo sa bawat produkto para pareho mo maibenta?
Bakit kailangang may isakripisyo?
3. Ano ang naging resulta ng graph? Tuwid ba ang guhit na nagdurugtong sa bawat option?
4. Ano ang iyong naisip habang ginagawa mo ang talahanayan at graph? Ipaliwanag.
Ang Production Possibilities Frontier o PPF
ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya
paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga sa
produkto. Nailarawan din sa pamamagitan nito ang
konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at
kakapusan. Mahalaga ito sa pagpapakita ng mga choices na
mayroon ang komunidad at ang limitasyon ng mga ito.
Sa paggamit ng PPF, kailangang isaalangalang ang mga hinuha na:
1. Mayroon lamang dalawang produktong maaaring likhain. Halimbawa, maruya at tabog - tabog; at
2. Ang pamayanan ay may limitadong resources (fixed supply).
Ang pinakamataas na produksiyon ng ekonomiya ay ang hangganan ng PPF. Ang pinakamataas na
produksiyon ng ekonomiya ay ang hangganan ng PPF. Sa mga hangganang ito ay maituturing na efficient ang
produksiyon. Kinakatawan ito ng choices sa option A, B, C, D, E, at F. Tingnan ang production plan ng isang partikular
na produkto sa ibaba
Option
Maruya
( PIRASO )
Tabog-Tabog
( PIRASO )
A 50 0
B 45 35
C 35 45
D 0 50
350
35
45
50
A
B
C
D
M
A
R
U
Y
A
TABOG TABODTALAHANAYAN
Maaaring malikha ang mga kombinasyong ito kung magagamit ang lahat ng resources.
Kapag nagamit lahat, ang produksiyon ay efficient. 0 unit ng maruya at 50 piraso ang tabog-tabog.
At 45 na piraso ng tabog - tabog at 35 na piraso ng maruya.
Magkakaroon lamang ng pagbabago sa dami ng magagawa sa pagitan ng pinag-aaralang
produkto ayon sa magiging desisyon. Ito ay batay sa konsepto ng Ceteris paribus – other things
being equal o ang hinuha na walang pagbabago maliban sa salik na pinag-aaralan (Balitao et al.
2012). Ang pamamaraang ito sa ekonomiks ay ginagamit upang maging mas simple ang
pagpapakita sa relasyon ng pinag-aaralan.
45 50
Page6
Maaaring tumaas ang produksiyon ng tabog-tabog kapag nagpalit ng plano mula A patungo sa D
na magdudulot ng pagbaba sa produksiyon ng maruya. Samantala, tataas ang produksiyon ng maruya kung
magpapalit ng plano mula D patungo sa A. Magdudulot ito ng pagbaba sa produksiyon ng maruya (movement
along the curve). Nailalarawan ang trade-off sa pagpapalit ng plano ng produksiyon. Ang trade-off ay ang
pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang halaga ng kapalit na iyon ay ang
opportunity cost. Halimbawa, ang pag galaw mula plano A papuntang plano B ay may opportunity cost na 5
piraso ng maruya na kailangang isakripisyo kapalit ng dagdag na 35 piraso ng tabog-tabog.
Option
Maruya
( PIRASO )
Tabog-Tabog
( PIRASO )
A 50 0
B 45 35
C 35 45
D 0 50
Ang punto na nasa labas ng kurba ay naglalarawan ng konseptong infeasible na plano ng
produksiyon. Ito ay magandang plano subalit hindi makatotohanan. Sa mga hangganan ng PPF, ipinagpapalagay
na lubos na nagamit ang lahat ng salik ng produksiyon sa paglikha ng produkto. Gayumpaman, maaari pa ring
maisakatuparan ang infeasible na plano sa pamamagitan ng paggamit ng angkop at makabagong teknolohiya,
at paglinang sa kakayahan ng mga manggagawa. Tingnan ang pigura sa susunod na pahina.
Option
Maruya
( PIRASO )
Tabog-Tabog
( PIRASO )
A 50 0
B 45 35
C 35 45
D 0 50
350
35
45
50
A
B
C
D
M
A
R
U
Y
A
TABOG TABODTALAHANAYAN
Nag-specialize sa
paglikha ng maruya
Nag-specialize sa
paglikha ng tabog-tabog
45 50
35
0
35
45
50
A
B
C
D
M
A
R
U
Y
A
45
50
TABOG TABOD
Hindi efficient
na nagamit
resources
Infeasible na punto
Samantala, kung hindi magagamit ang lahat ng salik
ng produksiyon ay masasabing hindi rin efficient
ang paglikha ng produkto dahil hindi nagagamit
lahat ng salik na mayroon ang lipunan, ito ang
inilalarawan ng punto na nasa loob ng kurba.
Maaaring magdulot ng suliraning pang-ekonomiya
ang planong ito tulad ng kawalan ng trabaho.
50
Page7
Suriin ang production plan sa ibaba. Iguhit ito sa graph at lagyan ng interpretasyon at
kongklusyon ang punto A, F, at C.
PUNTO INTERPRETASYON KONKLUSYON
URI NG KAKAPUSAN
AYON SA KALAGAYAN
OPTION
MAIS
( LIBONG SAKO )
PALAY
( LIBONG SAKO )
A 0 15
B 1 14
C 2 12
D 3 9
E 4 5
F 5 0
GAWAIN 4: PRODUCTION PLAN
15
6
9
12
3
0
642
Pisikal na Kalagayan – ito
ay tumutukoy sa aktwal na
kawalan ng yaman na
tutugon sa mga
pangangailangan ng tao.
Pangkaisipan na
Kalagayan - tumutukoy sa
pagpigil ng tao na tugunan
ang pangangailangan
kahit may kakayanan siya
na tugunan nito.
Page8
Palatandaan ng Kakapusan
Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks. May limitasyon ang pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito,
nararanasan ang kakapusan sa mga pinagkukunangyaman.
Ang kagubatan, na isang halimbawa ng likas na yaman, ay maaaring maubos at magdulot ng
pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at
pagkasira ng biodiversity. Bagaman maaaring magsagawa ng reforestation, ang patuloy na paglaki ng
populasyon na umaasa sa produkto ng kagubatan ay mabilis ding lumalaki.
Samantala, bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamangdagat dahilan sa
pagkasira ng mga coral reefs. Ang produktong agrikultural na nakukuha mula sa lupa ay maaaring
mabawasan dahilan sa pabago-bagong panahon at umiinit na klima.
Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng
produkto ay naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha.
Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa
loob ng oras na ito, hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan mong
magpahinga, matulog, at kumain. Ang panahong lumipas ay hindi na muling maibabalik. Ang gamit ng
pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili ang lahat ng bagay.
Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at patuloy na paglaki ng
umaasang populasyon ay palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan
Kakapusan bilang Suliraning
Panlipunan
Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao, samantalang ang mga
pinagkukunang-yaman ay kapos o may limitasyon. Dahilan sa kalagayang ito, ang kakapusan ay
maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan.
Absolute ang kakapusan
kapag nahihirapan ang
kalikasan at tao na
malutas ang sanhi ng
kakapusan.
Relative ang
kakapusan kapag ang
pinagkukunang-yaman
ay hindi makasapat sa
pangangailangan ng
tao.
URI NG KAKAPUSAN AYON
SA KALUTASANNITO
Page9
Marapat na maunawaan ng bawat isa na sa paglipas na panahon, maaaring maubos pa ang
mga pinagkukunang-yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong umaasa rito. Magiging
dahilan ito ng malawakang kahirapan at pagkakasakit ng mga mamamayan. Maaari din itong magdulot
ng sigalot, pagaaway-away, at kompetisyon. Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ang
matalinong pagdedesisyon at pagtutulungan habang isinasakatuparan ang magkakaibang layunin sa
ngalan ng katahimikan at kasaganaan sa buhay.
Kailangan din ang matalinong pagdedesisyon kung ano, paano, para kanino, at gaano karami
ang dapat na magawang mga produkto. Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong likas na yaman
ay magagamit ng angkop sa kinakailangan ng mamamayan.
Paraan upang Mapamahalaan ang
Kakapusan
Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan Upang mapamahalaan ang kakapusan natukoy
na mahalagang suriin kung ano ang produktong lilikhain, paano lilikhain, gaano karami at kung para
kanino ang mga lilikhaing produkto. Bunsod nito, inaasahan na ang sumusunod ay ilan sa mga paraan
na maaaring isagawa upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan.
• Kailangan din ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon,
• Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha
ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo,
• Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon,
at mga institusyong (institutional development) nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, at
• Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga
pinagkukunang-yaman.
Sa pamamagitan ng mga ito ay maaaring lumipat sa kanan ang mga punto sa production
possibilities frontier at makamit ang infeasible na produksiyon. Samantala, habang nababawasan ang
mga kinukuha mula sa mga yamang likas, natutugunan naman ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao. Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran (environmentalist), binuo nila ang mga
programang pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng
kapaligiran. Ayon kina Balitao, et. al (2012) kabilang sa mga isinusulong ng mga programang
pangkonserbasyon ang sumusunod:
1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran;
2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na
nakalilikha ng polusyon;
3. Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance
(protected areas program); at
4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop
(endangered species).
Pamprosesong Tanong:
1. Ipaliwanag ang uri ng kakapusan ayon sa kalagayan at ayon sa kalutasan?
2. Paano masasabing dumaranas ng kakulangan ang isang bansa?
3. Sa paanong paraan tinagurian ang kakapusan bilang isang suliraning panlipunan?
4. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang malutas ang pagkakaroon ng kakapusan?
Page10
GAWAIN 5: CONSERVATION
POSTER/SLOGAN
Gumawa ng poster o slogan sa ¼
illustration board na nagpapakita
ng konserbasyon sa mga yamang
likas at mga paraan kung paano
mapapamahalaan ang kakapusan.
Gamitin ang rubrik bilang
pamantayan ng iyong paggawa.
Inihanda ni:
MARY LOVELLA QUIJANO DE LA CRUZ
AP – TEACHER
Iwinasto ni:
MAY D. CATUBIG, MAeD
Area Chairaman – AP
Pinagtibay ni:
MARLO FIEL P. SULTAN, ED. D
Principal II
love
Page11
Mga sanggunian:
1. EKONOMIKS 9 ( DEPED STUDENTS BOOKS )
2. LERA, M., CRUZ, E., FONTILLO, F., LABRADOR, G.
BILASADO, J. ( 2015 ). EKONOMIKS. QUEZON CITY:
EDUCATIONAL RESOURCES CORPORATION
3. IMPERIAL, C., ANTONIO, E., DALLO, E., SAMSON MC.,
SORIANO, C. KAYAMANAN ( EKONOMIKS ) MANILA,
REX BOOK STORE
4. https://www.scribd.com/document/394832995/docu
ments-tips-rubrics-para-sa-islogan-docx
5. https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-Para-
Sa-Poster
6. PICTURES ( www.google.com )

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Modyul 5 pagkonsumo
Modyul 5   pagkonsumoModyul 5   pagkonsumo
Modyul 5 pagkonsumo南 睿
 
Ppt konsepto ng demand
Ppt konsepto ng demandPpt konsepto ng demand
Ppt konsepto ng demandED-Lyn Osit
 
Palatandaan at Hamon ng Kakapusan
Palatandaan at Hamon ng KakapusanPalatandaan at Hamon ng Kakapusan
Palatandaan at Hamon ng Kakapusanbebengko07
 
Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-
Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-
Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-Thelma Singson
 
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksAralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksMitchie Gozum
 
Kakulangan at Kakapusan
Kakulangan at KakapusanKakulangan at Kakapusan
Kakulangan at KakapusanAPTV1
 
Interaksyon ng demand at suplay adm rmhs mn la - slideshare
Interaksyon ng demand at suplay   adm rmhs mn la - slideshareInteraksyon ng demand at suplay   adm rmhs mn la - slideshare
Interaksyon ng demand at suplay adm rmhs mn la - slideshareShiella Cells
 
ARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYONARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYONhome
 
Ap9 msp i-ve-9. Sektor ng Industriya
Ap9 msp i-ve-9. Sektor ng IndustriyaAp9 msp i-ve-9. Sektor ng Industriya
Ap9 msp i-ve-9. Sektor ng IndustriyaFherlyn Cialbo
 
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demandAralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demandCharles Banaag
 
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng EkonomiksMELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng EkonomiksRivera Arnel
 
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demandKonsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demandBeverlene LastCordova
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 Crystal Mae Salazar
 
Konsepto, Dahilan, Epekto at.pptx
Konsepto, Dahilan, Epekto at.pptxKonsepto, Dahilan, Epekto at.pptx
Konsepto, Dahilan, Epekto at.pptxDaniloAggabao1
 

La actualidad más candente (20)

Modyul 5 pagkonsumo
Modyul 5   pagkonsumoModyul 5   pagkonsumo
Modyul 5 pagkonsumo
 
Ppt konsepto ng demand
Ppt konsepto ng demandPpt konsepto ng demand
Ppt konsepto ng demand
 
Palatandaan at Hamon ng Kakapusan
Palatandaan at Hamon ng KakapusanPalatandaan at Hamon ng Kakapusan
Palatandaan at Hamon ng Kakapusan
 
Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-
Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-
Ekonomiks- grade 9 Aralin 5 produksyon-
 
Aralin 4: Implasyon
Aralin 4: ImplasyonAralin 4: Implasyon
Aralin 4: Implasyon
 
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksAralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 
Kakulangan at Kakapusan
Kakulangan at KakapusanKakulangan at Kakapusan
Kakulangan at Kakapusan
 
Interaksyon ng demand at suplay adm rmhs mn la - slideshare
Interaksyon ng demand at suplay   adm rmhs mn la - slideshareInteraksyon ng demand at suplay   adm rmhs mn la - slideshare
Interaksyon ng demand at suplay adm rmhs mn la - slideshare
 
ARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYONARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYON
 
Ang mamimili o konsyumer
Ang mamimili o konsyumerAng mamimili o konsyumer
Ang mamimili o konsyumer
 
Ekonomiks produksyon
Ekonomiks produksyonEkonomiks produksyon
Ekonomiks produksyon
 
Ap9 msp i-ve-9. Sektor ng Industriya
Ap9 msp i-ve-9. Sektor ng IndustriyaAp9 msp i-ve-9. Sektor ng Industriya
Ap9 msp i-ve-9. Sektor ng Industriya
 
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demandAralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng EkonomiksMELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
MELC_Aralin 2_Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
 
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demandKonsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
Konsepto at mga Salik na nakaaapekto sa demand
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Konsepto, Dahilan, Epekto at.pptx
Konsepto, Dahilan, Epekto at.pptxKonsepto, Dahilan, Epekto at.pptx
Konsepto, Dahilan, Epekto at.pptx
 
Elastisidad ng Demand
Elastisidad ng DemandElastisidad ng Demand
Elastisidad ng Demand
 
Pagkonsumo
PagkonsumoPagkonsumo
Pagkonsumo
 

Similar a YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )

kakapusan- AP 9.pptx
kakapusan- AP 9.pptxkakapusan- AP 9.pptx
kakapusan- AP 9.pptxwill318201
 
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Dave Duncab
 
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila南 睿
 
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...GraceCalipjo
 
Kahalagahan ng ekonomiks
Kahalagahan ng ekonomiksKahalagahan ng ekonomiks
Kahalagahan ng ekonomiksAPTV1
 
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1Martha Deliquiña
 
Aralin 1 june 22-25, 2015
Aralin 1  june 22-25, 2015Aralin 1  june 22-25, 2015
Aralin 1 june 22-25, 2015dimpol orosco
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Byahero
 

Similar a YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN ) (20)

A 2 kakapusan
A 2 kakapusanA 2 kakapusan
A 2 kakapusan
 
Aralin 3.pptx
Aralin 3.pptxAralin 3.pptx
Aralin 3.pptx
 
Aralin 3.pptx
Aralin 3.pptxAralin 3.pptx
Aralin 3.pptx
 
Ekonomiks lm yunit 1 (2)
Ekonomiks lm yunit 1 (2)Ekonomiks lm yunit 1 (2)
Ekonomiks lm yunit 1 (2)
 
Ang Kakapusan.pptx
Ang Kakapusan.pptxAng Kakapusan.pptx
Ang Kakapusan.pptx
 
Kakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulanganKakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulangan
 
Aralin 1.pptx
Aralin 1.pptxAralin 1.pptx
Aralin 1.pptx
 
kakapusan- AP 9.pptx
kakapusan- AP 9.pptxkakapusan- AP 9.pptx
kakapusan- AP 9.pptx
 
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.
 
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
 
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran ang ...
 
apq1week1.pptx
apq1week1.pptxapq1week1.pptx
apq1week1.pptx
 
Ang kakapusan
Ang kakapusanAng kakapusan
Ang kakapusan
 
Kahalagahan ng ekonomiks
Kahalagahan ng ekonomiksKahalagahan ng ekonomiks
Kahalagahan ng ekonomiks
 
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
Modyul araling anlipunan 9 aralin 1
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
review.pptx
review.pptxreview.pptx
review.pptx
 
Aralin 1 june 22-25, 2015
Aralin 1  june 22-25, 2015Aralin 1  june 22-25, 2015
Aralin 1 june 22-25, 2015
 
Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)Ekonomiks tg part 4 (2)
Ekonomiks tg part 4 (2)
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4Ekonomiks Teaching Guide Part 4
Ekonomiks Teaching Guide Part 4
 

Último

Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptxGabrielleEllis4
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttJulietDianeBallonBot
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxMohminGumampo
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...RomyrGenesisCanaria2
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaJaysonKierAquino
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptxArlieCerezo1
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxReniaPimentel1
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5TinCabanayan
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaFilipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaJaysonKierAquino
 
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfnasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfVielMarvinPBerbano
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotoMark James Viñegas
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanMedizaTheresseTagana1
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotOlinadLobatonAiMula
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxNicaBerosGayo
 

Último (20)

Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pagmamahal sa Bayan.pptx
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
DIOSDADO MACAPAGAL Diosdado Macapagal (born September 28, 1910, Lubao, Philip...
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
 
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docxLesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaFilipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
 
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdfnasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
nasyonalismosasilanganattimogsilangangasya-150219084821-conversion-gate02.pdf
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
 
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
 
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP 8 UMIIRAL NA PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
 

YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )

  • 1. PAMANTAYAN NG PAGKATUTO PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYANG PAGGANAP Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga pangunahing konseptong Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang- araw-araw na pamumuhay. EKONOMIKS YUNIT 1 MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ARALING PANLIPUNAN 9
  • 2. Page1 YUNIT 1 MGA KONSEPTO NG EKONOMIKS ARALIN 2 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pangaraw-araw na pamumuhay. 2. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay. 3. Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan. 4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan.. PANIMULA Mahalagang pag-aralan at maunawaan ang kakapusan sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring makaisip ang tao ng mga paraan kung paano ito epektibong mapamamahalaan. Maaari din itong maging daan upang maging responsable ang bawat isa sa pagkuha at paggamit ng limitadong pinagkukunangyaman. Sa araling ito ay inaasahang maipakita ang ugnayan ng kakapusan sa pangaraw-araw na buhay, matukoy ang mga palatandaan ng kakapusan, makabuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang suliraning panlipunan, at makapagmungkahi ng mga paraan kung paano mapamamahalaan ang mga suliraning dulot ng kakapusan. Basahin ang maikling balita. Sagutan ang pamprosesong tanong. Ilan pang basic goods nilagyan ng buying limitABS-CBN News Posted at Apr 03 2020 04:24 PM | Updated as of Apr 03 2020 06:43 PM Dinagdagan ng Department of Trade and Industry ang listahan ng mga pangunahing bilihin na may limit ang puwedeng bilhin sa mga supermarket. Ayon sa DTI, ito ang mga nadagdag na basic goods at kung gaano karaming piraso lang ang puwedeng bilhin:  Disinfectant wipes - 4 containers o pack  Sabong panlaba - 2 bundle (sachet), 2 box, o 2 bareta  Toothpaste - 4 tube  Mouthwash - 4 bote  Canned pork - 10 cans  Canned beef - 10 cans  Cooking oil - 4 bote o pakete  Panimpla (condiments) - 2 bote o pakete  Dried fish - 6 pakete Nilimitahan din ng DTI sa 10 piraso ang dami na puwedeng mabiling de-latang sardinas. GAWAIN 1: NEWS ANALYSIS
  • 3. Page2 Nauna nang naglagay ang DTI ng limitasyon sa dami ng nabibiling alcohol, instant noodles, toilet paper, kape, gatas, at tinapay sa mga grocery. Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi ibig sabihin na kulang ang supply kaya nililimitahan ang puwedeng bilhin. Isa raw itong hakbang para maiwasan ang hoarding at mabigyan ang lahat ng konsumer ng tsansa na mabili ang gusto nilang produkto. Hindi pa rin kasi 100 porsiyentong nakabalik ang manufacturing sector dahil sa enhanced community quarantine, na ipinatupad sa buong Luzon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19. Ayon naman kay Trade Secretary Ramon Lopez, tuloy-tuloy lang ang produksiyon ng alcohol pero sobrang laki ng demand o pangangailangan para rito. May face masks na rin sa ilang supermarket na ibinebenta sa halagang P27 kada piraso. Sa South Star Drug naman, may supply na rin ng surgical mask, na mabibili sa halagang P28 kada piraso. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News Pamprosesong Tanong: 1. Ano-anong mga produkto ang nilimitahan ng DTI? 2. Sino ang Trade Undersecretary ng DTI? 3. Ayon sa kanya, ano ang iniiwasan kung kaya ginawa ang hakbang na paglilimita ng bilihin? 4. Sinong Trade Undersecretary ang nangako na tuloy-tuloy ang produksyon ng alcohol? 5. Magkano ang bentahan ng surgical mask? 6. Ano ang pwedeng mangyari kung hindi magkakaroon ng limit sa pagbibili? Ipaliwanag ang nais ipabatid ng diagram. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. GAWAIN 2: TANUNGAN TAYO WALANG HANGGANG PANGANGAILANGAN PAGPAPASYA LIMITADONG PINAGKUKUNANG YAMAN
  • 4. Page3 Ang layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kakapusan. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka upang masagot ang katanungang kung ano ang kakapusan, mga palatandaan nito, at ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw ng buhay. TALAKAYAN Ang kakapusan o scarcity ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang- yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural gas, at iba pang non- renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito. Ang kakapusan sa mga nabanggit na halimbawa ay itinakda ng kalikasan. Ang kondisyong ito ay nagtakda ng limitasyon sa lahat at naging isang pangunahing suliraning pang-ekonomiya. Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba pang kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang supply ng bigas sa sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay. Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito. Ang kakapusan bilang isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ay isang pamilya na hindi kayang ibigay sa bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao. N. GREGORY MANKIW
  • 5. Page4 Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng gagawing desisyon. Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito? Alin ang higit na kailangan? Paano ito lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili? Saang alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang oportunidad? Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. (Case, Fair at Oster, 2012) Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag- aaral kung saan higit na makikinabang. Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong produkto o serbisyo at timbangin ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magiging episyente ang plano ng produksiyon at ilalagay ito sa graph, maaaring makalikha ng isang kurba katulad ng inilalarawan sa Production Possibilities Frontier (PPF). Ito ang paraan upang mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng pinagkukunang-yaman. Inatasan ka ng iyong guro na magtinda. Mag isip ng dalawang produkto na maaari mong itinda. Sunda ang halimbawa sa baba. Option Maruya ( PIRASO ) Tabog-Tabog ( PIRASO ) A 50 0 B 45 35 C 35 45 D 0 50 PAANO ITO GAGAWIN? ANO ANG GAGAWIN? PARA KANINO ANG GAGAWIN? PAANO IPAMAMAHAGI ANG PRODUKTO? GAANO KARAMI ANG GAGAWIN? GAWAIN 3: ANG PLANO KO HALIMBAWA 350 45 50 35 45 50 A B C D M A R U Y A TABOG TABODTALAHANAYAN GRAPH
  • 6. Page5 ANO ANG PPF O PRODUCTION POSSIBILITIES FRONTIER? Pamprosesong Tanong: 1. Anong dalawang produkto ang iyong napili? Bakit? 2. Sa pag gawa mo ng talahanayan, ilan ang binawas mo sa bawat produkto para pareho mo maibenta? Bakit kailangang may isakripisyo? 3. Ano ang naging resulta ng graph? Tuwid ba ang guhit na nagdurugtong sa bawat option? 4. Ano ang iyong naisip habang ginagawa mo ang talahanayan at graph? Ipaliwanag. Ang Production Possibilities Frontier o PPF ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga sa produkto. Nailarawan din sa pamamagitan nito ang konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan. Mahalaga ito sa pagpapakita ng mga choices na mayroon ang komunidad at ang limitasyon ng mga ito. Sa paggamit ng PPF, kailangang isaalangalang ang mga hinuha na: 1. Mayroon lamang dalawang produktong maaaring likhain. Halimbawa, maruya at tabog - tabog; at 2. Ang pamayanan ay may limitadong resources (fixed supply). Ang pinakamataas na produksiyon ng ekonomiya ay ang hangganan ng PPF. Ang pinakamataas na produksiyon ng ekonomiya ay ang hangganan ng PPF. Sa mga hangganang ito ay maituturing na efficient ang produksiyon. Kinakatawan ito ng choices sa option A, B, C, D, E, at F. Tingnan ang production plan ng isang partikular na produkto sa ibaba Option Maruya ( PIRASO ) Tabog-Tabog ( PIRASO ) A 50 0 B 45 35 C 35 45 D 0 50 350 35 45 50 A B C D M A R U Y A TABOG TABODTALAHANAYAN Maaaring malikha ang mga kombinasyong ito kung magagamit ang lahat ng resources. Kapag nagamit lahat, ang produksiyon ay efficient. 0 unit ng maruya at 50 piraso ang tabog-tabog. At 45 na piraso ng tabog - tabog at 35 na piraso ng maruya. Magkakaroon lamang ng pagbabago sa dami ng magagawa sa pagitan ng pinag-aaralang produkto ayon sa magiging desisyon. Ito ay batay sa konsepto ng Ceteris paribus – other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago maliban sa salik na pinag-aaralan (Balitao et al. 2012). Ang pamamaraang ito sa ekonomiks ay ginagamit upang maging mas simple ang pagpapakita sa relasyon ng pinag-aaralan. 45 50
  • 7. Page6 Maaaring tumaas ang produksiyon ng tabog-tabog kapag nagpalit ng plano mula A patungo sa D na magdudulot ng pagbaba sa produksiyon ng maruya. Samantala, tataas ang produksiyon ng maruya kung magpapalit ng plano mula D patungo sa A. Magdudulot ito ng pagbaba sa produksiyon ng maruya (movement along the curve). Nailalarawan ang trade-off sa pagpapalit ng plano ng produksiyon. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang halaga ng kapalit na iyon ay ang opportunity cost. Halimbawa, ang pag galaw mula plano A papuntang plano B ay may opportunity cost na 5 piraso ng maruya na kailangang isakripisyo kapalit ng dagdag na 35 piraso ng tabog-tabog. Option Maruya ( PIRASO ) Tabog-Tabog ( PIRASO ) A 50 0 B 45 35 C 35 45 D 0 50 Ang punto na nasa labas ng kurba ay naglalarawan ng konseptong infeasible na plano ng produksiyon. Ito ay magandang plano subalit hindi makatotohanan. Sa mga hangganan ng PPF, ipinagpapalagay na lubos na nagamit ang lahat ng salik ng produksiyon sa paglikha ng produkto. Gayumpaman, maaari pa ring maisakatuparan ang infeasible na plano sa pamamagitan ng paggamit ng angkop at makabagong teknolohiya, at paglinang sa kakayahan ng mga manggagawa. Tingnan ang pigura sa susunod na pahina. Option Maruya ( PIRASO ) Tabog-Tabog ( PIRASO ) A 50 0 B 45 35 C 35 45 D 0 50 350 35 45 50 A B C D M A R U Y A TABOG TABODTALAHANAYAN Nag-specialize sa paglikha ng maruya Nag-specialize sa paglikha ng tabog-tabog 45 50 35 0 35 45 50 A B C D M A R U Y A 45 50 TABOG TABOD Hindi efficient na nagamit resources Infeasible na punto Samantala, kung hindi magagamit ang lahat ng salik ng produksiyon ay masasabing hindi rin efficient ang paglikha ng produkto dahil hindi nagagamit lahat ng salik na mayroon ang lipunan, ito ang inilalarawan ng punto na nasa loob ng kurba. Maaaring magdulot ng suliraning pang-ekonomiya ang planong ito tulad ng kawalan ng trabaho. 50
  • 8. Page7 Suriin ang production plan sa ibaba. Iguhit ito sa graph at lagyan ng interpretasyon at kongklusyon ang punto A, F, at C. PUNTO INTERPRETASYON KONKLUSYON URI NG KAKAPUSAN AYON SA KALAGAYAN OPTION MAIS ( LIBONG SAKO ) PALAY ( LIBONG SAKO ) A 0 15 B 1 14 C 2 12 D 3 9 E 4 5 F 5 0 GAWAIN 4: PRODUCTION PLAN 15 6 9 12 3 0 642 Pisikal na Kalagayan – ito ay tumutukoy sa aktwal na kawalan ng yaman na tutugon sa mga pangangailangan ng tao. Pangkaisipan na Kalagayan - tumutukoy sa pagpigil ng tao na tugunan ang pangangailangan kahit may kakayanan siya na tugunan nito.
  • 9. Page8 Palatandaan ng Kakapusan Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks. May limitasyon ang pinagkukunang- yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito, nararanasan ang kakapusan sa mga pinagkukunangyaman. Ang kagubatan, na isang halimbawa ng likas na yaman, ay maaaring maubos at magdulot ng pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng biodiversity. Bagaman maaaring magsagawa ng reforestation, ang patuloy na paglaki ng populasyon na umaasa sa produkto ng kagubatan ay mabilis ding lumalaki. Samantala, bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamangdagat dahilan sa pagkasira ng mga coral reefs. Ang produktong agrikultural na nakukuha mula sa lupa ay maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bagong panahon at umiinit na klima. Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha. Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa loob ng oras na ito, hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan mong magpahinga, matulog, at kumain. Ang panahong lumipas ay hindi na muling maibabalik. Ang gamit ng pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili ang lahat ng bagay. Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at patuloy na paglaki ng umaasang populasyon ay palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan Kakapusan bilang Suliraning Panlipunan Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao, samantalang ang mga pinagkukunang-yaman ay kapos o may limitasyon. Dahilan sa kalagayang ito, ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na malutas ang sanhi ng kakapusan. Relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-yaman ay hindi makasapat sa pangangailangan ng tao. URI NG KAKAPUSAN AYON SA KALUTASANNITO
  • 10. Page9 Marapat na maunawaan ng bawat isa na sa paglipas na panahon, maaaring maubos pa ang mga pinagkukunang-yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong umaasa rito. Magiging dahilan ito ng malawakang kahirapan at pagkakasakit ng mga mamamayan. Maaari din itong magdulot ng sigalot, pagaaway-away, at kompetisyon. Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagtutulungan habang isinasakatuparan ang magkakaibang layunin sa ngalan ng katahimikan at kasaganaan sa buhay. Kailangan din ang matalinong pagdedesisyon kung ano, paano, para kanino, at gaano karami ang dapat na magawang mga produkto. Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong likas na yaman ay magagamit ng angkop sa kinakailangan ng mamamayan. Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan Upang mapamahalaan ang kakapusan natukoy na mahalagang suriin kung ano ang produktong lilikhain, paano lilikhain, gaano karami at kung para kanino ang mga lilikhaing produkto. Bunsod nito, inaasahan na ang sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan. • Kailangan din ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon, • Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo, • Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon, at mga institusyong (institutional development) nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, at • Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman. Sa pamamagitan ng mga ito ay maaaring lumipat sa kanan ang mga punto sa production possibilities frontier at makamit ang infeasible na produksiyon. Samantala, habang nababawasan ang mga kinukuha mula sa mga yamang likas, natutugunan naman ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran (environmentalist), binuo nila ang mga programang pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran. Ayon kina Balitao, et. al (2012) kabilang sa mga isinusulong ng mga programang pangkonserbasyon ang sumusunod: 1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran; 2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon; 3. Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance (protected areas program); at 4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop (endangered species). Pamprosesong Tanong: 1. Ipaliwanag ang uri ng kakapusan ayon sa kalagayan at ayon sa kalutasan? 2. Paano masasabing dumaranas ng kakulangan ang isang bansa? 3. Sa paanong paraan tinagurian ang kakapusan bilang isang suliraning panlipunan? 4. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang malutas ang pagkakaroon ng kakapusan?
  • 11. Page10 GAWAIN 5: CONSERVATION POSTER/SLOGAN Gumawa ng poster o slogan sa ¼ illustration board na nagpapakita ng konserbasyon sa mga yamang likas at mga paraan kung paano mapapamahalaan ang kakapusan. Gamitin ang rubrik bilang pamantayan ng iyong paggawa. Inihanda ni: MARY LOVELLA QUIJANO DE LA CRUZ AP – TEACHER Iwinasto ni: MAY D. CATUBIG, MAeD Area Chairaman – AP Pinagtibay ni: MARLO FIEL P. SULTAN, ED. D Principal II love
  • 12. Page11 Mga sanggunian: 1. EKONOMIKS 9 ( DEPED STUDENTS BOOKS ) 2. LERA, M., CRUZ, E., FONTILLO, F., LABRADOR, G. BILASADO, J. ( 2015 ). EKONOMIKS. QUEZON CITY: EDUCATIONAL RESOURCES CORPORATION 3. IMPERIAL, C., ANTONIO, E., DALLO, E., SAMSON MC., SORIANO, C. KAYAMANAN ( EKONOMIKS ) MANILA, REX BOOK STORE 4. https://www.scribd.com/document/394832995/docu ments-tips-rubrics-para-sa-islogan-docx 5. https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-Para- Sa-Poster 6. PICTURES ( www.google.com )