3. Balik-aral:
Ano ang birtud (virtues)?
–Ito ay tumutukoy sa mga mabubuting
kilos na ginagawa ng tao.
–Ang birtud ay laging nakaugnay sa
pag-iisip at pagkilos ng tao.
4. Balik-aral:
Ano ang gawi (habits) ?
–Mga kilos na kusang ginagawa ng
tao.
–Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na
pagsasagawa ng kilos.
–Ang bawat tao ay may makakaibang
gawi.
6. Dalawang Uri ng Birtud:
• Intelektuwal na Birtud - pagpapaunlad
ng kaalaman na siyang gawain ng ating
isip.
• Moral na Birtud - Ang papapaunlad ng
ating kakayahang gumawa ng mabuti
at umiwas sa masama na siyang
gawain ng ating kilos-loob.
7. Kaugnayan ng Birtud sa Halaga
• Ang paghubog ng gawi ay may
kaugnayan sa halaga. Ang
pagsasabuhay ng birtud ay bunga ng
maingat na paghuhusga.
• Ito ay dahil naniniwala tayo na
mayroon itong napakahalagang
kontribusyon sa ating pangaraw-araw
na pagpapasya.
8. Kaugnayan ng Birtud sa Halaga
• Kung nakikita natin
ang tulong ng mga ito
sa ating pagkatao,
pagyayamanin natin
at pahahalagahan ang
mga ito.
9. Sandaling Isipin:
• Bakit mahalaga sa atin
ang ating pamilya?
• Paano natin ipinapakita
ang pagpapahalaga sa
ating pamilya?
• Anong birtud ang ating
ginagawa upang ipadama
ang ating pagpapahalaga
sa ating pamilya?
10. Mga Uri ng Halaga
• Ganap na Halagang Moral
(Absolute Moral Values)
• Halagang Pangkultura at Gawi
(Cultural Behavioral Values)
11. Ganap na Halagang Moral
• Ito ay nagmumula sa labas ng
tao.
• Ito ay pangkahalatang
katotohanan (universal truth) na
tinatanggap ng tao bilang
mabuti at mahalaga.
• Nararapat na ang kilos ng tao ay
naaayon sa pangkalahatang
katotohanan.
12. Halagang Pangkultura at
Gawi
• Ito ay nagmumula sa loob
ng tao.
• Ito ay maaaring pansarili o
paniniwala ng isang
pangkat kultural.
• Layunin nito na makamit
ang mga dagliang pansarili
o pampangkat na tunguhin
(immediate goals).